We’re making progress.

“Keith?” Tawag nito sa atensyon niya ng hindi siya sumagot.

“Hmm?”

“Valedictorian pala si Kei.”

Lalong nadagdagan ang sayang nararamdaman niya. After 12 years, naramdaman din niya ang maging proud tatay. Kahit pa nga hindi pa alam ni Kei na siya ang tatay nito, ayos lang. Proud pa din siya sa anak. And it’s all thanks to Mary Grace.

“Thank you.” ‘Yon lang ang naisagot niya kay Mary Grace.

Mahina itong natawa. “For what?”

“For raising such a wonderful daughter. Kahit wala ako, naging mabuti siyang bata, and it’s all because of your efforts. You were a great mother to her. And thank you, for slowly letting me in into her life.” Madamdamin niyang sagot.

Tumikhim ito. “Well, nagmana lang talaga sa katalinuhan ko si Kei.” Anito na ikinakunot ng noo niya.

“No way, sa akin siya nagmana.” Nakanguso niyang sagot sa sinabi nito.

Natawa si Mary Grace sa pagkadisgusto niya sa sinabi nito.

God! I miss her laugh.

“Yes way.” Anito. “O siya, kailangan ko pang maghanapbuhay, Mr. Bernardo.” Tatawa-tawa pa rin ito.

“Don’t laugh at me.” Aniya na iritado pa rin ang boses.

“Oo na. Hindi na ako tatawa.”

“See you three days from now. Maghanapbuhay muna tayo.” Mahina na rin siyang natawa.

“Maghanapbuhay lang, walang tayo.” Pagtatama nito.

“Magkakaroon din ng tayo. Just wait for it.” Sagot naman niya.

“Not gonna happen.”

“Whatever.”

“Yeah, whatever.”

“Fine.”

“Fine, din. Bye.”

“Bye.”

“I’ll hang up now.”

“Yeah, do that.”

“Bye.”

“Bye.”

Silence.

Lumipas pa ang ilang segundo bago nito tinapos ang tawag. Siya naman ay nangingiti na ibinaba ang telepono.

We’re really making progress.

HINDI ALAM ni Mary Grace kung bakit sinabi niya kay Keith ang tungkol kay Kei. Siguro, dahil alam niyang karapatan pa rin naman iyon ni Keith.

Napag-isip-isip niya ang sinabi ni Analyn, may point din naman ang kaibigan niya. At para din naman ito kay Kei. Karapatan ni Kei na maramdaman ang pagmamahal ng isang ama. And to think na hindi sinabi ni Keith kay Kei na siya ang ama nito noong magkita sila, pakiramdam niya ay sa kanya pa rin pinauubaya ni Keith ang lahat, na siya pa rin ang may karapatan sa bagay na iyon. She felt his respect for her regarding on that matter. And that’s enough for her. Ayaw niyang maging selfish. Iba ang issue nila ni Keith, iba naman ang pagiging ama nito kay Kei.

But still, Keith has a lot of explaining to do. She’s willing to give up her pride and will try to listen to what he has to say, may Kei kasi na apektado sa lahat ng desisyon niya.

Naghahanda sila ngayon ng anak niya para sa graduation nito. Akala niya dadalo si Keith, pero mukhang kinalimutan naman nito.

Bahala na nga siya. Paasa talaga ‘yon noon pa. Basta nasabi ko na ang dapat niyang malaman, bahala na siya sa buhay niya.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon