CHAPTER 12

2.8K 51 2

CHAPTER 12

HARLEY.

Mababaliw na yata ako kapag di ko pa sya naangkin. I have to put in extra effort to get her to agree with me. By hook or by crook, she’ll be mine.

Kaya heto kami ngayon, may company outing. Kung ako ang masusunod, gusto ko kami lang dalawa ang mag-a-outing pero alam kong sa sobrang stubborn ng babaeng yan, hindi ko sya malalansi upang sumama sa aking mag-outing.

Ayaw nya, eh di gawin nating company outing.

Nung una, nahirapan akong kumbinsihin ang presidente na kailangan ng kompanya ng outing. Pero sabi ko sa kanya, mas magiging efficient ang mga empeyado kung may R & R din naman paminsan-minsan. Baka ma-burn out sila kung wala, di ba?

At dahil ang convincing prowess ko ay malakas (kay Jewelle lang medyo pumapalya), nandito kami ngayon sa isang private resort sa Batangas. Dahil all expenses paid naman, karamihan sa mga empleyado ay sumama.

Si Jewelle, ayaw pa nga sana kasi daw walang kasama ang kapatid nya sa bahay. Overnight kasi kami. From Saturday morning to Sunday afternoon.

Syempre papayag ba naman akong hindi sya sasama eh sya nga ang dahilan kung bakit may company outing ngayon! Kaya maaga pa lang, nambubulabog na ako sa apartment nila, wala na syang nagawa. Hindi na kami sumabay sa shuttle, instead dinala ko na lang ang kotse ko para masolo ko sya sa loob ng tatlong oras na byahe. Tanghali na kami nakarating sa resort habang yung iba ay tiyak na kanina pa dahil madaling araw sila umalis sa Manila.

“Naku, MJ, sabi mo kahapon hindi ka sasama, walang naka-assign na room sayo,” agad na lumapit ang dati kong sekretarya na si Miss Kim kay Jewelle.

“Eh kasi, hindi ko naman talaga-”

“Enough of that, ladies. Halika na Jewelle, mag-check in na tayo,” bago pa sya nakapag-protesta, nahila ko na sya sa kamay patungo sa reception ng hotel.

“Teka, Sir.”

Hindi ko sya pinansin at bumaling na ako sa receptionist upang ipa-check in si Jewelle. Hindi ko naman balak na isama sya sa kwarto ko dahil ayoko rin naman na maging tampulan sya ng tsismis sa office.

Yeah, yeah, I’m a gentleman, right? I know I’m great.

“Mheg!”

Kapwa kami napalingon sa lalaking tumawag. At alam nyo na kung sino ang epal na yun.

She shifted on her feet and avoided his eyes.

“Yes Sir?” she asked coldly. Whoa, kudos to you Jewelle!

“Nakita ko ang room arrangement kanina, wala kang room. So I checked for you earlier.”

Nagsalubong ang mga kilay ko.

“You don’t have to do that, Mr. Vicencio. I will check her in,” singit ko.

“Oh, good morning Sir,” bati ng lalaki na akala mo ngayon lang ako napansin. Umbagin ko kaya sya. “Fully booked na ang hotel Sir. Isn’t that right, Miss?” baling nya pa sa receptionist.

Tumango ang babaeng nasa desk.

Lihim kong naikuyom ang mga palad. Why in blazes does he keep on meddling??

“And besides,” muling nagsalita si Vicencio. “Naipa-check in ko na si Mheg kanina pa. It would be a waste kung walang gagamit nung kwarto.”

Nag-clear ng lalamunan si Jewelle bago nagsalita.

“Sir, tutal nai-check na yung room, doon na lang-”

“No!” mariin kong putol.

“Pero Sir, let’s be realistic here..” halos pabulong na sagot ni Jewelle. “Ayokong mag-camping sa tabing dagat ha.”

The Boss AffairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!