Writer or Rape Advocate?

1K 105 58
                                    

Lately ba nakakapanood kayo ng balita? What have you noticed? Uso rape di ba? At pabata ng pabata ang biktama. Can you imagine that? 11 months old na baby ni rape tapos pinatay? Pasama na nang pasama ang mundo di ba?

Di na ako magpapaligoy ligoy pa. I will talk about those Wattpad writers that uses "rape" as plot of their story. Hindi ko na sila papangalanan. Marami sila. Yung iba hindi naman kasikatan pero paunti unti nang nakikilala ang story nila dahil dun. So this is dedicated in general.

Rape is a crime. Rape is not an unexpected romance. May kaibigan ako na nakipag away sa Facebook when someone posted "Rape is not a crime. It is an unexpected romance" and that friend of mine is a girl. Jeez people, para samin na mga babae sa tingin niyo katanggap tanggap yun?

As a reader, hindi ako nagsesettle sa isang genre lang. I explore. And to be honest, madami na akong nabasang SPG. Yung tipong ka berdehan lang and the likes. Kaso walang utang na loob na reader ako. Pagtapos kong mag enjoy basahin, diretso report na kay Wattpad ᕙ('▽')ᕗ and thank God natatanggal naman siya. (Thanks Wattpad HQ)

Pero sa totoo lang mas nabo bother ako sa mga kwento na "rape" ang plot. Gods, insulto to sa mga rape victim. We all know na padami nang padami ang nagwa Wattpad na. So padami ng padami ang mga nakakabasa ng ganon. Hindi ako OA. It's just for me it is not APPROPRIATE. IT IS IMMORAL. Para sa bansa na katulad ng Pilipinas na kinocondemn ang death penalty, hindi maganda na ganito ang tema ng mga kwentong sinusulat.

The story goes like this. Sa prologue, magigising yung babae na nasa isang kwarto siya. Nakatali ang dalawang kamay at paa sa kama tapos may lalaki na gumagawa ng kalapastanganan sa kanya. Then the story follows like this, maa attach siya sa rapist niya and they'll just completely forget the crime. They live happily ever after.

This is wrong people. This is fucking wrong. Ang mga rapist, kinukulong. Worst, pinapatay pa dapat. Hindi dapat sila ginagawang catalyst for kilig moments. And in any case mangyari yan sa kung sinong myembro ng pamilya mo, kikiligin ka pa din ba? Nakakakilig din ba siya gaya ng mga rape story na sinulat mo?

Kaso sasabihin nila, "boyfriend naman eh" bakit hindi ba kayo aware na kahit asawa pwedeng kasuhan ng rape? Grab a phil consti book at hanapin.

I am saying this because it's disgusting. I just cant imagine myself na mamahalin ang rapist ko. Gaano man siya kayaman o kagwapo. In any case na mangyari man sakin ang mainlove, ipapakulong ko siya at hahayaan na pagdusahan ginawa niya. Then kung suswertehen na pinagsisihan niya talaga then let's give it a shot. Pero yung mga kwento na ganon dito sa wattpad, it's not realistic. Kung mangyari man sa totoong buhay, nama mindfuck ako ngayon pa lang.

May nabasa pa ako dati dito (I forgot the title and thankfully I did) na nira rape ng tatay at kapatid niyang lalaki pagtapos mamatay ng nanay niya tapos okay lang sa kanya. Now tell me, is it a good story? Ano writer ka ba o rape advocate?

Okay lang sana na gumawa ng kwento na may rape but different genre. Inspirational. Yung tipong after that may magagandang nangyari pa din sa victim. She survived. Basta NO STRINGS ATTACHED SA RAPIST.

Wala akong specific na pinapatamaan ah. Basta bahala kayo. Para din to sa mga writers na mag uumpisa pa lang at nagbabalak na ganito ang plot. Syempre mabenta nga naman kasi madaming ka berdehan eh. Simulan ang pagbabago sa sarili. This is a sensitive topic. This is not the topic na ginagawang romance cause in the first place it's a crime. Sorry for being redundant. Dinidibdib ko kasi talaga to.

RAPE IS A CRIME. RAPE IS A CRIME. RAPE IS A CRIME. ALWAYS BEAR THAT IN MIND.

Story Reviews: Includes bad and good pointsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon