Chapter 26

498 5 0
                                    

What Brings Me Joy

You,
Of course.
Only you.
____________________________________

Harmonica POV

Naglalakad ako ngayon ng mag-isa papunta sa underground. Black outfit ulit ako nakamaskara. Ang buhok ko may kulay pula, nagpakulay pa ako para magaya ko ulit ang dati kong buhok.

Pagpasok ko amoy usok at dugo ang sumalubong saakin. Namiss ko ang pagpunta rito, may racing at syempre bugbugan ng bawat gang mawawala ba 'yon?

Papunta ako sa sinasabing tambayan ni War. Habang papunta ako doon madaming bulungan ang naririnig ko hindi ko na lang sila pinansin. Iniisip na sino ako at bakit nandito ang iba naman ay nakilala ako.

"Hoy Black Note ang tagal mo." Nakita ko si War na nakaupo sa balkonahe nang lugar na ito. Nilapitan ko at akmang itutulak ng bumaba na siya.

"Tss." Sabi ko sa kanya. Kasama ko siya sa mission na ito. Kitang kita rito kung sino ang mga gang na nandito.

"Alam mo ba pangalan ng gang nila?" Tanong ko. Umiling lang siya.

"Alam mo Black Note, simula nang pumasok ka sa RHO madalang lang ang pagpunta ko rito kaya wala akong update sa nangyayari. Alam mo? Si White yung damuhong 'yon, diba nung nag sleepover kami sayo? Pinigilan na niya akong magpunta rito." Sabi ni War sa akin. Tinitigan ko siya sa sinabi niya kaya lumingon ito sa akin.

"Anong klaseng tingin 'yan? Iba naiisip mo wala lang yun sa akin, tsaka pupunta at pupunta ako rito." Sabi niya at lumingon sa baba.

Isa akong gangster dati. Isang taon na nung umalis ako, ayaw ko kasing malaman nila mama kaya umalis ako. Hindi ibig sabihin noon ay wala na ako sa Ranking. Nagpunta ako sa mga ranking bago pumasok sa underground at wala pa ring nakakakuha sa Rank ko.

Kaya hindi ko inasahan na babalik ako rito at sigurado akong delikado ang buhay ko rito lalo na may nakakilala sa akin.

Napatingin ako sa baba nang magkumpulan sila, alam kong mag sisimula na ang gang war at dapat makita ko na sila Ashton dito.

May inabot sa akin si War na telescope, galing itong RHO ginamit ko iyon at hinanap sila. Sa paghahanap ko, may isang grupong bagong dating at nagsihawian ang mga gang na nasa baba.

"Sino sila?"

"Aba malay ko ngayon lang nga ulit ako nakapunta dito after 1 year tapos ako tatanungin mo?"

"Sorry na."

"Welcome gangster to underground. Ngayon ipapakilala ko sa inyo ang bagong Rank 2 ang Death of Harmonic." Sabi nung babaeng nagsasalita sa baba. Lumabas doon sa stage ang kaninang grupong kapapasok lang.

"Hindi kaya sila na 'yan?" Sabi sa akin ni War. Itinutok ko ang telescope ko sa unahan na lalaki, pamilyar ang pangangatawan at parang nakita ko na.

"Siguro pero kailangan nakasisiguro tayo." Sabi ko tumango naman si War, inilagay niya sa baywang niya ang telescope.

"Tara baba na tayo." Sabi niya sabay hila sa akin. Nakababa kami at nakarating kami sa gilid ng stage.

"Anong gagawin natin dito?" Bumulong lang siya sa akin.

"Sasali tayo sa laro nila." Bulong niya sabay ngisi. Nagulat naman ako sa sinabi niya, ang alam ko ay magmamatyag lang kami at hindi sasali sa war nila rito.

"What? Red Blood sinasabi ko sa'yo hindi ako sasali." Seryoso kong sabi.

"Nasabi ko na sa MC." Mahinang sabi niya.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now