Chapter Two

71 4 0
                                    

Two

Trenta minuto pa ang itinagal ko sa kwarto bago ako nagpasiyang bumaba. The party was already started I'm just wearing a white v-neck top and pants. Hindi naman formal ang party.

Pagdating ko sa garden nakita ko si Rosie na naka yellow tank top at skirt. Napakunot ako ng noo parang hindi naman ganoon ang suot niya kanina. Mabilis siyang napalingon sa direksyon ko at kumaway sa akin.

"Rosie! ang bilis mo magpalit!" Sabi ko ng makalapit ako sa kaniya.

Nagtataka naman tumingin si Rosie sa akin. Katabi niya si Manang Andeng.

"Huh?"

"Asus! Kaya pala may pawalk out ka nalalaman kasi..." inilibot ko ang paningin sa garden at ang daming tao. "Wow, ang dami ngang handa fiesta lang! Tsaka girl ang daming pogi!" grabe nagsilabasan ang mga gwapo ng Buenavista. Buong bayan ata ang inimbitahan ng mag asawang Vandoz.

"Sasabihin ko nga sana sa'yo girl kaso ang himbing ng tulog mo."

Nagtataka naman ako dahil andoon naman siya sa kwarto kanina. Bigla naman may nahagip ang mata ko na pamilyar.

Si Zethro!

"Rosie! Si Zethro ba 'yun?" grabe yung itsura nya lalong gumuwapo pwede na siyang maging model.

"Umuwi pala siya."

"Oo, yun pa nga kasi aakyat sana ako para sunduin ka kaso sabi ni nanay dumating ang mag-asawang Vandoz kasama ang dalawa nilang anak."

Dalawang anak?

Habang nagsasalita si Rosie ay may nakita muli ako na pamilyar.

Kinabahan ako bigla ganoon ang suot kanina ni Rosie kulay blue na polo pwera na lang kung--

"Ayun nga andoon na si Zephyr sa kwarto niya. Pinalayas ka ba niya? o Nauna ka umalis?" sabi ni Rosie.

Kwarto? Zephyr? Hindi si Rosie ang nasa kwarto kanina?

At humarap nga bigla ang lalakeng tinitignan ko.

Si Zephyr!

Shit! Bakit mas lalo yata gumwapo ang bully na ito? Yung malamig niya na mata kung tumingin ay ganoon pa rin mas lumaki na din ang katawan niya. Hindi nalalayo sa katawan ni Zethro. Bagay din sa kanya ang medyo mahabang buhok at may hikaw siya sa tenga at tattoo sa kanang kamay!

Bad boy na bad boy lang. Teka bakit pinupuri ko siya?

Napaamang talaga ako at hindi nakapagsalita. Bigla siyang ngumisi sa gawi ko.

Peste! siya yung nagpahid ng lotion sa likod ko at nag hooked ng bra!

"Uy, oh, tinititigan si Zephyr. Ano girl? Natameme ka mas na hot siya ngayon hindi na siya yung totoy na Zephyr."

Hindi naman ako makapagsalita ano naman ang sasabihin ko?

"Vania."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Zethro.

"Zethro!" napayakap ako bigla sa kanya alam ko na nagulat siya ako din naman feeling close lang pero ang totoo hindi ko alam ang pinag gagawa ko dahil kinakabahan ako. Agad naman akong bumitaw ng pagkakayakap sa kaniya.

"Vania? You look so different. Akala ko kung sinong model." Nakingiting sabi ni Zethro habang pinapasadahan ako ng tingin. Na-flatter naman ako sa sinabi niya.

Hinatak ko naman si Rosie at pinakilala sa kaniya.

"Si Rosie naaalala mo? Anak ni nay Andeng." Hindi kasi namamasyal masyado si Rosie sa Manor ng mga Vandoz noong mga bata pa kami. Mabibilang nga ata sa daliri. Pero kilala nito ang magkapatid na Vandoz.

I Really Want You To Hate MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang