CHAPTER 8

11 1 0
                                    

Nang kinagabihan ay lumabas akong muli upang manguha muli ng mga picture.

Habang naglalakad ako ay napansin kong uli si kyle sa di kalayuan.

"Kyle!" Tawag ko dito na nakapagpalingon naman rito.

"Oh lourice anong oras na ah bat lumabas kapa din? Tsaka--" tinignan niya ang tabi ko kaya agad ko namang nakuha ang gusto niyang sabihin.

"Tulog na siya." Napatango nalang siya.

"Nga pala, yung offer ko." Sambit niyang muli.

"ahh oo nasabi kona sakanila yung tungkol don okay lang sakanila at napagisipan kona din naman yon."

"So, i consider that as a yes?" He ask.

Tumango naman ako at maya maya lang ay may inilabas na siyang papel na agad ipinapirma sa akin nang mapirmahan ko na to ay agad akong may naalala.

"Hoy kyle di mo naman sinabing fan ka ng myloves ko ah." At isinagi kopa ang siko ko sa kanya.

"Huh? Myloves?" Takang tanong nito na nakapagpatawa sakin dahil sa reaction niya.

"Ni Jason! Naku naman kyle baka mamaya pinagnanasaan mo to ah friendship over talaga tayo!" Sigaw ko dito na nakapagpatakip ng tenga niya. Oa naman nito di naman malakas boses ko eh, diba? Diba?

"Wag ka ngang sumigaw I'm not his fan tsk." Napansin kong parang nairita siya sa nasabi ko.

''asusss ayaw pabuking baka mamaya hindi kana straight kyle ah may napulot kaya akong picture niya na galing sayo!" Sigaw ko dito na natigilan naman siya agad. "Oh! Ano? Kyleeeee mygoddd asawa ko yon! Wag mokong agawan!''

"Can you please shut up? Kung gusto mo sayo na yang picture niya wala kong pake diyan okay? Hindi ako bakla mahal konga kaibigan mo eh! tsaka kaya Lang naman yan na sakin kase--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang may isang babaeng lumapit na mukhang katrabaho niya. "Lourice alis nako ah bye. Matulog kana din anong oras na." Tumango nalang ako at hinawakan ang camera kong nakasabit sa leeg ko pinakiramdam ko ang hangin habang nakapikit at ang sarap at ang lamig ng mga hampas nito sa aking katawan at mukha dinadala lamang nito ang akin dress na hanggang tuhod at ang aking buhok na sumasayaw sayaw sa hangin. Ang sarap ng ganito pakiramdam muli akong may naalala habang ako'y nakapikit.

*FLASHBACK

Nakaupo kami habang pinagmamasdan ang dagat na balot na ng dilim dahil sa lalim ng gabi ngunit makikita mo padin ang nagliliwanagang mga bituin sa langit.

"Ang saya nung ganito no?" I ask him.
Tumango naman siya at nginitian ako.

"Oo parang walang problema nakakarelax ang ganito. Tamang upo lang tayo habang hinahayaan natin na tangayin Ang ating mga buhok at damit ng hangin."

*END OF FLASHBACK

nasan na kaya siya? Sana naman ay nasa maayos na siya na kalagayan at sana ay masaya na siya. napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga naaalala at naiisip kong iyon.

Ibinaba ko ang tingin ko sa aking camera na nakasabit sa leeg ko tsaka iyon inilagay sa aking mata at ipinikit ko ang isa kong mata ngunit agad ko ding naialis sa aking mata ang camera at hindi ko alam ang aking gagawin sa mga nakikita ko ngayon.

Nanlalaking mga mata, bibig na maingay na naging pipe at mga katawang halos naninigas na sa bumungad na mukha ng tignan ko ang camera ko.

Kinurot ko ang mga braso ko at masakit iyon ngunit hindi pa ko nakuntento at pinagsasampal ko pa ang mag kabilang pisnge ko. "Aray!'' daing ko nang masaktan ako sa sarili kong ginagawa.

"Miss? Are you okay?" Wala sa sariling napatango ako ng dahan dahan ng makita ko siya sa harapan ko. "A-ahh miss? Are sure? You are okay or you have a sick?" Tumatango ako at umiiling na wala sa sarili at aminado akong mukha akong tanga sa pinaggagawa ko habang nakatulala padin. Napansin kong napakamot siya sa ulo niya at parang hindi alm ang gagawin. "Ahmm okay.'' sambit niya na lamang at mukhang aalis na siya kaya agad akong natauhan.

"Waahhhhhhhhhhhh omygod mylovessssss wahhhhhh." Sigaw ko ng matauhan na ko at nagtatatalon talon pa. Pansin ko naman ang pagkagulat niya at lalo pa siyang nagulat nang hawakan ko ang braso niya habang tumatalon. "Sinasabi kona nga ba eh wala talaga imposible omygodddd tadhanaaa enebeeeeeee meygeshhhh" nagsisisigaw na sabi ko.

"Ahh miss excuse me. Please calm down please." paulit ulit na sabi niya. Maya maya lamang ay nahimasmasan nako at nakita kong inayos niya ang damit niya dahil sa pagkakagusot ko rito kanina. Napaupo nalang ako sa hingal ng pagtatatalon talon ko dito. "Excuse me." Ngumiti ito sa akin at tumabi siya sa pagkakaupo ko eh? Enebeeeee.

"Yes?" Masiglang sambit ko rito.

"Can I have your name?" At ngumiti pa siya na mukhang awkward at di niya din akalain yung pinagsasabi niya.

Napangiti ako ng malapad at nasisiguro kong pulang pula nako shemayyyyyy totoo ba to?

Tinatanong talaga ng isang Jason drew dale ang pangalan ko?

Wahhhhhhhhhhh!!

MY DREAM (On Going)Where stories live. Discover now