#PopFicFest -____- (Mar 1, 2015)

296 10 4
                                    

Pop Fiction Festival (March 1, 2015)

Kahit nakapikit na ako tinatype ko pa din to dahil hindi ko talaga kayang i contain. Alam kong maraming Pop Fiction fans dito and maybe some of you will not agree with me. Kaya kung hindi mo kayang bumasa ng negative, ngayon pa lang sinasabihan na kita na wag mo na ituloy ang pagbabasa nito dahil baka mag away lang tayo.

Sa totoo lang ito yung first time ko na magpunta sa event ng Pop Fiction since yung nauna nila nun malayo. At syempre na excite ako. Trinoma sila ngayon and malapit lang sakin.

Sarado pa ang Trinoma nandun na ako at nag aabang sa pagbubukas ng mall. Mga alas dyes nagbukas sila at agad agad naman akong pumunta doon sa activity center since yung entrance na pinasukan ko doon na ang diretso. Pagdating dun hindi na ako umalis ng pila dahil ina anticipate ko na anytime opening na ng registration since ang "sabi" alas dyes daw ang bukas ng booths so alas dyes din ang registration.

Actually may gut feel na din talaga ako na madi disappoint ako. Una, dahil sa oras. Sensya na pero yung mga napuntahan ko kasing ibang booksignings with same rules as theirs, kapag sinabing 10 am, 10 am talaga no bullshits. So ayun nga ilang oras ang pila mabuti na lang may free wifi (lol)

Hindi ko alam kung anong oras nagbigay na ng number dahil tinatamad na din talaga ako. We're given sticker na circle shaped na may number tapos ididikit daw sa damit namin. Number 39 ako awa ni Lord.

Pagpasok pinaupo and naghintay ulit hanggang sa sumapit ang oras na mag uumpisa na (atlast)

If there is one word to describe the booksigning itself it is: MAGULO

Hindi ko maintindihan na dalawa pala ang kulay nung sticker. Isang pink at isang yellow. Dito na talaga ako tuluyang nabadtrip. Tangina kasi, sila nagbigay samin nung sticker tapos hindi nila alam kung anong nangyayari! May isang staff yung Summit na tanong pa ng tanong samin na baka kinuha lang namin yung sticker namin kung saan. Tangina lang ha. Tapos pinasunod niya kami sa kanya na paikot ikot kami na sa stage din pala ang bagsak namin.

One thing more, hati yung authors, left and right. Tig limang authors ata. DI KO MA EXPLAIN KASI NGA MAGULO! Basta kapag yellow ang sticker mo, sa right side ka ng stage pipila tapos pag pink sa left. Tapos ang maipapasign mong books eh doon lang sa mga authors sa kung nasaang side ka.

Paano kung yung authors nung mga books na dala mo nasa kabilang side? Friend, pila ka daw ulit sa likod tapos magpapa register ka for another sticker!

Hindi ko hate ang summit ha? Wala din akong galit sa mga authors. Naiinis lang talaga ako sa naging sistema nung booksigning. Pinahirapan nila kami. Kung hindi nila hinati yung stage mas madali sana. Mas gumaan ang trabaho. Kaso wala eh, gusto nila ng complicated work. And mind to tell you hindi naman ganun kadami ang tao unlike sa mga booksignings na inii sponsoran ng National Bookstores na libo kaming nagpapasign.

Basta ang gulo talaga. Kahit nga yung mga guards doon (yung mga naka black) hindi din nila alam ang ginagawa nila -_____- tsaka hello pala doon sa mga sumingit ang kakapal po ng mukha niyo. Pero kungsabagay di ko din kayo masisisi kasi nga walang kaayusan. Tapos doon sa mga hindi nakinig sa "ONE PICTURE PER PERSON" na policy hello din. Try niyong pumunta sa mga booksignings na hinihost ng NBS tignan natin kung makalabas kayong buhay.

Suggestion lang, sana wag na nila gawin yung magkaibang kulay ng stickers kasi ang gulo talaga. May mga sumisingit, may mga nawawala at higit sa lahat may mga nababadtrip. May isang nanay pa dun na nagsentimyento na. Hahaha.

Di ko alam how will I end this rant pero kasi huhuhu.. Na disappoint talaga ako. Hindi ako nag enjoy. Goodnight

-Loony Lovegood

Story Reviews: Includes bad and good pointsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon