LastSection 5 (EDITED)

32.8K 763 118
                                    

Kristine's P.O.V

Naglalakad ako papasok ng school. Tinetext ko si Renze na ayos lang ako at papasok na ako. Pagkatapos ko ma send ang text ay tinago ko na ang phone ko.

Huminto ako at bumuntong hininga. Iniisip parin ang nangyayari sa room at pag-alala na ako ang sunod na.

Kailangan ba talaga mangyari ito? Ang may pumapatay sa classroom at classmate ko?

Ang sakit sa ulo, hindi na ako makapagisip ng maayos kahapon pa dahil nga masyado na akong nagiisip ng mga kung anong pwedeng mangyari sa akin. Na baka nandiyan na siya? Na baka nasa harapan ko at likod ko na siya? Ang gulo. Ang hirap ng nangyayari sa akin at sa amin.

Sinimulan ko na muli ihakbang ang mga paa ko papunta sa building namin, lakad lang ako ng lakad hanggang sa tumunog ang phone ko na kinuha ko naman agad sa bulsa ng palda at nakita ang isang text na galing kay Renze.

'Punta ka dito sa swimming area, may sasabihin ako'

Swimming area? Anong gagawin namin doon? Bakit doon n'ya pa sasabihin?

Napailing nalang ako sa gustong mangyari ni Renze, naglakad na ako muli at iniba ang direksyon ng pupuntahan ko.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan ng swimming area. Binuksan ko ang pinto at nakitang sarado ang ilaw at parang walang tao.

Humakbang ako ng isa at ng isa pa, unti-unti at dahan dahan habang iniikot ang aking mata sa paligid.

"Renze!?" Paghahanap na tawag ko sa loob.

Hakbang lang ulit ako ng hakbang at pinapagala ang mata ko sa paligid habang nasa gilid ng pool. Hinahanap si Renze pero wala akong makita na katawan at anino nito sa paligid.

Nasan siya?

Humakbang ulit ako ng humakbang ng dahan dahan nang biglang may nahulog na tunog na bagay sa kung saan na kumalat sa aking pangdinig sa dulo. Nerbyos at kaba ay parang lason na kumakalat sa aking sistema.

'Ano yun?'

Hinakbang ko lang muli ang aking mga paa at iniignora ang aking nararamdaman na takot, nagpapatuloy sa paghahanap kay Renze.

"Renze!? nandito na ako! Lumabas kana!" Sigaw ko sa paghahanap habang patuloy na humahakbang ng unti-unti nang biglang sumarado ang pinto.

Napalingon ako sa likod kung nasaan ang pintuan. Ang nerbyos at kaba ko ay lalong nadagdagan, mas lalong lumalala ang takot sa aking dibdib. Ano to!? Anong nangyayari ngayon? Bakit parang may kakaiba? Nasan si Renze?

Biglang tumunog ang aking phone na hawak ko na gumising sa aking wala sa sarili na diwa, napatingin ako sa phone na hawak ko at nakita na may text message galing kay Renze, nagmamadali ko itong tinouch para mabuksan.

'Wag kang pumunta sa swimming area! It's a trap! May nag-text gamit ang phone ko Babe. Go back!'

Napatulala ako sa binabasa ko, umakyat lahat ng dugo ko sa katawan at tinaasan ng balahibo. Ang takot ko ay hindi ko mapigilan. Ambilis ng tibok ng puso ko na parang kakawala dahil sa nerbyos at kaba na aking nararamdaman.

"Hello!" Sabi ng isang tinig sa gilid ko, napakahina at napakalamig nito pero kaya akong bigyan ng kakaibang pakiramdam ng takot na lalong dumodoble sa aking katawan.

Unti-unti ay nilingon ko ito ng dahan dahan, ninenerbyos at kinakabahan. Matapos ko ito malingon ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko, ang isa sa kaklase kong nakangisi ng parang demonyo. Nakakatakot. Nakakanginig balahibo.

Siya? Siya ang killer?

"I-ikaw?"

Katrina's P.O.V

Nakaupo lang ako sa upuan ko at nag-iisip, nagsusulat ng mga kung ano-ano sa aking notebook. Wala kaming Teacher ng first class dahil nga nawala si Teacher Tara. Tumingin ako sa blackboard at may iniisip nang biglang tumayo si Renze na parang nagmamadali at wala sa sarili na naglalakad papunta sa pintuan palabas ng room.

"Anong problema Renze?" Tanong ni Kurt na nakasulubong si Renze.

"Si Kristine! Nasa panganib si Kristine!" Sabi nito na parang na fru-frustrate sa sarili at hindi alam ang gagawin.

Lumabas siya ng pintuan, napatingin kami kay Ann. Sumunod si Ann kay Renze palabas at napatayo din ako dahil sa komosyon na nagaganap. Nagsunuran ang mga kaklase ko palabas para sumunod kila Renze.

Nagsimula na din akong lumakad palabas at sumunod din sa kanila. Lakad at takbo akong sumunod sa kanilang pupuntahan.

'Anong nangyari kay Kristine? Nasaan siya?'

Hindi ko mapigilan magalala, si Kristine ang pangalawa at ang target ng killer. Siya ang hahanapin at pupuntaryahin ng killer. Nakakatakot. Sana ay okay lang siya ngayon kung nasaan man siya.

Lumabas na kami ng building at tumakbo kung saan papunta si Renze, nakasunod lang kami sa kanyang direksyon kung saan tutungo. Ninenerbyos at kinakabahan ako sa nangyayari. Sana ay wala talagang nangyaring masama kay Kristine.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa pumunta kami sa swimming area, tinulak ni Renze ang pintuan at nagmamadaling pumasok sa loob.

Sumunod kami papasok at nahinto nang nakita ko si Renze na nakatigil habang nakatingin ng seryoso sa pool. Nilipat ko ang tingin ko sa kung saan siya nakatingin at nakita ang nakakahunos diling pangyayari.

Si Kristine, nasa pool at lumulutang magisa habang may hiwang malalim sa leeg at kumakalat ang sariwang dugo sa tubig.

Hindi ko mapigilan takpan ang aking bibig. Napakasakit makakita ng ganitong pangyayari. Napaka walang awa at puso. Sino ang tao ang kayang gumawa nito sa kanya? Wala ba talaga siyang awa at pagsisi?

"Fuck! Bakit?" Sabi ni Renze na lumuluha at kinuyom ang kamao sa galit. "Bakit pa kailangan mangyari ito sa amin?"

Hindi kami umimik at nanahimik nalang kami. Tinitingnan ko ang mukha ni Renze, basang basa ang mukha nito ng kaniyang mga luha, mahahalata mo ang kalungkutan at prustrayon n'ya sa kaniyang sarili. Mahal na mahal n'ya siguro si Kristine.

Huminga ako ng malalim at tiningnan kung nasaan ang katawan ni Kristine. Bakit kailangan gumulo ang buhay namin? Bakit kailangan may mamatay? 

Last Section (Exclusive under Dreame)Where stories live. Discover now