I do father

22 6 1
                                        

Gusto ko sanang pigilan yung luhang nagbabadyang bumagsak.

Nais ko kasi na sa kasal ko, maging masaya ako.

Pero wala. Ayaw nyang magpaawat.

Tuluyan na syang bumagsak.

Wala na akong paki sa make up ko kung masira man.

Ayaw talaga kasi magpaawat ng luha ko na bumagsak lalo na makita kita sa altar.

Nakatayo ka doon at nakangiti habang hinihintay na makarating ako sa harap mo.

Masasabi kong hindi kumupas ang kagwapuhan mo.

Ikaw at ikaw parin talaga ang lalaking minahal ko mula nung highschool hanggang ngayon.

Naalala ko pa nung una natin pagkikita.

Mapang asar ka nun alam mo ba? Hahaha hilig mo ako nun pikunin.

Highschool na ako pero napapaiyak mo parin ako kapag iniinis mo ako

Pero naging matalik na magkaibigan tayo.

Kung dati ikaw ang dahilan ng pag iyak ko. Ikaw naman naging panyo ko sa tuwing umiiyak ako.

Kung dati ikaw ang nang aaway o nangbubully saakin, ngayon naman ikaw ang tagapagtanggol ko.

Napakasaya ng mga memories na nabuo natin.

Salamat sa lahat Nathan.

Tayo ang may magandang friendship

Ako ang prinsesa mo.

Ikaw naman ang prinsipe ko.

Umikot ang mundo ko sayo.

Unti unti kita nagugustuhan.

Hindi pala.

Kunti kunti na kita minamahal.

Lihim ko yun sinekreto kasi ayaw ko masira yung friendship natin.

Pero nung nagcollege na tayo.

Natakot ako na baka maunahan ako ng iba kaya umamin ako sayo.

Naging magandang timing naman yung pag amin ko kasi sabi mo mahal mo din ako.

Pero may hadlang.

"Monic. Sorry. Hindi tayo pwede sa isa't isa. Oo mahal kita. Pero hindi kita maipagmamalaki sa harap ng iba"

.
.
.
.
.
.
.
.

Tuluyan na akong napahagulgol ng makalapit ako sa taong mahal ko.

Nagsimula na ang kasal.

At ako naman ang manunumpa sa pagmamahalan namin.

.
.
.
.
.

"Tinatanggap mo ba si Raphael bilang iyong kabiyak, magiging kasama sa lungkot at saya?" tanong ng padre na minahal ko mula nang highschool hanggang ngayon. Sya si Father Nathan.

Ang lalaking nagpapakasal saamin ni Raphael.

"I do father" sinasabi ko yun sa kanya habang titig na titig sa kanyang mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I do FatherWhere stories live. Discover now