CHAPTER 2

56 2 0
                                    

ALFINA's POV

 

Napapaisip padin ako sa mga salitang sinabi ni Kuya kagabi. Pala-isipan padin akong nakatingin sa kisame nang kwarto, nang biglang may sumampa sa higaan ko, at sa kanyang mabalahibo at malambing na pag tabi saakin kinaroroonan napangiti ako nang bahagya dahil sa ginawa nya. 

''Nag aalala ka ba sakin Timtim? pagsensyahan mo na ako ah.'' at binuhat ko sya at inalo alo ang alaga kong pusa.

Simula pagkabata ko, nasaamin na si Timtim, isa syang Taby Red cat breed. At ang nakakatawa sa kanya ay kung minsan parang naiintindihan nya kung anong mga nangyayare sakin. Minsan nga feeling ko kinakausap nya ako. Twing malungkot ako, nilalambing nya ako, na parang gusto nya akong i-cheer-up. At kapag Masaya naman ako nag kukulit sya na parang gustong makipag laro sakin.

Ina-alo alo ko sya at hinalikan ko sya, at humiga ako muli katabi sya.

''Timtim...ano sa tingin mong ibig sabihin ni Kuya Kem? Kasi alam mo ba..Kagabi narinig ko sila ni ate Miniel na nga uusap.''  

humarap ako patingin sa kisame habang mukang mahimbing na natutulog si Timtim sa tabi ko. Makailang saglit na nakatingin ako sa kisame nang may kumatok sa pintuan ko.

''Alfina?'' boses ni Ate Miniel.

Tumayo na ako mula sa pagkahiga ko at lumakad papunta sa pintuan nang kwarto ko, at pag buksan si Ate Miniel.

''Bakit po ate?'' bungad ko pagkabukas na pagkabukas nang pintuan.

''Si Laylah, nasa Telepono'' pagkasabi ni Ate Miniel ang mga salitang iyon, bahagyan ngumiti sya sakin, at kaagad akong sumunod sa kanya pababa nang hagdan.

''Hello?''

''Alfina!'' Masiglang bati ni Laylah mula sa kabilang linya. Napangiti ako nang marinig kong pagkabanggit nya nan aking pangalan.

''Oh? hahaha napatawag ka?'' masigla kong sabi

''Gusto ko sanang mag pasama sayo bukas kung wala kang gagawin..'' 

''Wala naman..san ba tayo pupunta bukas?''

''Bukas na kasi ako mag papasukat para sa susuotin kong Gown sa Debut ko''   mukhang excited na excited si Leylah sa darating na Debut celebration nya. Masaya ako dahil kahit papano, kahit hindi nasunod yung gusto nyang isabay namin gawin yung pagdiriwang nang mga Birthdays namin, still masaya at excited sya. 

''Sige!'' masigla kong sagot 

''Yey!!! bukas ah!! dadaan nalang ako bukas dyan sa inyo, medyo malayo kasi yung pagawaan eh'' pag explaine nya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GUARDIAN's ANGELWhere stories live. Discover now