Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig sa sinabi nya--pero gosh Ruan! Gumising ka nga!

"Bastos ka parin! manyak!" Hinampas ko ulit sya but this time ay mukhang tuluyan na siyang napuno sa panghahampas ko.

Itinulak niya ako sa pader at kinulong sa kaniyang mga braso. Sobrang magkalapit ng mukha namin kaya pilit kong isinisiksik ang ulo ko sa pader para hindi kami magkadikit, pero masyado na akong nakadiin kaya nagtatagpo na ang point ng ilong namin.

"Ruan.. hindi na ako natutuwa, ang sakit na literal" Seryosong sabi nya.

Hindi na ako makapagsalita, pano kasi pansin kong namumula na pala yung mukha at braso ni Rein dahil sa mga hampas ko. Aaminin kong na-guilty ako pero anong magagawa ko!? siya naman ang nauna diba? Kasalanan niya kaya siya nasaktan!

"Sorry.. i..ikaw naman kasi, ang manyak mo" Napakagat ako ng labi dahil sa kaba. Sh*t. Nagalit ko na ba sya? Pero siya rin naman ang may kasalanan diba? Ang dami na niyang atraso, hindi ko dapat palampasin yun!

"Sorry? Hindi pwede ang sorry lang" naramdaman ko ang kapit nya sa bewang ko.

Dug.dug.dug.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko habang nakatingin kami sa isa't isa. I looked into his light brown glittering eyes, napakaganda nito. I feel like I'm ready to dive in through it's depth.

Wait, wait?! Napailing ako dahil sa naiisip ko. Nakagawa ko pang kamanghaan ang light brown nyang mata sa lagay na 'to?! Nababaliw kana talaga Ruan!

"Rein wag ka ng magalit. Ililibre nalang kita ng lunch" pampalubag loob ko. He twitched his mouth trying to think about it, a seconds later, he flashed a grin, a playful one.

"Wag na tayong magastos, a kiss will do" He suddenly held my chin and was about to kiss me pero naunahan ko siya nang hampas sa mukha.

"Ouch!"

"Manyak! Kakasuhan kita ng sexual harassment!" Kinakabahan kong saad. "Seryoso ako Anderson, hindi na biro 'tong ginagawa mo. Alam kong may kasalanan ako sayo, but harassing me won't make us even. Baka ikaw pa ang maagrabyado, may cctv dito" pagbabanta ko.

Tumingin naman siya sa paligid para hanapin 'yun at nang makitang meron nga ay bigla siyang bumuntong hininga.

"Psshh. Fine" saad nya at binitawan na ako. Nakahinga ako ng maluwag doon pero wala pang ilang segundo ay muli niya akong isinandal sa book shelves.

"On a second thought..."

Hinalikan niya agad ang labi ko. Sa sobrang gulat ko ay natulala nalang ako sa ginawa niya. My heart's fluttering, and I don't know the reason why.

"Mmm!!" Pinaghahampas ko ang braso niya pero nakadiin parin siya sa'kin. Binitawan niya ako matapos ang ilang segundo, tinignan nya ako at ngumisi bago nagmamadaling tumakbo palabas ng library.

"HOY REIN ANDERSON BUMALIK KA DITO UUPAKAN KITA!! WALANG HIYA KANG HAYOP KA!!"gigil na gigil kong sigaw kahit hinihingal parin ako.

Lumingon sya saglit at nagbelat pa sakin kaya lalong nag init ang mukha ko sa inis.

"Nakaganti na ko sayo, baby! Bleh!" Dinilaan nya ako at inasar asar.

"ANDERSOOOON!!!" Tuluyan na syang nakaalis kaya nasabunot ko ang sarili ko.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan Ruan?! Library ito, hindi palengke!" Biglang dumating ang librarian.

"At bakit tumatakbo si Rein palabas ng library? Tawa pa ng tawa?"

Napakamot ako ng ulo dahil sa inis. Kompirmado ko na, autistic nga talaga ang manyak na lalaking yun!

"Maam! Tanggalin nyo na si Rein na pag e-S.A!"

"Anong tanggalin? Hindi pwede dahil walang tagabuhat ng libro,"

"Pero--"

"Ruan, alam mong hirap tayo sa pagbubuhat ng libro dito. Kaya hindi pwede, okay?" 

Napatikom ang bibig ko sa sinabi ni ma'am at bumuntong hininga nalang. Kainis.

"'O siya pwede ka ng umuwi at isasara ko na 'tong library maya-maya"

"Okay po, una na ako" nakasimangot kong kinuha ang bag ko at isinukbit 'yon sa balikat ko. 

Sa hallway, 'di ko maiwasang ilabas ang hinanaing ko sa Rein na 'yon. Pinapahirapan niya ang buhay ko! Why does he have to be with me everyday? Parusa ba 'to? Napatigil ako bago pa makalabas ng building nang mapansing umuulan pala sa labas. Inilabas ko ang payong ko mula sa bag nang mapansin si Rein sa 'di kalayuan. Kumulo na naman ang dugo ko ng makita siya. Bakit hindi pa umuuwi ang mokong na 'to?

Napansin kong nakatingin siya sa kahon na nasa harap niya habang nakapayong, maya- maya, pinayungan niya yung kahon at sabay tumakbo pasugod sa napakalakas na ulan. Kumunot ang noo ko at binuksan ang payong ko tsaka nilapitan ang kahong tinitignan ni Rein kanina. I was surprised when I saw 3 little kittens inside it. 

Somehow I felt touched by Rein concerning about these little cute things. Akala ko puro landi at kamanyakan lang ang alam niya. Who knows that he has a soft heart with kittens?

***

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon