💙Chapter 25💙

Começar do início
                                    

Pinahid ko ang luha ni Kiel "naririnig mo ba ako? Pakiusap kung naririnig mo ako, maaari mo bang pisilin ang kamay ko?" Umaasa ako na gagawin nya yun

Ilang Segundo ang lumipas pero di nya pinisil ang kamay ko, akala ko mabibigo ako pero nagulat ako sa ginawa nya, dahan dahan yung gumalaw at dumiin sa kamay ko

Nanlaki ang mata ko at tinignan sya kasabay ng pagluha "totoo nga Bhest naririnig nya tayo" buong galak kong sabi "Kiel pero mas sasaya kami kung magigising ka"

Hindi pa rin ako kumbinsido sa pagpisil lang nya, kaya gusto kong mangyarwng dumilat ang mga mata nya, "oo nga Kiel gumising ka na, may kailangan ka pang gawin alam mo yun" singit naman ni Lea

"Kiel Sige na please!" Pagpupumilit ko hanggang sa, kumirot ang mgavmata nya at....dahan dahan yung namulat, na ikinagulat ko "Kiel gising ka na?"..

"Salamat at nakinig ka" segunda ni Lea, pumikit ulit ang mata nya at marahang iminulat saka ito kumurap ng ilang beses pero nakatingin sya sa isang dereksyon

"Kiel nakikilala mo ba kami?" Tanong ko at iwinasiwas ang kamay ko sa harapan ng mukha nya hanggang sa tumingin sya sakin "salamat sa dyos at gising ka na"

"Sandali tatawagin ko ang doctor" paalam ni Lea na mabilis lumabas, "masaya ako na gising ka na" sambit ko pero nanatili lang syang nakatingin sakin na para bang may Gustong sabihin

"Kiel ayos ka lang ba?, nakikilala mo ba ako? Kung oo tumango ka" na sya namang sinunod kaya mas lalong gumuhit ang mga ngiti sa labi ko at sa hindi ko alam na kadahilanan napayakap ako sa kanya

"Wag mo na ulot gagawin yun ha, tinakot mo ako ng sobra" hindi napigilang maluha habang nakayakap sa kanya, hindi ko hinahangad na sumagot sya sa sinasabi ko dahil baka makasama sa kanya...

Maya maya lang bumukas ang pito kasabay non si Lea at ang doctor kasama ang nurse, pibalabas muna kami para tignan si Kiel, naupo muna kami ni kea sa waiting area "Bhest tahan na ang importante ligtas na si Kiel"

Napangiti ako sa sinabi nya "oo nga Bhest napakabait BG dyos at dininig ang panalangin natin" sagot ko naman naka sumandal sa upuan

"Naman may mahalagang misyon pa yan si Kiel kaya hindi pwedeng matsugi yan" pagbibiro nanaman nya na sinabayan pa ng pagwasiwas ng kamaysa ere.

Makalipas lang ang ilang minuto, sabay sabay na lumabas ang doctor at nurse nakasilay ang mga ngiti sa labi nila kaya ramdam ko na maganda ang balitang dala nila samin

Pagkahintong pagkahinto, masiglang ngiti ang sinalubong nila samin kaya ganon na lang ang galak na nararamdaman ko, "doc kamusta na po si Kiel?" Nakangiting tanong ko

Excited ako sa ibabalita ni doc "well good news" nagkatinginan kami ni Lea at ganon na lang ang tuwa namin ng marinig yun

"As unexpected he's out of danger, actually its a miracle, marami na kaming naging pasyenteng tulad nya pero karamihan sa kanila binabawian ng buhay, base on our tests for him, ang laki ng improvement compare in past hours, and take note lumalaban sya para mabuhay siguro nakatulong ang mga sinabi nyo sa kanya"

Masaya ako sa sinabi ng doctor at salamat rin dahil lumaban sya para mabuhay, "ahm doc pwede na po ba namin syang puntahan?" Paghingi ko ng permiso "pwede na actually sya pa nga yung nag suggest na papuntahin kayo sa kanya"

Buti naman kung ganon, hindi ko na hinintay pa ang Hin nila mabilis akong pumasok sa loob sumunod naman si Lea, pagpasok ko sa loob nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Kiel, pinilit nyang ngumiti sakin pagkakita nya

"Hi!...kamusta ka?" Nag aalangan kong tanong saka umupo sa tabi ng kama nya "i-im f-fine" utal nyang sabi ok lang sakin yun lalo na at kagagaling nya lang kanina sa pagiging comatose

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora