CHAPTER 5

5.6K 159 14
                                    

CHAPTER 5

JEWELLE.

Tiningnan kong muli ang sarili ko sa full length mirror ng ladies’ restroom. Nakailang ikot na ako sa harapan nito, sinisiguradong maayos akong tingnan.

Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito ka-conscious ngayon. I’ve never been conscious about how I look. Hindi naman ako vain na tao.

Napabuntong-hininga ako at ginulo ng bahagya ang buhok dahil sa inis sa sarili. Pumasok pa talaga ako ng maaga para hindi abutan ng init sa byahe papasok sa opisina dahil lang ayokong mag-amoy pawis.

Bakit ko ba ginagawa ito? Nababaliw na ba ako para magpa-impress sa mayabang kong boss-?

Teka-!

Nagpapa-impress ba ako? Kaya ba pinili ko ang pinakamaganda kong dress upang suotin ngayong araw na ito? Biktima na rin ba ako ng kanyang kagwapuhan?

Hindi yata matanggap ng pride ko yun!

Muli akong bumuntong hininga at tinanggal ang clip sa buhok ko.

This is so not me.

Kinuha ko ang isang make-up sponge sa make up kit ko at binasa iyon ng tubig. Maingat kong pinahid ang make-up na pinagkahirapan kong ilagay sa mukha kanina. No matter how I look at it, it looks fake to me.

Nang matanggal ko ang make-up, muli kong inumpisahan ang paglalagay niyon.

Subtle lang ang blush on, mukhang natural na mamula-mula. Subtle lang ang lipstick, mukhang natural na mala-rosas. Subtle lang ang eye shadow, para lang magliwanag tingnan ang mga mata ko.

Saka ko nilagyan ng manipis na eyeliner ito, at ang natural na malalantik kong pilik ay binalutan ng ilang coat ng colorless mascara.

Napangiti ako sa kinalabasan. Now, I feel better.

Nang makitang ilang minuto na lang bago magsimula ang office hours, dinampot ko ang make-up kit at lumabas ng restroom upang bumalik na sa pwesto ko.

Wala pa rin si Harley sa opisina. I wonder why I’m not surprised at all.

It’s just my second day, but I feel like I know my boss well. Sya yung tipo ng taong happy-go-lucky. Walang bagay na seryoso- relationships, work, life. He’s not someone who cares for anything deeply. Sa paraan ng pakikipag-usap nya sa presidente ng kompanya kahapon, makikita mo na tila hindi nya sineseryoso ang galit nito. Parang pumasok lang sa isang tenga at lumabas sa kabila.

Kung ako ang presidente, malamang sinesante ko na si Harley.

Napailing ako. Siguro malakas ang backer ng lalaking ito.

Kung tutuusin, napakabata nya pa para sa posisyon nya. Kaya medyo mahirap paniwalaan na dahil talaga sa abilidad kaya naging COO ang lalaki.

Nasa ganun akong pag-iisip nang may mag-pop up na notification sa computer ko. Kabubukas ko lang ng messenger nito pero agad na may pumasok na message.

<J.Vicencio: Meet me at the smoking lounge.>

Kumunot ang noo ko.

Why would this bastard want to meet me?

<M.Alcantara: Bakit?>

<J.Vicencio: Basta. Hihintayin kita ngayon na.>

Tae ka. Demanding ka, sino ka ba sa akala mo?!

“Jewelle?”

Napaangat ako ng paningin, nasa tabi ko na ang boss ko.

“S-Sir!”

The Boss AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon