Love: Say It

7K 103 5
                                    

Chapter Six: Say it

Weird. Isang salitang magde-describe kay Clade ngayong araw. Mula kaninang katawagan ko si Lynne ng umaga hanggang sa ngayon ay ganon siya. Di ko alam kung may narinig siya o ano. Kung may marinig man, ano naman?

"C-clade ano ba, natatakot na ko sayo." pag-amin ko at tinulak na siya upang malayo sakin. Nakakatakot kasi, ilang minuto lang din siyang nakatitig sakin ng di nagsasalita. Basta lang ay nakatitig siya pero alam kong malalim ang iniisip niya. Nagulat siya sa ginawa ko at biglang pumasok ng bahay. Napasandal ako ng tuluyan sa kotse. 'Yung mga ganong tingin, nakakatakot. Nakakalambot ng tuhod.

"Nak, di ba kayo mamasyal?" Nawala ang iniisip kong nangyari kaninang umaga ng nagsalita si mama na nakaupo sa tabi ko. Nanunuod kami ng tv sa sala. Nakataas pa ang dalawa kong paa at nakayakap ako sa aking binti. Kalahating araw na kaming nakatanga lang sa tv show. Wala naman atang balak maglibot ni Clade eh, nasa taas lang siya at di lumalabas. Ayoko namang puntahan dahil di ako makaget over sa titig niya kanina. Para siyang may gustong sabihin na di mapairating sakin. Di ko naman gets at di mahulaan.

"Businessman pala siya no?" siniko pa ko ni mama. Umusog ako palayo para di niya maabot. Kanina pa 'yan tanong ng tanong about Clade. Di ko nga sinasagot. Alam ko namang ininterview na nila si Clade kanina. Kaya siguro na badtrip. "Kaso ang babaw naman nun." bulong ko sa sarili.

"Anong mababaw?" tumingin ako kay mama. Chismosa talaga! Narinig pa 'yun, bulong na nga lang.

"Alam kong di tayo close, Cyrish. Pero ina mo ko, dapat ang mga ganyang bagay alam ko. Ilang taon ng kayo ha? Di ka nagsasabi. Alam kong may pagkukulang kami ng ama mo pero sana naman ipakilala mo lahat ng nagiging nobyo mo. Di 'yung magugulat na lang kami bigla," aniya Napailing ako, hirap talaga ng mahilig sa mga telenovela. Isinasabuhay!

"Di ko siya boyfriend, Ma. Please lang, at di ka magaling umarte." tumayo na ko. Naglakad na ko paalis ng sala ng magsalita siya. "Cyrish, di ako nakikipagbiruan sayo. Seryoso ko, alam kong may mali sa pagpapalaki namin sayo pero sana naman ipaalam mo sa amin ang nangyayari sa buhay mo sa Maynila."

Di ko na siya nilingon at pumanik na lang sa taas. Ayoko talagang nakakarinig ng mga ganoong bagay sakanila. Kahit naman magkwento ko sakanila, di nila maiintindihan. Ano nga bang pake nila? Puro lang naman sila away sa harap ko o sa ibang tao. Kinalakihan ko na nga ang ganong sitwasyon! Idinadaan ko na lang sa ngiti para hindi na ko maging malungkot sa kinahinatnan ng buhay nila.

Wala sa isip kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, naalarma ko ng makitang nakaupo si Clade sa kama habang hawak ang cellphone at sinusuri ako ng tingin. "Are you okay?"

Umayos ako ng tayo at ngumiti ng pilit. Dito ko magaling, sa pagtatago ng lungkot ko sa ibang tao. Akala nila masaya ko palagi, akala nila perfect ang buhay ko. Psh, kung pwede lang kaso nobody is perfect!

Isinara ko ang pinto at nahiga sa kabilang side ng kama. Inunan ko ang kamay ko habang nakaharap sa kanya. Umiwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin. Nakatingin pa din siya at alam kong di siya naniniwala sa ngiting pinakita ko sa kanya kanina. "Im okay." I smiled, mas tunay kesa sa kanina.

"You're not."

"How sure you are?" Tinignan ko siya. He shrugged, "I feel it. Bakit dahil ba sa kanina?"

"Okay ako."

"Don't lie to me. Kilala na kita. Kung dahil sa kaninang inasal ko, sorry. Di ko lang maiwasan."

"Maiwasan ang ano?" Kesa sumagot ay ngumiti lang siya kasabay ng paghaplos ng buhok ko. The nerve of this guy! Mas nacurious ako dahil sa inaasal niya. 

"Ano nga?"

"Wala."

"Ano nga kasi?" umiling siya. Sinundot ko ang tagiliran niya kaya napanlakihan niya ko ng mata. Tumawa ako, "What? Sabihin mo na kasi.."

Lurking in the ShadowsWhere stories live. Discover now