CHAPTER 16

5.1K 93 42
                                    

A/N: Thank you to new followers and new readers. Nagugulat at natutuwa ako kapag napupuno ng notif ang account ko dahil sa votes, comments at pag-follow nyo. I owe you this update. Thank you all.

CHAPTER 16

"Sir, do I still have to stalk your girlfriend?"

He glared at the guy sitting across the table.

"It is not stalking," he stressed. "It's just making sure she gets home safely."

"Yun nga ang ibig kong sabihin, Sir," tugon ng lalaki kapagdaka'y bumulong ng 'Pero technically, stalking pa rin yun.'

"May sinasabi ka ba?"

"W-Wala naman Sir."

"And one more thing, she's not my girlfriend," bahagyang lumamlam ang mga mata niya nang sabihin ang mga katagang iyon. Tila ayaw lumabas ng mga salita sa kanyang mga labi. It tasted bitter in his tongue. "At least, not anymore."
He sighed, defeated. "You can stop following her," dagdag nya pa.

"Tingin ko nga Sir. Kasi mahirap na rin syang sundan, madalas na syang hatid sundo nung isang gwapong lalaki. Mukhang mayaman pa Sir."

Muli nyang tinudla ng matalim na tingin ang lalaking may matabil na dila. Agad naman itong nag-mwestra ng pagsusi ng mga labi nito.

"Here's your last payment," iniabot niya sa lalaki ang isang sobre. "Salamat sa serbisyo mo."

"Salamat din Sir. Kung kailangan mo ulit ako, alam mo kung saan ako kokontakin," iyon lang at tumayo na ang lalaki upang iwan siya. Pero bago humakbang palayo, huminto ito at muling humarap sa kanya na tila may naalalang sabihin. "Sya nga pala Sir.."

Inangatan niya ito ng isang kilay upang magpatuloy.

"Nakita ko sila dating naghahalikan sa loob ng kotse. Mukhang wala ka na talagang habol, matinik yung kari-"

"Enough!" napasuntok sya sa mesa na naging sanhi ng paglingon ng ibang tao sa kanila.
Agad namang kumaripas ng takbo palayo ang lalaki.

Intrimitido.

Ilang sandali siyang tumitig sa kawalan kasabay ng magkakasunod na buntong hininga habang nagbubukas sara ang mga kamao, bago tumayo rin at nilisan ang restaurant kung saan sya nakipagkita sa lalaking iyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JEWELLE.

"Ms. Alcantara, what is the meaning of this??" nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala ang teacher namin habang hawak sa kaliwang kamay ang gusot na papel. Kanina ay nakakuyumos iyon at tumama sa likuran nito at nang lumingon ang may edad na lalaking guro ay agad na naglingunan sa gawi ko ang mga kaklase ko. Si James na nakaupo sa gawing kaliwa ko ay pasimple pang nakaturo sa akin ang daliri.

Agad ko syang pinaningkitan ng mga mata. Kitang kita kong sya ang bumato niyon sa likuran ng teacher namin, ano at ako ang itinuturo nyang maysala??

"S-Sir.." bahagya akong napatayo. "Hindi po ako ang-"

"Are you saying, Ms. Alcantara, that the whole class is lying?"

"Sir.. Hindi po talaga ako.." may halong pakiusap sa boses ko.

BWISIT KANG JAMES KA! HUMANDA KANG MONGGOLOID KA!

"Nakita ng buong klase na ibinato mo ito sa akin." Umiling ako ng umiling.

"Sir, Hindi nya nga po yan ibinato sa inyo," wika ni James sa tabi ko. Naka de kwatro pa sya at chill na chill ang itsura. Bahagya akong napahinga ng maluwag.

The Boss AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon