Ang kastilyo

281 3 0
                                    

    Mula dito sa kinatitirikan ng aking paa, mula dito sa kamatayan patungong pag-asa, mithiin sana'y lumigaya, kahit kay kamatayan makipag tunggali pa. Pag-asa'y di ko masilayan, ilang hakbang pa bago mapatunayan, sa tulay ng karahasan, papalayo kay kamatayan. Sa pagtawid ko sa tulay ang tanging mithiin ay malagpasan itong pumipigil sa aking katawan, dalawang kamay na nakahawak sa aking mga paa, wala namang katawan. Bawat hakbang ka'y bigat, tumutulo na yaring dugo mula sa mga kamay na pumipigil sa aking paglalakad. Sa aking pag tawid ako;y may naaninag tila taong sa aki'y sumusunod, tila patay na sapagkat patunay dito ang nangangalingasaw nilang amoy, na wari bang galing sa hukay. Sinabayan pa nito ang malakas na ihip ng hangin na galing sa aking likuran, dahilan ito para magmadali akong makatawid sa tulay at makarating sa kabilang bundok. Habang ako ay nasa kalagitnaan ay lumakas ang ugoy ng tulay na gawa lamang sa kahoy at nakatali lamang sa dalawang malaking puno. Dumating sa punto na bumilis ang lakad ng mga bangkay at tila gusto nilang kainin ang lamang loob ko. Dahil sa matinding pag ugoy ng tulay ay nasira ito at tuluyan ng nahulog sa inaakala kong walang hanggan ang lalim. Laking gulat ko ng maramdaman ko na ang binagsakan ko ay isang malambot na lupa, napadpad ako sa puso ng isang madilim na kagubatan na tanging ang buwan lamang ang nag bibigay ng ilaw, na napapalibutan ng mga naglalakihang punong kahoy. Anupat naririnig ko ang mga huni ng ibat ibang mga ibong lumilipad pag gabi, dahil sa matindi kong takot ako ay nanginginig at kinakabahan. Ang mga puno tila gumagalaw, hindi ko alam kung totoo o sadyang dala lang ng matindi kong takot. Dahil sa liwanag lamang ng buwan ako umaasa ng liwanag ay nabanaag ko ang mga anino ng puno, at tila ito ay gumagalaw, pag lingon ko sa likod ay may mga punong nakakatakot na naglalakad at sinusundan ako, hindi naman ako namamalikmata dahil ramdam ito ng isip ko at buo kong katawan, maya maya pa ay narinig ko ang nakakatakot na hiyawan at unti unti ng bumili ang paglalakad ng mga puno. Dahil sa nasaksihan ko ay agad akong   tumakbo ng mabilis, habang hindi ko alam ang destinasyon na aking patutunguhan, habang ako ay tumatakbo ay lalong lumalakas ang hiyawan ng mga puno tila, lalo silang dumarami at lalong papalapit na sa akin. Sa kabilang banda ay may nakita akong lumang kastilyo, sa pagitan ng dalawang kakaibang malaking puno, ang kastilyo na yon ay masasabi kong luma sapagkat ito ay gawa sa lumang inprastratura, at may bakas ng digmaan. Sa takot ko ay pinasok ko ang  kastilyo sa pag aakalang ligtas ako dito sa mga halimaw na puno. Bumungad sakin ang mga larawan sa bawat ding ding ng kastilyo, ang lahat ay tila dugong bughaw, pero ang ipinagtataka ko ay bakit walang mukha ang mga larawan. Ang isang larawan ay tila babae na may korono, at may tusok ng sibat sa dibdib. Hanggang sa marating ko na ang bulwagan ng hari, tanging ang sulo lamang na nakalagay sa may tarangkahan ang nagbibigay sakin ng liwanag upang masaksihan ang mga kababalaghan na nangyayari sa aking paligid. Nang nakita ko na ang bulwagan ng hari ay laking gulat ko ng makita ko ang isang kalansay na naka upo sa kanyang trono habang may nakabaong palaso sa kanyang bungo, at ganun din may mga larawang naka dikit sa bawat bintana ng palasyo, ngunit wala itong mga mukha. Nakita ko pa ang mga ahas na nakapalibot sa trono, sa sobrang takot ko ay napasigaw ako, "AHAS" dahilan ito para maagaw ko ang atensyon ng mga ahas, hinabol nila ako, at nagulat ako ng makita ko ang mga ahas ay nagliliparan, may mahahabang katawan at malalaking pangil. Ngunit ang dinaanan ko kanina ay biglang nag iba, pag kalabas ko ng bulwagan ng hari, naging puno ito ng mga bulaklak na mababango at ang mga paa ko ay nabasa ng isang likidong malapot na hindi ko mawari kung ano. Nagmamadali kong kinuha ang sulo na nakapatong sa kamay ng istatwang bakal at nabigla ako ng makita ko ano ang naaapakan kong basa. "dugo, dugo" malakas kong sigaw, ito ay nagmumula sa isang silid na may malaking pinto, lumingon ako sa likod ngunit kahit ga butas ng karayom ay wala akong maaninag na bakas ng liwanag, kaya nag pasya ako na suungin ang silid kung saan nang gagaling ang dugo. Habang papalapit ako sa malaking pinto ng naturang silid ay bigla itong bumukas at tumunog ng parang nabuksang aparador, at tumambad sakin ang maraming taong nakahandusay , patay na silang lahat at tila hindi naaagnas ang kanilang katawan. Ang ipinagtataka ko ay kung saan nang gagaling ang dugo, laking gulat ko ng makita ko na ang kaisa isang larawan  na tila duke ay lumuluha ng dugo. Sa nasaksihan ko ay hindi ko maibuka ang bibig ko at hindi ko rin magawang gumalaw hanggan sa nawalan ako ng malay. Nang nagising naman ako ay nasa loob ako ng isang silid, may nakita akong mga nka uniporme na parang mga katulong lahat sila ay nakatalikod, at tila sinusunod nila ang bawat utos ng nakakatakot na boses. Tanging boses lamang ang aking naririnig at ng ako ay nag salita at tinawag ang isa sa kanila ay namasdan ko ang kakaiba at misteryo ng mga katulong, lahat sila ay walang mukha, napabangon ako at napa sigaw at sa tindi ng takot ay tumakbo ako papunta sa pintuan, kahit na masyado akong naguguluhan. At nang nakalabas na ako ng pinto, sa pag aakalang ligtas na ay nag dahan dahan ako sa aking paglakad. Maliwanag ang kalangitan dahil sa maliwanag ang buwan. Maya maya pa ay may narinig ako na , tila tunog ng orasan "tik-tak, tik-tak" kahit san ako lumingon ay hindi ko ito makita kung saan nag mumula ang tunog ng orasan, hanggang sa mapansin ko sa itaas ng kalangitan ang isang buwan na mukhang orasan, nagulat ako at nasabi ko sa sarili ko, anong kababalaghan ito, ang buwan ay naging orasan at ang nakakatakot pa dito ay may mukha ito, at dito ko na rin narinig ang isang hiyaw mula sa isang babaeng hindi ko malaman kung nasaan. Dahil sa matinding sigaw na narinig ko, sapat na ito para mabulabog ang malalaking ibon at sabay sabay lumipad papalayo. Hanggang sa napansin ko na isang babaeng nakaupo sa ilalim ng puno, at nakayuko. Ang babaeng ito ay ang nag iisang nilalang na nakita kong may buhay sa mundong ito, na puno ng kababalaghan. Nilapitan ko sya at sinabi ko " ikaw ba yung sumigaw?" tanong ko sa kanya, hindi sya naimik, inulit ko ulit " ate ikaw ba ung narinig kong sumigaw?" ngunit ni isa mang reaksyon ay wala akong nakita sa kanya. Bigla syang lumingon sa akin, " malapit na, kukunin ka nya" sabi ng babae sa akin at sabay narinig ko na naman ang tunog ng orasan. Tumakbo papalayo ang nakaputing babae, habang sumisigaw ng "kukunin ka nya" kukunin ka nya". Naupo na lamang ako sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang orasan na buwan. Ano ba ang nangyayari sa akin, bakit ako napadpad sa mundong ito?, panaginip lang ba to o na dedemonyo na ako, alin man don, ay hindi ko gusto ang mga nangyayari. Hindi ko napansin at nakatulog na pala ako, at nang ako ay magising nasa gitna na akong isang kalsadang napaka lawak, hindi mo ito matatawag na kalsada sapagkat wala namang dumaraan na sasakyan. Kelan ba sasapit ang umaga? ng tumingala ako para tignan ang buwan , ay laking tuwa ko ng bumalik na sa normal ang hitsura ng buwan. Lumakad ako saglit sa kalawakan ng kalsadang ito ay nagulat ako ng marinig ko ang isang matandang lalake na hinahabol ako at may dalang itak, ganun din wala syang mukha, sa sobrang kaba ko ay tumakbo ako ng tumakbo upang hindi maabutan ng matanda at hindi ako malapitan nito.. Ngunit hindi ko na kaya, kinakapos na ako ng aking hininga, pero wala akong pagpipilian kundi ang tumakbo at tumakas. Maya maya pa ay bigla na lamang sumulpot ang matanda sa harap ko, nakakatakot sya, punong puno ng dugo ang kanyang damit at may hawak syang duguang kutsilyo, napahiga ako ng naitarak nya saking puso ang kutsilyo, pero bigla syang nawala at nakakapagtakang wala man lang akong sugat na natamo mula sa kutsilyo nya. Muli akong tumayo at lumapit sa isang karwaheng nakaparada, luma na ito at walang kabayo. Saglit akong nagpahinga sa loob nito at nagulat ako ng bigla itong umandar..At pag silip ko ay nasa isang silid na pala ako ng hindi ko namamalayan. "parang kanina lang ay nasa loob ako ng karwahe , pero bakit ganito ay nasa loob na ako ng isang silid" sa isip isip ko. Nabuhayan ako ng pag asa ng nakita ko sa lamesa ay may mainit na kape, tatlong tasa ng maiinit na kape, pumasok kagad sa isip ko na may tao na akong makakausap , at malilinawan na rin ako kung ano ba ang kababalaghang bumabalot sa mundong ito. Oo tama ang nasa isip ko, may tao nga sa kusina at tila ay nag hahanda ito para sa hapunan.....ITUTULOY.............

tiktakजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें