Chapter 28: A Friend's Favor

10 0 0
                                    

CASSIE'S POV

"Hello everyone, miss me?" Sabi nitong babae.

"Liiiiiiiiv"

Isa-isa silang nagsitayo at lumapit sa babae at nakipagbeso-beso. Ako naman palipat-lipat lang ng tingin.

Umupo na ang babae dito sa may tabi ko. Di ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya pero hindi naman ako nagpahalata baka mapagkamalan pa 'kong pinagnanasaan ko siya, naku!

Maganda talaga siya pero narealize kong maganda din ako kaya pareho kami.

"You must be Cassie, right?"

"Yes." Sagot ko.

Ang kalma niyang magsalita pati din boses.

"I'm Livaine, Livaine Castillo. It's so nice to meet you."

Ngumiti lang ako, di ko naman alam ano ng isasagot. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinila para mapalapit sa kanya. Niyakap niya ako. Nakaupo kami kaya ang awkward lang para sa'kin lalo na kakakilala pa lang namin. Feeling close naman ata nito.

Kumalas na siya. "Naikuwento ka kasi sa'kin ni Blake."

Patango-tango lang ako sabay ngiti. Mukhang friendly talaga 'tong si Livaine. Base sa pananalita at ekspresiyon niya.

"Thank you."

"Huh? Para san?" Pagtataka ko.

"For--"

"Liv? Ano na? Kumusta ka na? Magkwento ka naman." Request ni Jacob.

"Oo nga." Pagsang-ayon ng nakakarami.

Napunta na nga ang atensyon ni Livaine sa kanila. Di ko na tuloy malalaman 'yung ibig niyang sabihin. Nacurious pa naman ako. Ba't kaya siya nag-thank you? Aish nangangati na tuloy utak ko sa sobrang curious.

"Ano ba kayo? It's Blake's special day, 'wag nating sirain ang moment na 'to. Diba Blake? Umu-o ka para wala ng hassle." Siniko niya si Blake ng mahina saka tumawa nang pormal.

"Yeah, so cheers!"

Sa pagsang-ayon ni Drake, ay natahimik ang lahat. Ang awkward bigla. Pagtataka tuloy ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Ngayon lang kasi siya nagsalita mula nong dumating 'tong si Livaine.

"Ah tama! C-cheers hehe." Sabay taas ni Louis ng baso na may alak.

"Cheers!"

Kanya-kanyang nagtaasan ng baso kaya nakisabay na din ako. Tinungga ko agad itong alak and ooooh ang tapang. Medyo napangiwi ako.

"Dahan-dahan lang KC." Ngising sabi ni Justin.

Ngumiti lang ako. Hindi ko kasi gustong dahan-dahaning inumin ang isang alak ng baso, nakakabored 'yun. Nga pala, lilinawin ko lang di ako sobrang lasinggera. Umiinom lang ako 'pag may malaki akong problema. Except ngayon pero di naman ako magpapakalasing.

Nagkukuwentuhan nalang ngayon dito. Nakikinig lang naman ako at puro kalokohan topics nila. Di bale, may ikukuwento din ako. 'Yang si Blake, alam niyo bang hindi 'yan tumatanggap ng regalo sa birthday niya. Pa'no ko nalaman? Syempre sinabihan niya ako kaagad sa mismong araw ng pag-invite niya sa akin.

"Uy KC, 'wag ka masyadong magpakalasing ah?" Paalala ni Justin.

Asooos! Napakacaring talaga nitong si Justin.

"Baka kasi kargahin na naman kita. Ang bigat-bigat mo pa naman hahaha."

Hinampas ko siya. "Aray! Aray!" Nilakasan ko talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon