Back then, he was a crybaby, a naive one. The little Kian he used to know was too innocent, too innocent that he became stupidly honest. That it sting too much. He was ignorant to the point people always use him and take advantage of that stupidity. But still, he always fights and stand for what he believe is right. And treasure everyone those who around him. He's a very kind and a caring person. And so, she loves him... to the point that, that love remained for over ten years.

The fact that she longed for him for how many years, it exhausts her now that he's already here.

Does the world really destroyed the same person she used to know?

No. She won't believe them. She won't believe anyone. She won't... She will only believe Kian. Kian Pimentel is still innocent and she only believes in him. She only believes in him... She only.

Binawi n'ya ang kan'yang tingin. Hindi s'ya umimik o nilingon man lamang ito-nanatiling nakatanaw sa dulo ng karagatan ang kan'yang namumugtong mga mata.

Nagtungo ito sa kan'yang direksyon, ibinagsak ang sarili sa kan'yang tabi at nanghihinang naupo.

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa nang mga sandaling iyon. Ang mabibigat nitong hininga dala ng pagod kasabay ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan ang s'yang namayani sa paligid...

Ilang sandali ay walang imik n'yang isinandal ang kan'yang ulo sa balikat ng binata dahilan upang mapalingon ito sa kan'ya. Napatitig, pagkunwa ay napatanaw nalang sa dulo ng karagatan-pinakinggan ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan at ang mga ibong maya't-mayang lumilipad sa tubig.

Sana'y ganito nalang palagi ang mundo...

Tahimik,
payapa,
at malaya. . .

Sinong may alam, walang sinuman ang nakakaalam kung ilang taon at gaano s'ya katagal nangulila sa senaryong ito. Ang mamuhay ng tahimik.

Ang maupo sa dalampasigan katabi ang taong nais mong makasama habangbuhay at damhin ang bawat hampas ng tubig sa inyong mga paa... Langhapin ang hangin sa tabing dagat, at pakinggan ang huni ng mga ibong maya't mayang naglalaro sa tubig... Walang sinuman.

Walang sinuman ang nakakaalam kung gaano n'ya inasam na magbalik sila noong mga panahong iyon.

Yung mga panahong inosente pa lamang ang lahat. Ignorante at walang kaalam-alam sa ikot ng mundong ito kun'di ang maglaro lamang sa ilalim ng init ng araw. Magpasaway sa matatanda at magtago mula sa mga kawayan nilang pamalo.

Yung mga panahong pinag-aawayan pa nila Liu at Johan kung sino ang pinakamagaling lumangoy.

Kung sino ang pinakamabilis tumakbo, kung sino ang pinaka-malakas, kung si Johan ba o si Kian.

Yung mga panahong pinagtatalunan pa nila kung sino ang mas matalino, kung si Liu ba o s'ya.

RETRIBUTIONМесто, где живут истории. Откройте их для себя