Chapter 19

465 9 1
                                    

Harmonica POV

Nandito na ako sa Eat Manchus at 1:05 na wala pa din siya kaya umorder muna ako nagutom ulit ako, kung hindi lang siya tumawag sana ay kumakain ako nang luto ni Ocean doon.

"Miss may nakaupo ba rito?" Napalingon ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Wala naman." Sabi ko. Wala pa naman si Abo kaya siya na muna.

"Thank you. By the way anong pangalan mo?" Tanong niya. Maganda siya at mahinhin tsaka mukha ring mabait pero sa pakiramdam ko ay may hidden agenda siya. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa kanya.

"Harmonica." Maikling sabi ko.

"Beautiful name. It's like harmony." Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako, walang emosyon ang mukha ko ngayon kaya nawalan siya nang ngiti sa mukha pero agad ding bumalik.

"You are like ice. Malamig at walang emosyon." Aniya pero hindi pa rin ako nagsalita, familiar kasi siya at inaaala ko ang mukha niya kung saan ko nakita.

"Come on say something. 'Wag mo akong titigan." Aniya sa seryosong tono.

"Miss I don't know who are you. 'Wag kang feeling close ngayon lang tayo nagkita, unless kilala mo ako." Nakita kong bahagyang nanlaki ang mata niya pero agad din bumalik sa agad na postura niya.

"Harmonica I'm not a bad person."

"But I didn't say anything na masama ka." Nakangisi kong saad. Natigilan siya sa sinabi kong iyon.

Kung titingnan sa kilos niya ay kilala niya ako, hindi naman maitatangi dahil sa mga naging reaksyon niya. Tingin ko ay isa siya sa kalaban kailangan ay mahigpit na seguridad kay Ashton. Delikado na.

Nakita ko na nasa entrance na si Ashton at agad niyang inilibot ang paningin niya, hinahanap niya ako.

"Excuse me miss kailangan mo nang umalis nandyan na yung inaantay ko." Sabi ko sa kanya napansin kong natahimik siya at binaba niya ang kamay niyang nasa may taas nang lamesa tsaka siya tumayo.

"Salamat sa pagpaupo." Aniya at umalis tsaka naman ako nakita ni Ashton.

"Nandyan ka pala." Aniya at naupo sa kaninang inupuan nung babae.

"Palit tayo nang upuan." Sabi ko at tumayo nagtataka naman siyang tumayo. Naghihinala lang ako sa ginawa nung babae kanina.

"Nakapagpalit na tayo baka magpalit ulit." Aniya.

" 'Wag kang magreklamo dyan naghintay ako nang matagal dito." Wika ko sa kanya at inirapan siya. Napaayos siya nang upos sa sinabi ko.

"Oo na na–trapik lang naman ako eh."

"Hindi ako nagtatanong. Mag order ka na mamaya na natin pagusapan yung sa sasabihin mo." Sabi ko sa kanya at kinapa ang ilalim nang mesa.

"Okay. Waiter!" Nagorder naman siya ako naman ay kinakapa pa rin ang ilalim nang mesa hanggang sa may makapa ako. Sinilip ko iyon pero hindi ko makuha dahil nakadikit.

"Anong sinisilip mo dyan harmy?" Sabi ni Ashton kaya napaangat ako at nauntog.

"Ahh kasi may feeling ko may natapakan ako." Palusot ko. Tumango naman siya at ngumiti.

"Okay. Napansin mo pa pala yung harmy, by the way hindi ka ba kakain? " Tanong niya. Wews buti na lang at nakalusot.

"Mamaya na lang." Ngiti ko at tiningnan ang nakuha ko. Para siyang isang device na maliit parang kulangot pero iba siya.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now