viii

6.9K 444 147
                                    

Sa huling pagkakataon tumingin si RD sa akin, habang nakatingin rin ako sa kanya.

“Sige, ingat ka.” Sabi niya.

“Ikaw rin,” sagot ko.

Nagtalikuran na kami.

Mula dito, magkaibang landas na ang tatahakin naming dalawa. Gagawa na kami ng kanya kanyang desisyon. Hindi na kami obligadong isipin ang isa’t isa. Malaya na kaming gawin lahat ng gusto namin. Yung mga buhay naming dati nagiisa, ngayon hiwalay na. 

Narinig ko ang yapak ng paa ni RD palayo sa akin. Binilang ko ang bawat yapak na yun, isinabay sa yapak ko.Isa, dalawa, tatlo. Papalayo na ako nang papalayo. Ilang yapak pa, hindi na kami magkikita.


Apat, lima, anim.

Natigilan ako sa paglalakad nung makita kong nagsasara na ang café.

Binaligtad ng isang waiter ang karatula.  Mula sa Come In, We’re Open,napalitan na ng Sorry, We’re Closed.

Nakakatawa. Labindalawang oras na bukas at tumatanggap ng tao ang lugar na yun. Sa tagal nun, isang baligtad lang ng karatula, saradong-sarado na. Kahit kumatok at magpumilit ka pa, hindi ka na makakapasok.

Pero ayos lang. Magbubukas ulit ang café.

Parang kami ni RD.

Darating ang araw sa hinaharap na magkikita ulit kami ni RD sa lugar na to.

Malamang doktor na siya nun, ako naman, nakapag-nurse na sa abroad gaya ng plano ko. Magkakasalubong kami at magkakangitian.

Ganun ulit, parang kanina. Nakaupo sa isang sulok, nag-uusap parang dati.

“Pasensya na kung lagi akong late noon, Nina.” Pabulong niyang sasabihin.

Ngingiti lang na lang ako sa kanya.  “Sa tagal nun, RD. Napatawad naman na siguro kita.”

Masaya na kami pareho nun. Kaya ko na rin siyang titigan sa mata nang hindi parang pinipiga yung puso ko. Hindi na namin maalala ang araw na to. Hindi na namin maalala yung mga tampo, yung mga away, yung mga pagkakataong pinaiyak at sinaktan namin ang isa’t isa. Ang maalala na lang namin, may isang punto sa mga buhay namin, na ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya, at ganun din siya sa akin.

Habang naglalakad ako palayo mula sa huli naming pagsasama ni RD, napapikit ako at humiling na sana dumating ang araw na yon para sa amin. 

_END





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


How was it? Haba noh? Hahaha.. Nabaliwan ko lang. Pangit ba? Idedelete ko kung panget.

Comment ka. <3

xmeimei

Closing TimeWhere stories live. Discover now