A/N: Pasensya na. Short story ito, kaso masyadong mahaba. Walang meaning yung pagkakahati-hati, nahahabaan lang ako. Nagmamadali ako kasi may lakad ako. Haha.. Ayusin ko mamaya pagbalik ko. Comment kayo ha? Pinaghirapan ko to. XD
Napalakas ang buntunghininga ko habang nakaupo sa pinakagilid na table ng café kung saan dapat kami magkikita ng boyfriend kong si RD.
Forty five fucking minutes late, bahagyang naiiritang sabi ko sa sarili. Five years in a relationship and if there’s anything RD has been consistent of, it’s arriving later than I do.
Sinubukan kong ibaling ang inis sa pagbabasa ng bagong biling libro ko. Huminga ako nang malalim, sinusubukang kalmahin ang sarili at mag-concentrate sa binabasa.
Hindi ako makaconcentrate. Pano naman kasi, bawat “ding!” ng pintuan ng café, napapaangat ang ulo ko para makita kung si RD na ba yun. Hindi ko mabilang kung ilang beses umangat ang ulo ko, pero hindi si RD ang dumarating kundi ibang tao na hindi ko naman kilala.
Bumuntunghininga ulit ako, napatingin sa orasan. Sumilip na rin sa phone kung may nagtext. Wala.
He can’t even tell me if he’s running late?
Kung hindi lang talaga importante yung sasabihin ko, kanina pa ako nag-walk out. Pero ano pa nga ba? Eto ang role ko sa relationship na to. Naghihintay para sa boyfriend kong wala nang ibang ginawa kundi ma-late.
The door dings for the nth time, finally showing RD. Luminga-linga ito sa paligid, hinahanap ako. Hindi ko tinawag ang atensyon siya. Bawi ko na yun, mag-effort naman na siya na hanapin ako.
He found his way, eventually. Lumawak ang ngiti nito habang papalapit sa akin.
“Hey babe. I got held up in traffic.” Sabi niya, sabay halik sa pisngi ko. I caught a whiff of his aftershave as he did so. Basa ang buhok nito. Naka-civilian na, hindi na naka-white uniform. Umupo siya sa harap ko. Nawala na yung kunot sa noo ko. I’m still pissed, but for some reason my face got tired of showing my emotions.
“Are you mad?” halos pabulong na tanong ni RD.
Siempre alam niyang galit ako. Ang hindi niya siguro alam, kung bakit hindi ko pa siya inaaway. Nanunumbat na dapat ako ngayon, calling him insensitive, and he would just sit there and absorb everything. Pagkatapos kong magalit, saka lang ulit siya lalapit, bubulong ng “Sorry.” at hahalikan ako—nang madiin at matagal—sa labi. And just like that, mag-eevaporate na naman ang galit ko. Tricky cutesy RD Generoso, he knows what to do every single time.
Pero hindi na ako nagsalita. Wala pa yung kiss, wala na yung galit ko.
Ok lang Nina, bulong sa sarili. Last na to.
YOU ARE READING
Closing Time
Short StoryMinsan sa buhay, makakahanap ka ng pag-ibig. Hahawakan mo, aalagaan mo, itatago mo hanggang kaya mo. Pag naubos, wala ka nang magagawa kundi magparaya. Buhay nga nagtatapos. Relasyon pa kaya?
