Chapter Twenty-Two

Start from the beginning
                                    

"Ano? E muntik mo nang ipahamak ang buong pamilya ko a?"

"Sorry ho talaga, gusto ko lang ho sanang hingin ang inyong basbas."

Napakunot ito ng noo, nasa mukha ang pagkalito. "Basbas? Anong basbas? Saan?"

"Kay Marie ho, Sir...gusto ko ho siyang pakasalan."

Nanlaki ang mga mata nito, hindi pa rin alam kung ano ang dapat gawin o sabihin. Doon naman bumukas ang pinto ng likuran ng sasakyan nito at lumabas si Marie. Namamasa ang mga mata nito sa pinipigilang luha. Lumapit ito sa kanya.

"Hi." Sa halip ay nakangiti niyang salubong.

"C-Cale...did I hear it right?"

Tumango siya. "Will you marry me, Marie Santillian?"

Napasinghap ito, saka tuluyan ng umiyak. Nang makabawi'y nilingon nito ang ama. "Dad, please? This is the only thing I want in my whole life. Tinanong ninyo kung anong regalo ang gusto ko for my graduation, ito ho, ang maging asawa ng lalaking mahal ko. Please let me marry him? Please?" halos magmakaawa ito sa ama.

Isa-isa nang nagsilabasan ang ina at nakatatanda nitong kapatid na lalaki sa sasakyan.

Nakabawi na rin ang ama nito, tumingin sa kanya, saka muling ibinalik sa anak. "Marie, sigurado kang ito ang gusto mong mangyari sa buhay mo?"

Mabilis na tango ang isinagot nito. Paulit-ulit. "Oho. Oho!"

Hindi na nagmatigas pa ang ama nito. Nang tumango ito'y mabilis siyang nilundag ni Marie at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Oh, Caleb! Thank you, thank you so much! Pangako, hinding hindi mo pagsisisihang pakakasalan mo ako. I will devote my whole life to you. Magiging mabuti akong asawa sa iyo. Pangako."

Kumilos siya't iniyapos ang mga braso sa baywang nito, idinikit ang dibidb sa maliit nitong katawan. Dinama niya ito, humigpit ang mga yapos. Nakuyom niya ang palad. "S-salamat, Rie. Salamat."



"BAKIT ba biglaan ka na lang palaging magdesisyon?" Mataas na tinig ng ina ni Caleb. Nakabalik na siya sa kanila at agad niyang sinabi ang napagdesisyunan sa magulang.

"Caleb naman, wala akong sinabi nang basta ka na lang magdesisyong ampunin si Kaylee-"

"M'my, please refrain from saying that. Anak ko si Kaylee at hindi ninyo kailangang ipagdiinan ang salitang iyan sa tuwing mababanggit siya."

"I'm...sorry." Tumikhim ang ina. "Pero Caleb, dahan-dahan naman sa pagdedesisyon. Marriage is a lifetime commitment, and you just graduated. Are you sure about that?"

Tumayo siya't nilapitan ang ina. Mas lalo pa itong lumiit ngayong nasa anim na talampakan na ang kanyang tangkad. Hinawakan niya ang mga palad nito. "M'my, twenty-two na ho ako, at alam ko ho ang aking ginagawa. Isa pa, kilala ko na ho at ng pamilya natin ang mga Santillian. Marie is a very good woman, she will be a perfect daughter-in-law to you. Magkakasundo kayo."

"Pero--"

"Clari, siya naman ang magpapakasal, kaya siya na ang bahala sa buhay niya." Singit ng ama na naroon at nakaupo lang sa silya sa harap ng working table nito.

"See, Dad agrees." Kinindatan niya ang ina.

"Hmp, like father, like son. Ewan ko sa inyo. Kailan ba kayo nakinig sa akin?" Nagkunwari ang ina sa paghihinampo.

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Don't worry, M'my, kayo na ho ang bahala sa mga gagawin sa kasal ko, alam ko namang gusto ninyo ang mga party na gano'n."

"Noon iyon, noong bago pa ako magpakasal sa daddy mo. Bihira ko na lang gawin iyon ngayon." Sinundot nito ang kanyang tagiliran, natawa siya.

"Well, this is your chance to do it again." Saka na siya kumalas. "Anyway, salamat ho sa pagbibigay sa mga kahilingan ko. I owe it all to you. This is for you." Iniabot niya ang diploma sa mga magulang, saka yumukod ng pasasalamat. "Thank you."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now