Mayroong panuntanan ang Seven Great Faction na sa oras na tumapak sa edad na dalawampu't tatlo ang isang core members, kailangan nilang mamili kung magiging isa ba silang Outer Elder o babalik na sila sa kani-kanilang angkan upang doon na magpatuloy ng buhay. Pero sa oras na kailanganin sila ng Faction na tumulong sa kanila upang maging malakas, dapat at kailangan nilang tumulong dahil iyon ang nararapat.

Habang patuloy na naghihinayang ang lahat isang inaasahang anunsyo ang muling nagpabalik sa kanilang sarili.

"Dahil hindi na kayang lumaban ni Carine Pier, si Lore Lilytel ang nanalo at dahil may dalawa na siyang panalo, siya ay nakakuha na ng puwesto para makalahok sa Seven Great Faction Games!"

"Si Carine Pier naman ay mayroon pang isang pag-asa upang magkamit ng puwesto, yun ay kung mananalo siya sa susunod na laban."

Binigyan rin nila ng tingin nang paghanga si Lore Lilytel at hiniling sa kalangitan na sana ay mayroon din silang lakas na maikukumpara kay Lore Lilytel.

Muling nagsimula ang laban sa dalawang entablado at habang nanonood si Finn Doria, lumapit sa kaniya si Ashe Vermillion at ginulo na naman siya nito.

"Finn Doria, akala ko ba gusto mong mabigyan ng proteksyon ang iyong angkan? Ngunit bakit ayaw mong lumaban?" kalmado ngunit mababakas pa rin inis sa mata nito.

"Oo kailangan ko nga ang proteksyong 'yon kaya naman sisiguraduhin kong mananalo ako sa susunod na laban." mahinahon ring wika ni Finn Doria habang nanonood pa rin sa mga naglalaban.

"Hmph. Masyadong mataas ang iyong tiwala sa sarili. Sana nga ay magtagumpay ka sa iyong ninanais." wika ni Ashe at akmang aalis na sana ngunit mayroon siyang isang bagay na nakalimutan, "Mayroon pa pala akong nakalimutang sabihin. Binabalaan kita Finn Doria, sa oras na banggitin mo ulit ang salitang 'guwapo' sa harap ko, huwag mo akong sisihin sa gagawin ko sa mukha mo. Hmph."

Mapait namang ngumiti si Finn Doria habang tinitingnan ang unti-unting lumalayong likuran ni Ashe Vermillion. Napansin din ni Finn ang masasamang tingin ng mga kapwa core members niya ngunit hindi niya na ito binigyang pansin at itinuon na lang ang kaniyang buong atensyon sa nagaganap na laban.

Habang patuloy na lumilipas ang oras, sunod-sunod rin naman ang anunsyo ng mga nagwagi sa laban.

--

"Dahil hindi na kayang lumaban ni Kiel Lilytel sa labang ito, si Lan Vermillion ang nanalo at dahil may dalawa na siyang panalo, siya ay nakakuha ng puwesto upang lumahok sa Seven Great Faction Games!"

"Si Kiel Lilytel naman ay mayroon pang isang pag-asa upang magkamit ng puwesto, yun ay kung mananalo siya sa susunod na laban."

--

"Dahil boluntaryong sumuko si Zeno Sieve sa labang ito, si Ezekias Sieve ang nanalo at dahil pareho silang may tig-isang panalo at tig-isang talo, maaari pa silang lumaban sa susunod na laban at magkamit ng isang puwesto."

--

"Dahil hindi na kayang lumaban ni Claus Thunor sa labang ito, si Roy Lilytel ang nanalo at dahil may dalawang talo na si Claus Thunor, hindi na siya maaaring magpatuloy pa. Si Roy Lilytel naman ay maaari pang magpapatuloy."

--

"Dahil hindi na kayang lumaban ni Yasue Silver sa labang ito, si Juvia Wasser ang nanalo at dahil may dalawang talo na si Yasue Silver, hindi na siya maaaring magpatuloy pa. Si Juvia Wasser naman ay maaari pang magpatuloy."

--

"Dahil hindi na kayang lumaban ni Vios Vermillion sa labang ito, si Leo Reeve ang nanalo at dahil may dalawang talo na si Vios Vermillion, hindi na siya maaaring magpatuloy pa. Si Leo Reeve naman ay maaari pang magpatuloy."

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now