Ang magnanakaw ng mukha

115 0 1
                                    

   Dahil sa nakita ko ay gumaan ang pakiramdam ko tila matutuldukan na ang mga misteryong nararanasan ko sa hindi maipaliwanag na lugar na to. Nang tinignan ko ang kape ay nakita ko pa itong umuusok, patunay ito na kakatimpla lang at may mga taong iinom nito. Pero laking gulat ko ng dumating ang taong mula sa kusina, mga babae sila at parang nagtatawanan, ng nakita ko sila, ay nagulat ako sapagkat wala silang mukha. Tanging ulo lamang at balat ang nakadikit dito. Sa pagmamadali kong maka alis sa silid na yon ay natapon ko ang tasa ng kape, pero imbis na kape ang nakita ko ay dugo na natapon mula sa tasa. Nagmamadali akong lumabas ng silid, ngunit nahawakan ako ng isang babae, biglang natuyot ang kaliwang kamay ko dahil sa mahigpit nyang pag hawak, at tinangka nya pang hawakan ang mukha ko pero nasipa ko sya at agad syang natumba sa kinatatayuan nya. Paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang aklatan na napakaraming libro, anu pa't napakataas ng mga lagayan ng libro. .Nagtago ako saglit sa mga lumang aklat na nakatambak malapit sa isang lumang lamesa, at ganun nga hindi nila ako nakita pa. Naka agaw ng aking atensyon ang isang libro na ang pambalat ay tanging ulo lamang at walang mukha, "ANG MAGNANAKAW NG MUKHA", nang bubuklatin ko na ay may narinig akong sigaw, "ayun sya" habulin nyo.. napatakbo ako sa narinig kong sigaw at nakita ko ang mga babae na papalapit sa akin, hindi ko na nagawang kunin o dalhin pa ang libro, naiwan ko to at at nahayaan kong nakalapag sa sahig. Hanggang sa nakarating ako sa isang elevator, pumasok ako dito ngunit walang pindutan at narinig ko na naman ang tunog ng orasan "tik-tak" "tik-tak", lumingon lingon ako at nakita ko na pinapalibutan pala ako ng mga nakakatakot na orasan, lalo pang lumakas ang tunog nito at maya maya ang galaw ng mga kamay nito. Biglang bumukas ang pinto ng elevator at imbis na hallway ang makita ko ay, nakita ko ang isang kalsada na inuulan ng nyebe nagtataka akong lumabas ng elevator, at sa aking paglalakad sa kalsada habang bumabagsak ay napansin ko na ang mga bawat gusali ay bukas ang mga ilaw pero ang mga street sign ng lungsod ay burado, walang palatandaan kung nasaan ako. Tanging malamig na ihip ng hangin at naglliliparang mga papel lang ang nasasaksihan ko. Gabi pa rin, hindi pa nag uumaga, kaya ang mga poste lamang ang nagbibigay ng ilaw, poste na dilaw ang ilaw ang tanging nakikita ko. Malayu-layo na rin ang nalalakbay ko at ng narinig kong bumusina ang isang trak na nakaharang sa kalsada, bukas ang mga pinto nito at tila may tao sa loob. Agad kong sinilip ang laman ng trak at bumungad sa akin ang isang matandang ermitanyo, inaasahan ko na ang taong ito ay walang mukha rin, pero nagkamali ako, taglay nito ang isang matandang mukha, may pag kakulubot na to at maputi na ang buhok, at kita ko sa kanyang mata ang kawalan ng pag asa at takot na nabubuhay sa kanyang puso. "Manong, anong lugar po ito at bakit po meron kayong mukha" natataranta kong tanong sa matanda. " anak, gumising ka, pag hindi ka gumising, kukunin nya rin ang mukha mo" dun ko lang namalayan na ang kumukuha ng mga mukha ng mga tao, ay takot sa maingay kung kayat hindi pumapatid ang matandang ermitanyo sa pag busina ng kanyang trak. bakas na bakas na sa kanya ang matinding pagpupuyat. Sa wakas ay nagkaron na rin ako ng pag asa, meron na rin akong normal na makikilala sa mundong ito, kahit na hindi ko sya makausap ng ayos. Maya maya pa ay sumigaw ng napakalakas ang matanda, nagulat ako at napa balikwas.. "lumayas ka, hindi mo makukuha ang mukha ng batang ito "sabi ng matanda, sinundan ito ng  marami at malalakas na busina ng kanyang trak. Kahit hindi ko nakita ang nangunguha ng mukha ay bakas sa akin ang takot at kitang kita ito dahil di ko mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. "andyan pa po ba sya lolo" sabi ko sa matanda habang kinakabahan ako. "wala na sya, umalis na sya, pero babalik sya, hindi sya titigil hanggang hindi nakukuha ang mukha natin", dahil sa sinabi ng matanda ako ay napanghinaan ng loob, kakailnganin kong wag matulog at mag-ingay ng mapagtagumpayan ko ang magnanakaw ng mukha. Hindi naman namin magawang paandarin ang trak dahil sa luma na ito at sira ang gulong, kung kaya't minarapat na lang namin na dito na lang magpalipas ng gabi. "lolo, bakit hindi po nadating ang umaga? tanong ko sa matanda". "nadating ang umaga iho, pero dahil nasa ilalim tau ng sumpa ng mangkukulam ay hindi natin to nakikita, oh sya magpahinga ka na, ako na ang bahalang magbantay sayo ". Tinanggihan ko ang alok ng matanda na matulog, dahil mas pipiliin ko pang magbantay at hayaang makapag pahinga ang matanda. Natulog na nga ang matanda, at  ng sya'y makaapag pahinga na. Lumipas ang ilang sandali, at may naririnig akong kaluskos na nagmumula sa ilalim ng trak, gusto ko mang gisingin ang matanda pero hindi ko ginawa, nilakasan ko lang ang loob ko at bumaba ako ng trak. Lumuhod ako at sinilip ko ang ilalim ng trak, laking pasasalamat ko at tanging pusa lamang pala ang pinagmumulan ng kaluskos, at ng tumayo ako, papasok na ng trak ay biglang bumungad sa harap ng mukha ko ang isang marungis na babae, napakabaho kulot ang buhok at nakataklob ang kanyang mukha, agad akong napasigaw at dahil sa busina ng trak ay agad ding nawala ang babae. Gising na pala ang matandang ermitanyo, "maraming salamat po lolo" sabi ko sa kanya at sabay akyat ng trak. "sino po ba yun?" natatakot kong tanong sa matanda. ."sya ang magnanakaw ng mukha, kahit na anong mangyari ay wag kang lalabas ng trak at hindi lang sya magnanakaw ng mukha, nang gagaya pa sya" sagot ng lolo habang patuloy sa pag busina. Lalo akong kinabahan at baka ang kausap kong matanda ay ang magnanakaw na pala ng mukha. Biglang bumaba ang matanda at tinanong ko " saan po kayo pupunta, sasama ako" , pero hindi pumayag ang matanda, dahil lubha daw na mapanganib ang pupuntahan nya, kukuha lamang sya ng pagkain naming dalawa. "wag kang matutulog kahit na anong mangyari" bilin nya pa habang nakaturo sa busina ng trak....ITUTULOY

tiktakOù les histoires vivent. Découvrez maintenant