Chapter 15: Cemetery

51 2 0
                                    



CASSIE'S POV

"KC!"

Napalingon ako sa left side ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa isa sa mga bench dito sa gilid ng field.

Tumatakbo siya papalapit dito habang nakabitbit ng.... libro ata. Medyo malayo-malayo pa kasi. Sa kamalas-malasan ay bigla siyang natapilok kaya napahinto siya saglit pero agad namang nakabawi at tumuloy na papalapit dito. This time naglalakad nalang siya.

Nakalapit na din siya at umupo na sa tabi ko. Medyo hinihingal siya kaya inabutan ko ng bottled water. Tinanggap naman niya ito at uminom. Uhaw na uhaw ata naubos talaga.

"Thank you." Aniya. Nag-smile lang ako. Nakakatamad magsalita.

"Nga pala kahapon nasan ka? Nung lunch break pumunta ako sa building niyo pero wala ka. Hanggang uwian di rin kita nakasabay kasi wala ka din. You didn't even called or texted me. Nakakatampo ah." She said in a sad tone then pouts.

Pa'no ko ba ipapaliwanag 'to? Tsk. Kasi naman si Drakecula ang arte. Sa isang mamahaling restaurant talaga kami kumain kahapon. Malapit-lapit lang din naman dito sa school. Wanna know why?

-Flashback-

"Uy! Teka lang. Sa'n tayo pupunta eh kakain pa tayo diba?" Sabi ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Hawak-hawak niya pa rin braso ko.

Hindi naman kasi ito ang daan papuntang cafeteria eh. Parang daan 'to papuntang parking lot. Di niya 'ko pinansin sa halip ay tuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa'kin >.<

Nag-ipon ako ng lakas at pinuwersang huminto. Ang lakas niya kasi pero dahil di ako nagpatinag nakaya ko din. Napahinto siya at napalingon sa'kin na para bang lalamunin na'ko sa tingin niyang 'yan.

"Eeeeh! Di naman kasi ito ang daan papuntang cafeteria. Hello! Gumising ka nga."

"Do you think sa cafeteria tayo kakain?" Tumango-tango ako bilang tugon. "Tch. No we're not. Kaya itiklop mo na 'yang bibig mo at sumunod nalang."

Sa'n ba niya gusto? Haayy..Ang arte talaga. Tatalikod na sana siya ng bigla kong hinigit ang braso niya dahilan para mapatigil siya.

"Basta treat mo huh?" Tanong ko na medyo may pa-cute. Charooot. He just lazily nodded. Binitawan ko na siya at naglakad na din pasunod sa kanya. Yipeee makaka-save ako ng money. Diba? Maganda 'pag nakatipid ka? Gayahin niyo po ako XD.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon