CHAPTER 7

5 3 0
                                    


"Boracay boracay boracayyyyyy.''

"Ingay mo." Maarteng sabi ni kuya.

Kakadating lang namin ngayon sa boracay dahil nag aya ako. Wala lang amboring naman kase kung dun lang kami sa bahay at nganganga diba? Mas ok nato malilibang si arianne, sila mama papa at syempre ang aking panget na kuya hahahah shhhh.

Nang makapasok kami sa unit na napunta sa amin ay agad na kong humiga sa kama. naisip ko tuloy si Jason myloves.

What if kasama ko siya? Tapos tabi kami sa Kama na to tapos masaya kaming nagtatawanan, nagkukulitan tapos bigla kaming malalaglag sa kama tapos nasa baba ako nasa taas siya tapos nagkatitigan kami kitang-kita ko ang kanyang magaganda't kulay brown na mga mata tapos unti unting maglalapit yung mga labi namin. Malapit na sobrang--- "aray! Ano ba yun? Problema mo ba?'' sigaw ko at tinignan ang lapastangang bumatok sa akin.

"Ngumingiti ka na naman kase mag-isa may pag nguso ka pa!" Sigaw ni arianne na tumaray pa. Nakarinig naman ako ng tawanan at wala nang ibang panggagalingan kundi ang akin mga loko lokong pamilya.

"Tsk, ano ba panira kayo eh! yun na! Malapit na eh! Malapit naaaaa aaahhhh paniraaaaaaa." Sigaw ko at nagwala ako na parang batang nawalan ng kiss--- este inagawan ng candy.

"Problema mo?" -arianne.

"Ayun na kase Bessy makikiss kona si jason eh malapit na kami magkiss dito sa boracay eh sinira niyo pa!" Paninisi ko sakanila.

"Imagination." Sabi ni kuya at tumayo na tsaka kami iniwan si mama naman ay bumalik sa pag aayos at si papa ay pumunta na lamang sa kwarto nito at nailing iling nalang dahil maganda ang anak niya.

"Bessy totoo! Makikiss na niya kooooooo. Nagtatawanan kami tapos nalaglag kami tapos ayun na waahhhhhhhhhhhh malapit na malapit---- hmm hmm." Napatahimik ako ng may sinubo siyang pagkain sa akin.

"Kumain ka nalang bessy gutom lang yan." Pinat niya ang ulo ko tsaka ako iniwan mag isa dito.

"Che!'' sigaw ko bago siya makaalis tsaka ko siya tinarayan at narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Hay Jason myloves." Bulong ko nalang at tumingin sa kawalan tsaka ko naisip na nakausap kona nga pala siya noong nahimatay ako. Ahhhhhhhh panaginip lang pala yon, pero hindi eh hays ano yun? Pinagkamalan kong si kuyang guard ang myloves ko? No wayyyyyy.

---------------

"Ma pa kukuha labas lang ako ah kukuha lang ako ng magandang tanawin sa labas.'' kinuha ko ang camera ko tsaka ko pinuntahan si arianne. "Bessy tara labas tayo kuhanan kita."

"Kaw nalang bessy." Hindi ko na pinilit pa at lumabas nalang ako. Nakita ko ang ganda ng sunrise dito sa labas kung kaya't agad kong ineready ang aking camera upang makuhanan ang ganda nito. pagkatapos kong kumuha ng mga ilang shot ay hindi nako nag-abala pang tignan at naghanap na ko muli ng ibang makukuhanan ng may makabunggo akong lalaki dito.

"Ay sorry po." Sabi ko ngunit agad din akong natigilan ng makita kong si kyle Ang nabunggo ko.

"Kyle/lourice!" Sabay na sabi namin ni kyle. "Bat ka nandito?'' muli kaming nagkasabay kaya natawa na lamang kami.

"Ok nandito ako for my work nagkaroon kase muna ng bonding yung company namin bago kami lumuwas ikaw? Bat ka nandito?'' napatango nalang ako sa sinabi niya.

"Family bonding with Arianne." Maikling tugon ko at pansin ko naman na parang naapektuhan siya ng sabihin ko Ang pangalan ni arianne.

"Nandito siya?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Osige na lourice balik nako dun ah nandoon kase yung mga katrabaho ko eh." Ngumiti naman ako at tumango sakanya. Nangpagalis ni kyle ay may naapakan ako na papel pinulot ko naman ito at isang itong picture---- picture ng napakagwapong nilalang. Sinundan ko naman ng tingin si Kyle at parang wala sa sariling na lamang akong napangiti. "Di mo naman sinabing karibal kita.'' natatawang sabi ko. "Ahhh!" Napasigaw nalang ako ng may tao na sa harap ko. "Ano ba naman yan bakit kaba nanggugulat bessy?" Sabi ko ng may paghawak pa sa puso.

"Anong karibal pinagsasabi mo diyan ah? Tsaka ano yang picture na hawak ko patingin niya!" Inaagaw niya ang hawak ko at agad niya ding ibinalik ng Makita Kung Sino to. "Adik! Tara na nga at magbreakfast na daw tayo." At nauna na nga ang loka.

"Wait hintayin mo naman ako!" Sigaw ko tsaka sumunod sakanya.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta nako sa kwarto para tignan ang mga nakuha ko.

"Patingin nga din." Singit ni Arianne at tsaka tumabi sa akin. "wow naman galing kumuha kaya may mga nagooffer sayo eh."

"Oh well." Napatigil ako sa isang letrato ng may napansin ako "waahhhhhhhhhhhh!!"

"Aray naman tenga ko!" Sigaw ng kaibigan ko sakin.

"Bessyyyyyyy parang-- parang si myloves!!" Sigaw kong muli.

"Shut up lourice ang ingay mo! That's not him okay? Kaya maghunos dili ka diyan! Pano magiging siya yan eh nakaside view anlayo! At tsaka pano mapapadpad yun dito baka nga nasa california na yun uli eh!" Tinarayan ko nalang siya sa pagkontra niya kahit kailan talaga panira ng imagination to eh.

Inilipat ko pa ang mga nakuhanan ko at nandun talaga yung lalaking to pinagmamasdan ang sunrise naalala ko tuloy yung kaibigan ko noon.

*FLASHBACK

"Ang ganda pala dito no?'' he said.

"Of course, nothing beats relaxing in the sun on the powdery white sand beaches and swimming in the translucid water." Ngumiti ako sa kanya at napansin koding ngumiti siya sa akin.

"Thank you ah, siguro di ko padin maiisipang makaalis dun kung hindi dahil sayo." Ngumiti siya sa akin muli mga ngiting minsan kolang makita sa mukha Niya.

"Wala yun." Tumingin siya sa malayuan at tsaka ko na naman nakita ang ngiti niya.

"Ang ganda pagmasdan ng pagsikat ng araw parang dinadala ka nito sa paraiso at napapagaan ang loob mo na tila nakakatakas ka sa realidad." Sabi Niya habang nakatingin dito kaya't nginitian ko na lamang siya. Masaya akong nakapagpasaya ako ng ibang to.

*End of flashback

"Uy!"

"Ano ba nanggugulat ka!''

"Tulala ka na naman ano? Nagiimagine ka na naman hay nako lourice baka naman iniimagine mo na nandtion si so called myloves mo!"

"Shut up arianne nothing is imposible no! Duh malay mo naman!" Tinarayan ko nalang ang babaetang iyon at tumayo na.

Narinig ko pa ang pagtawa niya na nakakairita kaya napairap nalang ako muli.

Minsan talaga nakakaasar yung tawa ng kaibigan eh.

MY DREAM (On Going)Where stories live. Discover now