LastSection 4 (EDITED)

36.8K 814 112
                                    

Katrina's P.O.V

Naglalakad ako papunta sa aming room habang binabasa ang mga text kagabi. Iniisip ko parin kung sino siya. Kaklase ko ba siya? Kakilala? Siya ba ang nag-lagay ng sulat sa bag ko? Ang pumatay kila Lloyd at Teacher Tara? Sino?

Natigil ako sa pag-iisip nang may makabungguan ako, napatigil ako sa paglalakad at tinaas ang tingin ko kung sino ito.

Si Louie, nakatingin sa akin ito ng diretso at seryoso. Ang malamig niyang aura ay pinapanyerbyos ako.

"So-sorry." Sabi ko ng nanginginig dahil sa nerbyos na binibigay n'ya sa akin.

Hindi ito sumagot at lumakad lang paalis sa akin. Nakatingin ako sa kanya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Ang tahimik n'ya talaga, hindi siya umiimik at nagsasalita masyado. Parang iniipon n'ya ang kanyang salita at pag magsasalita siya ay nakikinig ang lahat na parang napakahalaga nito katulad kahapon.

Iniling ko ang ulo ko, tinatanggal ang naiisip ko. Masyado ko siyang iniisip. Kanina pa ako dito nakatayo at kailangan ko ng pumunta sa classroom ko.

Naglakad na ako papunta sa classroom at nang nasa tapat na ako ay pinihit ko ang seradura at pumasok sa loob.

"Good morning Kat!" Bati sakin ni Angel.

"Good morning din." Bati ko pabalik at ngumiti saka umupo.

Bigla kong naalala ulit ang nagtext sa akin kagabi, naisip ko na baka may number siya ng nagtext sakin? Wala naman mawawala kung magtatanong.

"Angel may number ka ba sa contacts mong ganito?" Sabi ko at kinuha ang phone ko at binuksan saka pinakita ang number ng nagtext sakin.

"Wait tingnan ko... Wala Kat e, bakit?"

Sasabihin ko ba? 'wag na. Baka magdagdag alala pa ako sa kanya at isipin iyon.

"Ahh, wala. Nag text lang sakin. Wrong send ata?" Sabi ko at nilagay sa bag ang phone ko.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ms.Loraine, ang Principal na nasa 40's kasama ang isang lalake na nakasuot ng pang pulis na damit.

"Good morning Ms.Loraine." Bati namin sa kanya tsaka tumayo at umupo din agad.

"Good morning Section Z, nandito si Investigator Cabagan para magtanong sa inyo ng mga tanong tungkol sa pangyayari kahapon. Pinauwi ko kasi kayo agad. Nakalimutan ko na may magiinvestigate pa pala, Mr.Cabagan please introduce yourself." Sabi ni Ms.Loraine.

Pumunta sa gitna si Mr.Cabagan tsaka umubo ubo na hinahanda ang sarili sa pagsasalita.

"Im John Fred Cabagan, the investigator of the crime scene yesterday. I have few question here. Unahin natin ang kaklase niyo." Sabi ni Mr.Cabagan habang may tinitingnan na papel at tumingin sa amin.

"Ang classmate niyong si Lloyd," Sabi nito at inikot ang paningin sa amin "Binigti siya sa rooftop, dahil sa itaas na ng floor na ito ang rooftop, may napansin ako. Sinadya na sa gilid ng bintana niyo bumulagta ang katawan ng kaklase niyo, at meron itong pinapakita o pinapahiwatig na di ko malaman."

"Bago mangyari ang incidente, sinugatan ng murderer ang kaklase niyo ng 31 cuts sa katawan at isang nakaukit na 'Uno' sa noo at may papel na nakasulat na 'Its Payback Time'."

"Sa tingin niyo? Nasa klase niyo kaya ang killer o schoolmate niyo?" Tanong nito.

"Kaklase po ata namin?"

"O Schoolmate?"

"Wala po kaming ideya. Medyo naguguluhan nga po kami sa nangyayari."

Last Section (Exclusive under Dreame)Where stories live. Discover now