Chapter XVII

11.7K 747 10
                                    

Chapter XVII: Assassin

Grey Stone City, Black Tiger Family Territory

"First Elder, hindi ba ako nagkakamali ng dinig? Ang batang nagmula sa Azure Wood Family ay isang 9th Level Gold Rank?!"

"Pero malinaw kong naramdaman na mayroon lang siyang aura ng isang 7th Level Bronze Rank noong nasa Heavenly Auction House tayo!"

Sa isang malawak na salas, dalawang pigura ng tao ang nakatayo at seryosong nag-uusap. Mapapansing ang isa sa dalawang pigura ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa kaniyang mukha, ito si Frederick Marren, ang Family Head ng Black Tiger Family!

"Kahit ako ay hindi rin makapaniwala nang marinig ko ang balitang ito, ngunit maraming nakasaksi sa kompetisyong naganap sa Sacred Dragon Institute. Kahit ang mga Outer Elders ay hindi itinatanggi ang bagay na ito." ani First Elder. Muli nitong ibukas ang kaniyang bibig upang magsalita, "Maaaring mayroong bagay sa katawan niya ang nagtatago sa totoo niyang antas ng lakas kaya hindi natin ito naramdaman noong nasa auction house tayo."

"Kung totoo ito... hindi na nakapagtatakang hindi nagtagumpay si Elder Xuan sa pagpatay sa kaniya. First Elder, kailangan nang mawala ng binatilyong iyon sa mundong ito sa lalong madaling panahon!" balisang wika ni Frederick.

Naaalarma sila sa balitang isang 9th Level Gold Rank si Finn. Maaaring sa hinaharap ay maging isang malaking banta ang binatilyong ito sa kanilang Aristocrat Clan.

Sa kanilang buong angkan, mayroon lang isa mula sa nakababatang henerasyon ng adventurer ang nasa 1st Level Scarlet Gold Rank. At naabot niya lang ito dahil sa mga Pills na ibinigay ng isang Noble Clan, ang Nine Ice Family.

Siya ang panganay na anak ni Frederick na nagngangalang Singh Marren, dalawampung taong gulang. Sa kasalukuyan, isa siyang core member ng Ice Feather Sect at gumagawa ng sarili niyang pangalan doon.

"Hindi mo na kailangan pang mag-alala, Family Head Frederick. Maaaring mahirapan tayong gumawa ng hakbang laban sa binatilyong iyon kung nasa loob siya ng institusyon. Ngunit nalaman kong lumabas ito sa Sacred Dragon Institute at mayroon na akong inutusan upang gumawa ng hakbang laban sa kaniya." nakangiting wika ni First Elder.

Nang makita ang ngiti ni First Elder, nakaramdam naman nang kaluwagan si Frederick at seryosong nagwika, "Maraming salamat First Elder. Mukhang kailangan ko nang madaliin ang paggamit ng Profound Nurturing Pill. Habang ako ay hindi pa nakakalabas sa aking pag-eensayo, ibinibigay ko muna sa'yo ang pamamahala sa ating Black Tiger Family."

"Hindi mo man lang ba kakamustahin ang iyong anak na si Seve? Nagtamo siya ng malubhang mga sugat at muntikan na siyang malumpo." tanong ni First Elder.

Napasimangot naman si Frederick nang marinig niya ang pangalan ng walang kwenta niyang anak.

--

Isang araw na ang nakalilipas mula ng makalabas si Finn sa Heavenly Sky City, at isang araw niya na ring tinatahak ang kagubatang patungo sa teritoryo ng Goldeng Lion Family.

Ang dahilan kung bakit mas inuna niyang pumunta sa Golden Lion Family kaysa sa kaniyang angkan ay upang magmungkahi ng isang alyansa sa pagitan ng kaniyang angkan at angkan ng Golden Lion Family. Syempre ay handa at mayroong paraan si Finn upang mapapayag si Family Head Augustus sa kaniyang imumungkahing alyansa.

Pansamantala niyang kakailanganin ang tulong ng Golden Lion Family mula sa Black Tiger Family.

Dahil magiging isa na siyang miyembro ng Cloud Soaring Sect, kailangan niyang makahanap ng pansamantalang poprotekta sa kaniyang Azure Wood Family. At ang Golden Lion Family ang pinakamaasahan niya sa ngayon.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now