3rd Break: Zombies

Start from the beginning
                                    

Bumaba ang dalawa na may dalang dalawang bag. Kitang-kita ang mga nguso ng baril na nakausli roon. Paglabas namin ay bumungad sa amin ang mga zombies na naglalakad sa kalsada. Nagtago kaming tatlo samantalang bahagyang ibinaba naman ng kung sino ang isang bintana ng van. Hindi ko makita kung sino iyon dahil maliit lang ang siwang ngunit nakikita ko naman ang mga mata niyang nakasilip at nakatingin sa direksyon namin. Sinenyasan ko siyang buksan nang kaunti ang van. Mabuti na lamang at naintindihan niya agad dahil kung hindi, lagot na.

"Clent, kaya mo namang tumakbo nang hindi ganoon kalakas ang ingay, 'di ba?" tanong ko na sinagot niya ng tango. "Good. Mabilisan lang 'to pero dapat maingat."

Pagkatapik ko sa balikat niya ay agad siyang kumaripas ng takbo. Nakapasok naman siya agad kaya napabuntong-hininga ako at nilingon si Sho.

"Sumunod ka na." utos ko.

"No. You might do something stupid again." mabilis na sagot niya at nakipagtitigan sa akin.

Bakas sa mga mata niya ang determinasyon kaya nasisiguro kong hindi talaga siya papayag sa gusto kong mangyari. At kapag nagmatigas pa ako, malamang na mapapahamak lamang sila. Naiinis na kinagat ko ang dila.

"Tss. Bakit 'di na lang tayo magsabay?!" mahinang angil ko sa kanya na ikinangisi niya. Hindi naman halatang natuwa siya sa sinabi ko, 'no?! Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at hilahin palabas. Masamang tingin ang iginagawad ko sa kanya habang sabay kaming tumatakbo. Napaasik na lamang ako nang makapasok kami sa sasakyan. May kalakasan kong isinara ang pintuan kaya hindi na ako nagtaka nang magsimulang lumapit sa amin ang ilang zombies na nakarinig niyon.

Kinuha ko ang bag na dala ni Sho at tiningnan ang mga laman no'n. Hindi nakaayos ang mga baril. Kinuha ko ang isang Staccato C2 at Walther PDP Full-Size. Ramdam ko ang tingin nila nang mabilis ko itong i-assemble. Naglagay din ako ng mga bala. Kumuha rin ako ng dalawang silencer at inilagay sa parehong baril.

"A-anong gagawin mo?" tanong ni Dana. Bakas sa boses niya ang kaba at ang katotohanang alam niya ang sagot sa sariling tanong ngunit nagtanong pa rin siya.

"Papatayin sila." bagot na wika ko.

"Pero tao pa rin sila!" sigaw niya.

Napatigil ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya. Huh! At talagang wala pa rin itong natututunan?!

"Pero hindi na ngayon. Infected na sila ng kung anumang lintik na virus na 'yan. Kung hindi mo sila kayang patayin, e'di pakain ka na rin." pigil ang inis na sabi ko at tiningnan sila. "Hindi kayo tatagal kung uunahin n'yo ang lintik na awang 'yan. Hindi kayo maililigtas n'yan sa nangyayari ngayon, okay? Ang kailangan n'yo rito ay tibay ng loob at diskarte para mabuhay. At please, huwag na huwag mo na 'kong kakausapin o pupunahin pa ang gagawin ko, dahil kapag hindi ako nakapagtimpi, baka ikaw ang mapatay ko."

Nanahimik lang sila samantalang umiiyak naman si Mich. Napairap ako at ikinasa ang baril bago buksan ang bintana sa side ko. Sapat lang para mailabas ang nguso ng silencer. Itinutok ko 'yon sa zombie sa side ko at pinaputok. Napaiwas ako ng tingin nang tumalsik ang dugo niya. Oo nga at maliit lang ang bukas ng bintana pero natalsikan pa rin ako sa mukha.

"What are you doing?" tanong ni Sho nang buksan ko ng malaki ang bintana at ilusot ko ang ulo para tingnan ang distansya ng mga zombies sa side ko. Naramdaman ko rin ang kamay niyang nakahawak sa damit ko na para bang handa akong hilahin pabalik kung sakaling tangkain kong lumabas. Pumasok ako ulit at isinara ang bintana.

"Sho, I know we're not close. Pero please lang, mag-tagalog ka naman." naiiritang wika ko. "Nasa Pilipinas tayo at kanina pa gustong dumugo ng ilong ko sa 'yo."

"Oh." May mumunting ngisi ang nais lumabas sa labi niya ngunit kanyang pinipigilan na para bang isa 'yong kasalanan. Nakatingin din siya sa akin na bakas ang amusement sa mga mata.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Is he making fun of me? Sa halip na patulan siya ay bumuntong-hininga na lang ako.

"Since ikaw lang ang mukhang matino sa grupo n'yo—"

"Matino ako ha!" putol ni Andrei sa kung anumang sasabihin ko.

"Ako rin!" saad naman ni Angelo.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Mas kapani-paniwala pa kung si Clent ang nagsabi. But anyway, since sinabi n'yong matino kayo, makinig kayong mabuti sa sasabihin ko dahil hindi ko na ito uulitin."

"Ano ba 'yon?" tanong ni Clent.

"Hindi ko man alam kung saan nagmula pero masasabi kong isang virus ang kumakalat. Magiging kagaya ka nila sa oras na ma-infect ka. So, kung may mga sugat kayo before the zombreak happened, takpan n'yo na. Malakas ang sense of hearing nila kaya hangga't maaari ay huwag kayong gagawa ng kahit anong ingay. Hindi sila nakakakita kaya dumedepende sila sa pandinig nila. Kung ayaw n'yong mamatay, patayin n'yo sila. Kailangan n'yo lang puntiryahin ang utak o puso nila para mapatay sila. Pwede ring both para sure dead na. Any questions?"

Walang nagsalita kaya bumuntong-hininga ako.

"So, Sho, kailangan natin ng matutulugan."

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now