vi

5.5K 201 9
                                    

“Babe. Naiisip mo ba, na may dalawang option lang para sa ending nating dalawa?” tanong ko kay RD isang araw, habang tahimik kaming nakaupo sa isang sulok ng café na ito.

“Yeah? At anong dalawang option naman yun?” tanong niya sa akin.

“Isa, kasal. Pangalawa, break-up.”

Bigla niya akong kinurot sa tagiliran. “Silly girl.” Sabi niya.  Gaganti sana ako,but he caught my arm and pulled me closer to him, inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

Yung ulo ko sa balikat niya. Yun na siguro ang pinakakumportableng posisyon sa buong mundo.

“Mali ka naman eh.” Sabi ni RD.  “Isa lang ang option.”

“At ano naman yun?”

Naramdaman kong hinalikan niya yung bumbunan ko.

“Forever lang, Babe. Yun lang ang option natin. ”

When was the last time I nestled my head on his shoulder and he just kissed it like that?

When was the last time I snuggled up to him, even in public, not caring about the people around us?

When was the last time I called him “Babe”?

Parang ang tagal tagal na nun. Ngayong nandito kami, sa kabilaang side ng lamesa, me crying like a baby and him just staring at me cluelessly, parang hindi ko na ma-imagine na minsan naging ganun kami sa isa’t isa.

Hinintay kong tumayo siya at tabihan ako. Yung kurutin niya ako ulit sa tagiliran at sabihan akong silly. Yung maihilig ko ulit yung ulo ko sa balikat niya.

But he remained in his seat. Yung kamay niyang tinanggihan kong abutin kanina, nakalapag lang sa mesa. Napatitig ako sa singsing sa daliri niya. Unconsciously, kinapa ko yung kasama ng singsing na yun na nakasuot sa daliri ko.

“Lagi mong isusuot to”, sabi niya nunguna niyang sinuot sa akin yun.  “Pag nakita kong hindi ito nakasuot sayo, gagahasain kita.”

“Talaga lang ah. Kahit maliligo?”

“Oo.”

“Kahit maglalaba?”

“Oo.”

“Kahit tatae?”

“Oo nga. Pag nakita ko talaga,malalagot ka. Kaya wag mong tatanggalin. Unless gusto mo  talagang gahasain kita.”

“Sira!”

“Diyan na yang singsing na yan. Ako lang ang may karapatang tumanggal niyan. Pag pinalitan ko na ng wedding ring.”

Tinanggal ko ang singsing mula sa daliri ko. Inabot ko kay RD. Hinawakan niya ang singsing sa palad niya.

“Sigurado ka?” tanong niya sa akin.

I wasn’t crying anymore. Tahimik na lang kaming nakaharap sa isa’t isa. Isang maliit na lamesa lang ang pagitan namin, but it felt like we were on the opposite ends of the room.

Ganito na pala kami kalayo ni RD. Sa mga huling buwan naming magkasama, ganitong kalaking espasyo na ang nagawa namin sa pagitan ng isa’t isa.

 Magkaiba na ang mundo naming dalawa. Masyado nang malayo ang narating ng paningin namin, sa dalawang magkaibang direksyon. Marami na kaming gustong makilala, gustong marating, gustong matupad. Hindi namin kayang gawin yun kung nakahawak pa rin kami sa kamay ng isa’t isa.

“Oo, sigurado na ko.” Mahinang sabi ko. 

Closing TimeWhere stories live. Discover now