Ilang beses siyang kumurap-kurap baka sakaling mawala sa paningin niya ang nakikita, pero hindi ito nawala. May kausap ito sa cellphone at mukhang naiinis. Naka-side view ito, pero kilalang-kilala niya ‘yon.

How could she ever forget the man who got her pregnant and left her hanging 12 years ago? Ang lalaking nagpapaniwala sa kanya na hindi siya iiwan, ang lalaking nagpapaniwala sa kanya na iba ito sa ibang lalaki, but in the end, he was one of those jerks who doesn’t even know what responsibility means.

Pero bakit andito ang gagong ‘to? Like, hello? Nasa Iloilo siya. Ganun na ba kaliit ang Pilipinas para makita niya ito dito?

Namuo ulit ang galit na akala niya ay nawala na noong ipinanganak niya si Kei. Ang akala niya, naka-moved on na siya.

Ang gagong ‘to. Kung kailan akala ko nakalimuta ko na siya, saka siya susulpot? So, ano? Hinanap niya ko?

Namilog ang mga mata niya sa naiisip at sa kakaibang pagtibok ng puso niya.

Ang puso ko. Galit ako. Tama. Galit ako. Pagkausap niya sa sarili. Pero ang pagtibok ng puso niya, ganoon pa din. This can’t be.

“Shit.” Wala sa sariling sambit niya habang nakaharap pa rin sa kaibigan niya.

Nagsalubong ang kilay ni Analyn. “Pwede mo naman sabihing hindi bagay o kasya sa anak mo 'to, may pa shit-shit ka pa riyan eh.” Reklamo nito sa kanya habang ibinabalik ang damit.

Doon lang bumalik sa kasalukuyan ang diwa niya.

“Halika na.” Bigla niyang hinila ang kaibigan palayo at mabilis na naglakad. Hindi siya pwedeng makita ni Keith. Hindi.

“Ano bang nangyayari sa’yo?? Ba’t parang nakakita ka ng multo? Saka huwag mo nga akong hilahin! Madadapa ako! Ang iksi pa naman ng mga biyas ko jusko!” Marahas na inagaw ni Analyn ang mga kamay nito sa pagkakahawak niya. Siya naman ay tulala pa rin. “Uy, ano ba.” Pukaw nito sa kanya.

“Nandito siya, sweet pea.” Aniya sa kaibigan.

“The who?” Magakasalubong ang kilay nito.

“Si Keith.”

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya sa sinabi niyang iyon. “That Keith f*cking Bernardo?? Tatay ni Kei? The hell, multo nga. Nasaan!?” Nagpalinga-linga ito at tumingkayad pa para lang makita ng maayos ang mga tao sa paligid. “Shit naman ang hirap maging pandak.” Reklamo na naman nito habang palinga-linga pa rin.

“Hindi niya ko pwedeng makita. Halika na.” Nagpa-panic na siya.

“Duh. Ba’t ikaw ang magtatago? Di ba, siya ang may atraso?” Sarkastiko nitong sagot sa kanya.

Tumigil na ito sa paghahanap kay Keith. Masyado itong maliit para makita agad si Keith.

“Kahit na. Ayokong makita niya ko, ayokong malaman niya kung nasaan ako, at ayokong makita niya si Kei.” Aniya at nagmadali silang dalawa ni Analyn palabas ng department store.

Pagkatapos ng lahat-lahat? Ngayon pa siya nagpakita? Kung kailan maayos na ang buhay nilang mag-ina? Ang kapal din ng mukha. Hindi man niya alam kung siya ba talaga ang pakay ni Keith kung bakit ito narito sa Iloilo, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga, hindi mag-krus ang mga landas nila.

“Fine, pero pwede ba tayong magdahan-dahan sa paglalakad? Hinihingal na ako eh. Di mo yata napapansing tumatakbo na ako maabutan ko lang ang mabilis na paglakad mo.” Saka lang niya napansin na pagod na nga ang kaibigan niya nang bumaling siya rito.

“Oh, sorry, sweet pea.” Aniya habang nakangiwing ngumiti sa kaibigan. Nakalabas na sila at nakalayo sa department store.

“Whatever. Ikaw na ang matangkad at mahaba ang legs. Nagmumukha na nga akong unano 'pag kasama kita. Mas lalo pa kung kasama pa natin yung tatlo, lalo akong lumiliit. Tatangkad niyo, mga pashnea.” Natawa siya sa tinurang iyon ni Analyn.

Medyo tama naman kasi ang sinabi nito. Sa kanilang lima, si Analyn ang pinaka-cute. Kaya lagi itong nagrereklamo 'pag naglalakad sila ng sama-sama. Mas lalo na kapag kasama nila si Jarine, eh mas mabilis maglakad ‘yon.

Kahit papano ay naibsan ang panic na naramdaman niya kanina. Unti-unti na siyang kumakalma. At hindi na niya nakita si Keith.

Gosh that was close.

“Kain na lang tayo, libre ko.” Pag-aaya niya sa kaibigan. And it’s another way to hide from Keith 'pag nasa loob sila ng restaurant.

DUMATING SI KEITH sa bahay ni Mary Grace. Kunot ang nuong nakatingin siya dito, halata kasing wala pang tao.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now