Chapter One

85 4 0
                                    

Ten years later...



"Yes, Nay. Tutulong ako start na kaya ng one week leave ko. Okay bye."

Napaupo ako sa swivel chair dito sa office. Mabuti naman at may magrerelieve na Pharmacist sa akin.

Yes, I am now Vania Apolonio, RPh.

Four years na ako nagtratrabaho bilang branch Pharmacist ng New Gem Pharmacy na meron twenty branches. Mabuti na lamang at meron din sa bayan ng Buenavista, afterall it's an hour away from the Metro. After I graduated in Manila and nung napasa ko ang board exam dito ko na napili magtrabaho sa Buenvista.

"Iris," tawag ko sa akin Pharmacy assistant.

"Yes, ma'am Vania."

I rolled my eyes. "Duh! sabi ko 'wag mo akong tawagin ma'am pag tayo lang dalawa."

"Okay ano yun kamahalan na Vans." pang aasar ni Iris. She's my classmate in college pero huminto. Ipinasok ko sya dito sa New Gem Pharmacy para makaipon sya at makapagaral muli.

"I like that one, anyway, endorse this to Trixie sabihin mo andyan na lahat. Daily sales, stock transfer tsaka yung weekly order.Alam na nya yan  siya papalit sa akin dito habang wala ako."

Tumango lang si Iris. I glanced at my watch and it's already four o'clock. Nag time out ako at nagpaalam na sa mga kasama ko sa Pharmacy.

Finally! Vacation mode. But unlike other years I will spend mine sa pamilya ko. Napansin kasi nila nanay at tatay na mas madalas pag bakasyon nagtra travel ako. This time I want it to spend with them.

Nagpara ako ng tricycle.

"Kuya sa Manor Vandoz tayo." at ngayon nga didiretso ako sa Manor ng pamilya Vandoz. Until now my nanay still serving them. I told her to retire since si Veronica na lang ang nagaaral ang bunso kong kapatid. But she insisted na magtrabaho pa rin. Mabait daw ang mag asawang Vandoz at parang libangan na lang daw niya ang magtrabaho tsaka stay out pa rin siya. Si tatay ay ganun din pumapasada pa rin ng trycicle. Laking pasasalamat ko sa magulang ko dahil nakatapos ako ng college dahil sa pagtratrabaho nila. Hindi ako scholar at sa Manila ako nagkolehiyo kaya hindi biro.

Kaya naman ng makaipon ako pinaayos ko ang kubo namin. Nakakatulong na din ako sa pagaaral ni Veronica. Kaso sabi nila nanay at tatay hindi ko obligasyon ang pag aralin si Veronica. Kailangan ko din daw mag ipon para sa sarili ko.

Huminto sa malaking gate ng Manor ang tricycle. Mula dito ay lalakarin ko na lang. Mula ng magaral ako sa kolehiyo ay hindi na ako masyadong nakakapunta dito. To think na trenta minuto lang ang layo ng mansion mula sa bayan. Malaki na ang pinagbago ng Manor but still ito pa rin ang pinakamagandang Mansyon na nakita ko. Sabi ni nanay ay may welcome party para sa magasawang Vandoz. Galing sila sa Scotland, taon taon naman daw sila umuuwi maliban sa magkapatid. Na doon na din nag aral balita ko si Zethro ay Zephyr ay nakasabay sa University of Oxford.

Kamusta na kaya si Zethro?

Eh, si Zephyr?

Ano ba 'yan bakit naman nasingit ang isang 'yon? I don't care about him basta si Zethro ayos na sa akin. Ano na kaya itsura niya? Mas gumwapo siguro. Sayang at hindi sila kasama sa pag uwi ng magulang nila. Dumaan ako sa likuran bahagi kung saan matatagpuan ang shortcut sa malaking kusina ng mansyon. Malayo pa lang at kita ko na si nanay na tumutulong sa paghihiwa ng rekados.

"Nay!"

"Vania!" kumaway sa akin ni Nanay.

"Nay, ano matutulong ko?" Inilibot ko ang paningin ko at lahat sila ay abala. Habang ang iba ay kumakaway sa akin.

I Really Want You To Hate MeWhere stories live. Discover now