Chapter III

13.7K 824 60
                                    

Chapter III: The Beginning

Ilang minuto matapos umalingawngaw ang kakaibang boses sa utak ni Finn, isang salamin na kasing laki ng kamao ang lumabas mula sa katawan ng binatilyo at nagpalutang-lutang ito sa kaniyang paanan.

Ilang saglit lang ay biglang lumaki ang salamin at naging kasing laki at lapad ito ng isang pintuan. Humarap ang salamin kay Finn na para bang mayroon itong sariling isip at naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag at binalutan nito ang duguang binatilyo. Nang mawala ang nakakasilaw na ilaw, mapapansing nawala na rin ang mga sugat at galos ni Finn! Maging ang malaking sugat sa kanyang dibdib ay naghilom na rin. Ang kaniyang paghinga ay bumalik na rin sa normal at sa ngayon, kung titingnan siya, mukha lang siyang pulubi na natutulog dahil sa kaniyang marumi at sira-sirang uniporme.

Bukod pa sa himalang 'yon, isang maliit na na may sobrang maitim na balahibo ang biglang lumitaw sa harap ng salamin. Ito ay mayroong ginintuang pares ng mga mata at pares ng maliliit na pakpak. Tumingin muna ito sa nakahandusay na binata bago pumasok sa loob ng salamin.

Bago pa man ito sumarado, ang pamilya ng Green Lone Wolf ay mabilis na ginaya ang ginawa ng maliit at itim na nilalang at habang tangay-tangay ng amang lobo ang kaniyang anak, sabay-sabay silang pumasok sa salamin bago ito bumalik sa dati nitong laki at hugis. Agad-agad rin itong pumasok muli sa loob ng katawan ni Finn at isang tatak ang malinaw na makikita sa kaniyang kaliwang dibdib. Ito ay ang disenyo ng kaninang kakaibang salamin.

Syempre, walang kaalam-alam ang mahimbing pa ring natutulog na binata sa mga pangyayari sa kaniyang kapaligiran. Mahimbing at matunog siyang natutulog na para bang inaakala niyang nasa isa siyang ligtas na lugar.

--

Sacred Dragon Institute.

"Nagawa ko na ang ipinag-uutos mo. Maaaring sa ngayon ay pinagpipiyestahan na ng mga Vicious Beast ang bangkay niya. Ngayon, asan na ang ipinangakong pabuya ng Black Tiger Family?" tanong ng lalaking nakasuot ng kulay-lila na uniporme sa binatilyong naka-puting uniporme na para sa isang estudyante.

Kung naririto si Finn Doria, mamumukhaan niya ang dalawang nag-uusap na ito. Si Seve Marren at ang taong nagtangka sa buhay niya. Higit pa roon, nakasuot ito ng lilang uniporme na sumisimbolo sa isang Inner Elder!

"Inner Elder Xuan. Talagang malaking tulong ka sa amin, h'wag kayong mag-alala. Sa oras na maging isang ganap na Noble Clan na ang aming Black Tiger Family, magbebenepisyo rin kayo," nakangiting pangako ni Seve Marren kay Elder Xuan. Napatingin ang binatilyo sa isang tainga ng Elder at nagtatakang nagtanong, "Asan na ang isang hikaw mo, Elder Xuan?"

Nang marinig ito ng Elder ay agad-agad naman niyang hinawakan ang tengang tinitingnan ni Seve at nagtaka, "Baka napasabit lang sa maliliit na sanga ng puno habang hinahalughog ko ang training ground."

--

Adventurers Training Ground

Sa loob ng training ground ay maririnig ang iba't ibang huni ng insekto, kaluskos ng maliliit na hayop at pagsipol ng mga maliliit na ibon.

Umaga na. Nakahandusay pa rin sa sahig si Finn Doria at mapapansing mamasa-masa ang kanyang suot na uniporme. Higit pa roon, nagkakaroon na ng senyales na magigising na ang binata!

'Patay na ba ako?' nakapikit pa rin siya habang tinatanong ang isip niya.

Binuksan niya ang kaniyang mga mata at muli siyang napapikit nang masilaw siya sa maliwanag na sikat ng araw.

'Buhay pa ako!' masayang sabi niya sa isip niya.

Dahan-dahan niya muli na iminulat ang kaniyang mga mata at sinuportahan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga braso upang tumayo. Ininspeksiyon niya ng kaniyang sarili at nagulat siya nang mapansing wala na ang mga galos at sugat sa kaniyang katawan. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at mas lalo pa siyang nagulat nang wala siyang nakitang kahit anong bakas ng saksak o sugat roon.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now