ang maskarang kahoy

52 0 0
                                    

     Dumating na nga yung sandali na bumalik ung matandang ermitanyo na may dalang pagkain at may dalang libro na parang pamilyar na rin sa akin. Libro na dapat madadala ko pero sa gulat ko ng makita ko ang mga babaeng walang mukha ay hindi ko nagawang dalhin pa. " matitigil lang natin ang kasamaan ng magnanakaw ng mukha, ay kapag nalaman natin sa librong ito", sabay abot ng libro at akyat sa trak ng matandang ermitanyo. "Sige po, kumain muna tayo " sagot ko sa kanya habang nakangiti. "wala na tayong oras iho, malungkot nyang tugon sa akin. " o sige po kumain na muna kayo at babasahin ko na to ", sabay buklat ko ng libro. Nagulat ako ng nakita ko ang isang pamilyar na larawan, isang hari na may hawak na maskarang gawa sa kahoy, nabasa ko pa na " maraming taon na ang nakalipas ng sinugod sila ng magnanakaw ng mukha, at ang lahat ng nasasakupan ay nananakawan ng mukha, ang tanging kalunasan lamang dito ay ang maskara na kahoy, kailangang maidikit ito sa babae na magnanakaw ng mukha, nakasaad pa dito na kailangan mag ingat, kailangan walang reaksyon kang maipakikita sa magnanakaw ng mukha kapag nasa harapan mo ang mukha ng magnanakaw ng mukha. At isa pang importanteng bilin ang nakalagay sa libro, ang magnanakaw ng mukha ay nanggagaya ng mukha ng mga nabiktima nya. "ngayon alam na natin, lolo pano natin magagawa to ? tanong ko sa kanya habang kumakagat ng tinapay. "kailngan nating maisagawa ang nasa libro habang hindi pa nasapit ang ikalawang kabilugan ng buwan", dagdag pa ng matandang ermitanyo. Ang unang naming dapat gawin ay pumunta sa lumang kastilyo na nakatirik sa puso ng kagubatan upang makuha ang kinalalagyan ng mahiwagang maskara. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa gitna ng kagubatan. dahil matanda na ang ermitanyo ay may kabagalan ang aming paglakad, may dala kaming kakauting tubig sa lalagyan sapat lang ito hanggang sa kinabukasan. Sa aming paglalakad ay hindi mawala sa isipan ko kung ano ang dapat na emosyon ang ipakita ko gayong nanginginig ako sa matinding pagkatakot. Maya maya pa'y narinig ko ang isang tunog ng lumang orasan, "tik-tak, tik-tak" at sa isang iglap pa ay napansin ko na tila ako na lang ang naglalakad sa kahabaan ng kagubatan. Sa nangyari ay nabalot ako ng buong pagtataka at ng matinding takot, wari ay nasa ilalim na naman kami ng kapangyarihan ng magnanakaw ng mukha, nang biglang may tumatawag na naman sa aking pangalan. .Isang batang babae na nakasuot ng puti at ang kanyang mahabang buhok lamang ang tumatakip sa kanyang mukha ang aking nakita na nakaupo sa sanga ng isang punong kahoy. Hindi ako lumapit kahit na anong tawag nya sa akin, hanggang sa unti unti nya ng idinuduyan ang kanyang paa, habang nakayuko pa rin at nagsimula sya sa kanyang pag iyak, habang papalapit ako sa kanya at pabilis naman ng pabilis ang pag duyan ng kanyang paa at pahina ng pahina ang kanyang pag iyak, natatakpan pa rin ng kanyang mahabang buhok ang kanyang buong mukha, kung kaya't hindi ko makita ang kabuuan nito. Nang ako ay nasa harapan na ng babaeng umiiyak ay tumigil ito sa pag iyak at pagduyan ng paa. Sumigaw ito ng napakalakas "  may matang hindi lumuluha, may mukhang walang hitsura " at sa isang iglap lang ito ay nawala.. Napatakbo ako papalayo mula sa kinauupan ng batang babae na naiyak..tumatakbo ako papalayo habang pinag iisipan ang nasambit na salita ng batang umiiyak..Sa pagtakbo ko sa kalagitnaan ng kagubatan habang madilim ay nakita ko na naman ang batang babae, na naglalakad ng mabilis sa aking unahan.. hinabol ko sya ngunit kahit anong bilis ng aking pagtakbo ay hindi ko sya maabutan. "may matang hindi lumuluha, may mukhang walang hitsura" isinisigaw nya na naman habang patuloy ang kanyang pag iyak at paglalakad. Habang hinahabol ko ang bata ay may natanaw akong isang maliit na kubo, na tila may kandila sa loob. .Minabuti kong pumasok at alamin kung sino ang nakatira, nagbabakasakali na may tao akong makausap, isang tao na katulad kong normal habang wala ang matandang ermitanyo. "tao po, tao po" isang malakas kong sigaw sabay katok sa lumang pinto, isang maalikabok na pinto" at ng pangatlo kong katok ay kusang bumukas ang pinto. "tao po" isang tawag ko pa. Laking gulat ko ng makita ko ang isang lamesang walang laman, tanging ang kandila lamang na malapit ng maupos ang nagbibigay ilaw sa kubong ito na nakapatong sa lamesa. Sa pagtataka ay pinasok ko ang loob ng kubo, naupo ako sa isang lumang upuan sa sa gilid ng lamesa.. Nang ako ay nakaupo na, biglang lumiwanag ang paligid at tila may mga ala-ala na bumalik sa aking isipan. Ala-ala na hindi ko mawari kung tungkol kanino.. ang tanging nakikita ko lang ay isang matandang babae na nagluluto at matapos nyang magluto ay umupo sya sa kinauupuan ko, at bumalik na ako sa aking sarili. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at nilibot ko ang maliit na kubo, at nang tignan ko ang kandila, laking gulat ko ng makita ko na ang kaisa isang kandila, ngayon ay napakarami na nito, at bumuo ito ng isang bilog na porma ng kandila. At sa isang ihip lang ng hangin ay nawalan ng ilaw ang buong kubo, namatay ang mga kandila at sa pagdilat ng aking mata ay nakita ko ang matandang ermitanyo na sumisigaw at tila hawak hawak ang mukha nya, at tuluyan na akong nagising. nakatulog pala ako. At sa isang iglap pa ay naglalakad na ako kung saan huli kong nakasama at nakita ang matandang ermitanyo." bata, kanina pa tayo naglalakad at kanina pa ako nagsasalita bakit wala kang kibo" tanong sa akin ng matandang ermitanyo.." ha..anooo po???" tugon kong wari'y natitigilan.. sa aming paglalakad ay may nakita kaming kubo isang pamilyar na kubo na tanging ang kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa munting kubo na ito na nagaalis ng kaunting dilim. "mabuti pa't makipahinga muna tayo sa may aring maliit na kubo na ito, sabi ng matandang ermitanyo. "pero ano man ang mangyari, lagi kang mag iingat sa magnanakaw ng mukha" dagdag nya pa. Sa kanyang sinabi, ay hindi ko na alam ang gagawin ko, parang nakita at napasok ko na ang loob ng kubong iyon kani kanila lang, kahit sa tindi ng pagtataka ay sinamahan ko ang matadang ermitanyo na puntahan ang maliit na kubo. "tao po, tao po" katok ng matandang ermitanyo at sa pangatlo nyang katok ay kusang bumukas ang pinto. " isang malapit ng mamatay na kandila ang tanging nagbibigay ng ilaw sa kubong ito" pangunguna kong sabi sa matanda. Napatingin ang matandang ermitanyo, nang marinig nya ang aking hula, tama pano mo nalaman ? pagtataka nyang tanong sa akin.." waaallaa....hula ko lang po". pero hindi alam ng matandang ermitanyo ay nakita ko na to habang naguusap kami sa gitna ng kagubatan". Pinasok nga namin ang maliit na kubo at hindi ako nagkamali, isang lumang upuan ang nasa gilid ng lamesa, at isang kandila na malapit ng maupos. " wag kayong uupo jan lolo" utos ko sa matandang ermitanyo sabay turo sa lumang upuan. "ano ba ang meron?" sagot ng matandang ermitanyo." basta po, maupo na lang po tayo sa sahig" sagot ko sa matanda. Naupo nga kami ng matandang ermitanyo sa sahig, at dahil sa kahinaan ng matanda ay agad syang nakatulog..Hindi ko magawang iwan ang aking kamalayan at gayahin ang matandang ermitanyo at matulog, iniisip ko na baka mangyari ang nasa pangitain ko, ang manakawan ng mukha ang matandang ermitanyo. Lumipas ang ilang oras at ginising ko na ang matandang ermitanyo, oras na para puntahan ang lumang kastilyo na mula sa labas ng kubo ay amin nang natatanaw.. Ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakad, sa aming paglalakad ng magkasama ay natatakot ako para sa kasama kong matanda, mahina na sya at nakita ko sya sa aking pangitain. Hanggang sa maabot na namin ang lumang tulay na na nag uugnay mula sa kagubatan at lumang kastilyo, marupok na ito, nagpapatunay dito ang mga kulang kulang na kahoy na inaapakan at ang tali na mukhang malapit ng malagot. Sa kabilang banda naman ay may isang tulay na lupa na nag uugnay mula sa kagubatan at sa lumang kastilyo. " lolo mabuti pa doon na tayo tumawid sa tulay na lupa, mukha naman itong matibay at napakalapit kumpara sa lumang tulay na kahoy. Nang lalapitan ko na ang tulay na lupa ay sumigaw ang matandang ermitanyo.. " bata wag kang tatawid jan, pumarini ka at dito tayo tatawid sa tulay na kahoy" sigaw nya mula sa kabila. " hindi mo ba napansin na ang tulay na lupa ay mas nakaka akit na tawiran kumpara sa lumang kahoy na ito?, at tiyak ito ang pipiliin na tawiran ng mga taong madaling malinlang, hindi tayo tatawid don" matinding diin ng matandang ermitanyo. " pero lolo, wala naman pong kakaiba sa tulay na iyon" pangongontra kong tugon.. " ang lupa, kailanman ay hindi nagiging matigas pag walang pinapatungan, at mukha itong lubhang kaakit akit" kaya nagsimula ng tumawid ang matanda sa lumang tulay na kahoy at sinundan ko na ito. Laking gulat ko ng makita ko na naman ang batang umiiyak sa tulay na lupa, "wag kang tatawid dyan, " umiiyak sya habang sumisigaw sa akin, natigilan ako, pero hinila ako ng matandang ermitanyo at natawid na namin ang kahabaan ng marupok na tulay na wala man lang disgrasya." bata, sa mundong ito hindi lahat ng kagandahan ay totoo, dahil nasa ilalim tayo ng sumpa ng mangkukulam ay natatakpan nito ang tunay na kagandahan at naloloko tayo ng kasinungalingan" sabi ng matanda. Tama ang matanda sa isip-isip ko. Pinasok namin ang kastilyo, pero ang bumungad sa amin ay sirang tarangkahan ng kastilyo, kung kaya't hindi na kami nahirapan pumasok..pinasok namin ang kastilyo at sinindihan ang ilang sulo upang maging tanglaw namin sa aming paglalakad. .ilang minuto pa ay narating namin ang bulwagan ng hari, sadyang nakakatakot.. ang mga larawan na wala pa ring mukha ang nakasabit sa mga pader nito. at nakaupo pa rin ang kalansay na may suot ng korona sa kanyang trono, sa pagkakataong ito, nakasuot na ito ng maskarang kahoy. Ang maskarang kahoy na hinahanap namin ay  suot suot ng isang kalansay na may putong na korona. " Nilapitan namin ito, at tinangkang kuhanin" at ng kinuha ko na ang maskarang kahoy na suot ng kalansay, at biglang narinig ko ang isang mahabang iyak, na waring pamilyar sa akin..lumakas ang hangin mula sa sirang tarangkahan, at lumindol ng napakalakas dahilan ito para gumuho ang kastilyo, hinila ko kaagad ang matandang ermitanyo para lisanin ang kastilyo, pero ang matanda ay natulala, ngunti humihinga pa naman, wala na akong magawa kundi ang hilahin sya habang nakahiga......ITUTULOY

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

tiktakWhere stories live. Discover now