"Mommy! may naghahanap kay Dad!" tawag ng dalagang anak ni Mr. Monsanto at saka pinapasok kami sa malaking bahay nila. Pinaupo kami nito sa sofa nila sa sala. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang medyo may edad ng babae at saka napako agad ang tingin nito sa amin. Sa tingin ko ay siya ang asawa ni Mr. Monsanto.

"Magandang araw po Mrs. Monsanto.." bati ko rito. Ngumiti ito kahit na ang ngiting iyon ay hindi umabot hanggang tainga. Nakikita ko sa mga mata nito ang kalungkutan.

"Magandang araw din sa inyong dalawa..anong kailangan niyo sa asawa ko?" wika nito. Tumayo ako at saka inilahad ko ang kamay dito.

"I'm Casandra Deguzman Mrs. Monsanto..anak po ako ng may-ari ng pinagtatrabahoan niya..nabalitaan ko ho kasi na nagkasakit ho siya ng malubha..mangungumusta lang ho sana..maaari po ba namin siyang makausap?" wika ko dito. Tinitigan niya ako at saka tinitigan ang nakalahad kong kamay at napawi ang mga ngiti nito sa labi. Nagtaka ako.

"H-hindi pwede..baka mahawa kayo sa sakit niya..makakaalis na kayo Miss Deguzman..wala kayong mapapala sa pagpunta niyo dito." matigas na wika nito. Binawi ko ang kamay ko at saka kunot-noong napatitig ako dito.

"Pero Mrs. Monsanto--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil binara na niya ako.

"Hindi nga pwede diba? wag ka ng mapilit Miss Deguzman..ayaw namin ng gulo so please umuwi na kayo at wag na wag na kayong bumalik pa rito." mariing wika nito at saka tinalikuran kami. Napanganga ako habang tinatanaw ang lumalayong Ginang. Bakit ayaw niyang makausap namin si Attorney?at bakit sinabi niyang ayaw nila ng gulo? naguguluhan ako sa mga sinasabi niya..naramdaman ko ang paghawak ni Joyce sa akin.

"Let's go Cas..parang wala naman tayong mapapala sa pagpunta natin dito..naguguluhan ako sa mga sinasabi niya." wika nito. Napatingin ako dito at saka umiling.

"Hindi pwede Joyce..nararamdaman kong may tinatago sila sa akin kung bakit ayaw nila akong makausap..kailangan kong makausap si Attorney bago mahuli ang lahat..gusto kong masagot niya ang mga katanungan ko bago siya bawian ng buhay Joyce.." wika ko.

"Naiintindihan naman kita Cas pero hindi tayo pwedeng magpupumilit..baka kasuhan tayo niyan ng trespassing kapag hindi tayo umalis dito..narinig mo naman ang sinabi ng asawa niya diba?" wika nito. Gusto ko na namang maiyak. Bakit ba sa tuwing malapit na o maramdaman kong malapit na ang sagot sa mga tanong ko tungkol sa pagkatao ko ay hindi naman ako sinasabayan ng pagkakataon? Laylay ang balikat na umalis kami sa lugar na iyon. Pagdating sa kotse ni Joyce ay agad akong napaiyak.

"Cas, it's okay..hindi pa lang siguro ito ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan." wika ni Joyce.

"At kailan pa ang tamang panahon Joyce?! yung matanda na ako at wala na akong nagawa sa buhay?..yung hindi ko man lang naipaglaban ang dapat na ipaglaban dahil hindi pa ito ang tamang panahon? ganun ba yun!?..I don't want to live empty Joyce..malungkot ang buhay ko kahit na pinapakita ko na masaya ako. Kung tutuusin ay nasa akin na ang lahat pero deep inside hindi ako masaya...palagi kong inaasam na magkaroon ng kahit konting saya dito sa puso ko pero bakit ang ilap-ilap ng saya sa akin?.." may pagtatampong wika ko. Hinawakan ako ni Joyce sa balikat.

"May dahilan ang lahat Cas..hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magiging malungkot tayo diba?..life always rotates Cas at hintayin mo mo lang, baka bukas ay magbago na ang buhay mo at matagpuan mo na ang tunay na ligayang iyong hinahangad..dapat na maging matapang ka..tatagan mo ang iyong loob..marami pang pagkakataon na darating sa buhay mo at kung meron ka mang hindi naipaglaban ay wag mong ipag-alala yun ng husto because maybe they're not meant for you o sadyang may mas magandang biyayang ibibigay ang Diyos sayo.." wika nito. Niyakap niya ako. Pinipilit ko namang intindihin ang lahat pero hindi ko maiwasang panghinaan ng loob dahil sa kalagayan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako inaayunan ng tadhana. Tumango-tango na lang ako. Tama naman si Joyce. Maybe there's a reason for everything. Napapitlag ako nang may tumunog na cellphone at pagmamay-ari iyon ni Joyce. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at saka sinagot iyon. Mukhang may emergency yata base sa pinag-uusapan nila ng kausap niya sa phone. Ilang sandali pa ay binaba na niya ang phone at saka malungkot na tumingin sa akin.

Memories of a PromiseBasahin ang storyang ito ng LIBRE!