Sa kanilang lima, ito lang talaga ang naging Librarian. Pero nasa Manila ito. Nagkikita-kita lang silang lima kapag may seminars, kailangan kasi iyon para  sa renewal ng mga lisensya nila.

“Oh, kompleto ba tayo?” Natatawang sagot ni Jarine.

“Of course!” Sabay-sabay na sagot nina Ellery, at Charlyn sa kabilang linya.

“Gosh! I miss you guys already.” Ani Jarine.

“Uwi ka na kasi Miss Librarian, di na kami galit.” Sagot ni Analyn.

Mabilis siyang naka-adjust sa college life dahil sa mga kaibigan niyang ito. She’s actually years older than them. Siya ang parang ate nila. Alam ng mga ito na may anak siya pero hindi siya hinusgahan. Alam nila ang sekreto ng isa’t-isa at may tiwala silang hindi iyon makakalabas kahit anong mangyari. Ganoon sila ka-close.

“Ako na ang magpapa-book ng hotel mo dito, sweet pea. Gosh excited na ko!” Aniya nang sabihin ni Jarine na uuwi ito next week para umattend ng high school alumni homecoming nito. Naghiyawan naman ang iba sa kabilang linya.

“Thank You, sweet pea. Anyways, babush na muna mga sweet pea. Kailangan ko pang maghanapbuhay, baka sisantehin ako nito. Palibhasa kasi mga may-ari na kayo ng business niyo.” Sagot ni Jarine.

“Bye, sweet pea. See you!” Sabay-sabay na sagot nila at tinapos ang conference call.

“Buti naman uuwi na si Jarine dito. Langya kasi talaga yung ex n’on. Sarap ipa-salvage.” Ani Analyn habang pabalik sa mesa nito.

“Oo nga eh. Grabe din ang pinagdaanan ni sweet pea sa hayop na ’yon. Hindi tuloy makauwi sa bahay nila si sweet pea.”

Ganon ang umpisa ng araw ni Mary Grace.

“ANO? MAY UPDATE NA BA?” Inis na sagot ni Keith nang tumawag ang tao niya.

“Wala po , boss eh.”

“What the hell are you doing!? Ilang years na tayong naghahanap!” Galit na galit na ito sa kausap na parang piniperahan lang siya. “Forget it! Itigil mo na ang paghahanap! Bwisit!” Agad niyang pinatay ang tawag.

Pasalampak na umupo siya sa swivel chair niya at hinilot ang sintedo.

Bakit ba ang hirap niyong hanapin? Ganun ka ba kagalit sakin?

He felt hopeless. Kasalanan ko din naman kasi. Ang gago ko!

“O, ano'ng nangyari sa'yo? Ang emo mo yata?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Andre nang pumasok ito sa opisina niya kasama sina Jiro at Akihiro. Ni hindi nga niya namalayan na pumasok ang mga ito.

Si Andre De Marco ang CEO ng DeMarco Pharmacies at isa itong sikat na football player. He’s half-Italian, half-filipino. Si Jiro Kobayashi naman ay CEO ng Kobayashi Electronics and Machineries. At si Akihiro Tanaka, CEO ng Heart of the Pacific Cruise Lines na ilang Cruise Ship din ang pag-aari na umiikot sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Half-japanese, half-filipino ang dalawa.

“Wala.” Walang emosyon niyang sagot. “Bakit andito kayo?”

“You’re rude. Is that how you welcome these handsome friend of yours?” Ani Jiro sabay upo sa pandalawahang sofa. Sunod naman na umupo sina Akihiro at Andre sa visitor’s chair sa harap ng mesa niya.

“I’m tired, man. Don’t tell me nami-miss niyo ako kaya kayo andito?” Sarkastiko niyang sagot kay Jiro na ngayon ay busy na sa cellphone nito. Tinitigan niya ang dalawang nasa harap niya.

Si Andre ang sumagot sa kanya. “Yeah. We really miss you. Anyways, babae ba 'yang problema mo?”

Nagkibit-balikat lang siya.

“We heard you’re trying to find someone.” Ani Jiro sa kanya. “Maybe I could help.”

“Oo nga. Ipahanap mo kay Jiro. Ano pa'ng silbi ng pagiging tech guy niya kung di niya mahahanap yang babae mo.” Sabad ni Akihiro.

“Give me a name. I can find her.” May pagmamalaki sa boses nito habang tinitipa ang cellphone.

Napapantastikuhang napatitig siya sa mga kaibigan niya. Morons.

“Come on, man. Speak up. Di ka namin ichi-chismis.” Nanunudyong wika ni Andre.

“Tigilan niyo ako.” Pagmamatigas niya.

“Ang arte mo naman. Ikaw na nga ang tutulungan eh. Dali na.” Nakangusong pamimilit ni Akihiro.

Hmmm.. Wala namang mawawala kung susubukan niya. Na-curious din kasi siya sa kayang gawin nitong hapon niyang kaibigan.

“Fine.” Napabuntong -hininga siya. “Mary Grace Aldamar.” There. He said it.

Agad niyang napansin na natigilan si Jiro.

“Mary Grace? Aldamar?” Paninigurado nito.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now