chapter thirty one

Start from the beginning
                                    

Nakalipas ang ilang segundo pero hindi pa din nya sinasabi kung ano yung dapat nyang sasabihin.

"Pwede ang alin???" Tanong ko.

"Kung pwede ikaw nalang yung muse" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Tapatingin ako kay Anastasia na gulat na gulat din at napa nganga sa sinabi ni Hunter.

"Are you kidding me!?" Hindi pwedeng ako ang maging muse ng department namin.

"Please. Kase ten days nalang bago yung sportfest so wala na kong ibang malalapitan kung hindi ikaw." Nag pout nanaman si bakla.

"Yun ay kung mapapapayag mo ko" tinaas ko ang isa kong kilay at nag cross arms ako.

"Pano?" Tanong nya.

"Give me five reasons para pumayag ako" sabi ko.

Kusang nag liwanag ang mga mata nya na para bang nag karoon sya ng pag asa sa sinabi ko.

"You have 5 minutes to do it" napangiti ako.

"The clock is ticking" paalala ko.

"Ummn kase ikaw nalang ang pag asa ng department natin"

"Tick tock tick tock" pang aasar ko.

"Kase alam kong hindi mo hahayaan na matalo tayo"

"Two minutes" ang tagal tagal kase mag isip. Ayan tuloy ang konti nalang ng oras nya.

"K-kase matalino ka"

"K-kase s-sexy ka".

"Thirty seconds" mukang hindi pa ata aabot ng lima yung mga dahilan nya.

"K-kase..."

"Ten"

"Nine"

"Eight" napatingin ako kay anastasia dahil nakikisabay din sya sa pag bibilang ko.

"Seven"

"Six"

"Fiv--"

"K-kase ikaw ang PINAKAMAGANDA SA DEPARTMENT AT SA BUONG UNIVERSITY!!" Halos napasigaw na sya dun sa huling part nung sentence.

Halos isang minutong katahimikan ang naganap.

Narinig ko na pumapalakpak si Anastasia kaya napatingin ako sa kanya.

"Bravo bravo" sabi nya habang pumapalakpak.

Kumunot naman ang noo ko.

Dali daling tumabi sakin si Anastasia.

"Ano gurl? Speechless ka no? Pumayag ka na kase" sabi sakin ni Anastasia.

"Ano Saffron? Pumapayag ka na ba?" Tanong sakin ni Hunter.

"O.M.G gurl pumayag ka na kasi" sabi ni Anastasia. Sinundan ito ng nakakabinging tili nya.

"Okay le--." Naputol yung dapat sasabihin ko kase biglang nag salita si Anastasia.

"Oh my God. Pumayag na si Saffron!!" Tumalon talon si Anastasia at nakisabay na din sa pag talon si Hunter.

"Wala pa kong sinasabing oo" dahilan para huminto sila sa pag talon.

Tumingin ako kay Hunter na kanina pa nag hihintay sa susunod kong sasabihin.

"Pag iisipan ko" sabi ko.

Mafia Queen Where stories live. Discover now