Chapter 18: Intramurals Day

34 1 0
                                    




CASSIE'S POV

Ang bilis ng usad ng panahon. It's Monday. Ngayon ang araw ng Intramurals namin. Wow! Exciting *__*.

Ngayong araw din gaganapin ang game nila Drakecula. Pero mamaya pang 1:00pm ang oras. Kakababa ko lang ngayon ng kotse. I just wear a comfortable turtle neck white dress na hanggang tuhod ang ikli. And light lang yung make-up.

Kailangan talagang maging formal kasi ba naman mamaya sa opening program join ako do'n sa table nung mga visitors chuchu. Wala kasi ang parents ko kasi marami daw silang inaasikaso. So as a beautiful daughter of the owner of this school I will be a representative to entertain the guests etc.

Patingin-tingin lang ako sa paligid. Handang-handa na nga. Tuloy na tuloy ang Intramurals. Mabuti nalang at nakisama din ang panahon. Okay lang kahit mainit kesa naman umulan, super sad kaya nun diba? Diba?

Natanaw ko naman ang grupo ng mga tao doon sa tapat ng gymnasium. Nagreready na siguro sila para sa parade. HAHAHA di ako sure sa mga mangyayari ngayon, mamaya o bukas wala din naman kasi akong time na makialam sa mga school activities. One week nga pala ang Intramurals namin. Oha? One week ding walang klase. Ang saya! Lels.

Napaigtad naman ako nang may biglang kumalabit sa braso ko. Jusme! Sino ba itetch at nakakagulat naman. Nang lingunin ko kung sino ito ay nangislap ang aking magagandang mata ng masilayan siyang nakahawak nung mahiwagang baton niya. Wow ★___★ as in wow talaga. Ang ganda niya walang halong joke joke.

"Hi KC ^_^. Oh ano? Okay ba." Sabi niya at umikot na parang prinsesa. Tumango lang ako as an approval. Eh sa speechless ako sa kagandahan ng bestfriend ko eh.

"Ah sige bye na mukhang magsisimula na 'yung parade *flying kiss*" Nag-wave siya at tuluyan ng umalis.

Nakalimutan ko nga palang i-share sa inyo na si Sam 'yung band majorette. Di ko talaga mapigilang mamangha sa angkin niyang kagandahan pero syempre nahawa lang din siya sa'kin. HAHAHAHA.

--------

"Uy! 'Wag na. I'm fine." Tanggi ko.

"Tsk hindi pinagpapawisan ka na kaya uh." Pag-iinsist pa rin niya. Kanina pa 'yang si Justin huh? Pinapaypayan lang naman niya ako.

Nandito na kasi kami ngayon sa area kung saan nandito ang buong team nina Drakecula. Narito kami nakaupo sa ilalim ng parang open tent. Nakabihis na pala ako ng damit. Color black na jogging pants and plain white t-shirt lang. Simple *^▁^*. Ngayon na ang laro nila. Hooo! Nakakakaba.

Hinayaan ko nalang si Justin sa hindi naman talaga siya padadaig eh bahala siyang mangalay diyan BWAHAHA ang bad ko.

Napansin ko namang 'yung ibang girls ang sama makatingin sa'kin. Ano ba problema nila? Psh inggit siguro sila kasi pinaypayan ako ng isang cute na Justin plus andito pa'ko nakaupo kasama ang mga gwapong baseball players. Sige isama na muna natin si Drakecula. Uh-huh, manigas sila sa inggit.

Si Drakecula busy siya sa pakikipag-usap do'n sa coach ata nila. Seryosong-seryoso siya eh. Maiba tayo ang cool niyang tingnan sa suot niya ah.

"10 mins at magsisimula na ang game."-Announcer na nasa katabing tent lang din namin. 

Gosh! Ba't ba'ko kinakabahan? Para namang kasali ako sa laro eh sa manonood lang naman ako. Saka wala nga akong kaalam-alam about sa baseball-baseball na 'yan. Eh sa di naman ako sporty.

Ilang minuto ang dumaan ay naghanda na ang lahat. Tumayo na ang players at nag-form ng circle. Tahimik lang sila. They're praying ata.

"Go Wolf!" Sigaw nilang lahat.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon