Present 88

723 53 19
                                    

──── · ꕥ · ────

Nakayakap si
Dairy sa sarili niya.
Nakakailang buntong
hininga siya habang
nakatingin sa langit
na puno ng bituin.
Laking taka kung
bakit siya nilalamig,
eh kanina lang umulan
tapos ngayon ay
tumila na.

Tinago ni Dairy
ang mga kamay
niya sa loob ng
damit niya. "Grabe..
ang lamig.." bulong
niya at napayakap
na sa sarili niya.
Gabi na. Nanghihina
siyang maglakad sa
gabi dahil natatakot
siyang mag-isa.

Balak sana niyang
kunin ang phone
niya pero may naaninag
siyang lalaking
naglalakad palapit
sa kanya kaya
napatayo siya.

Tumakbo na ang
lalaki hanggang sa
nasa ilalim na sila
ng streetlight.

Nakangiti lang si
Bronze habang
nakatitig kay Dairy.

"Malamig.." bulong
ni Dairy kaya agad
kumilos si Bronze
para isuot ang suot
niyang jacket kay Dairy.
"Sorry hindi ako
nakadala ng damit.
Jacket lang nakuha
ko kasi baka naghintay
ka ng matagal," sabi ni
Bronze at inayos
ang hood ni Dairy.

Habang inaayos
niya ang hood at
napatitig ulit si
Bronze kay Dairy.
Patagal nang patagal
ay nanghihina ang
mga tuhod ni Dairy
dahil sa mga titig ni
Bronze at nanginig ang
mga labi niya nang
napatingin na si
Bronze sa mga labi
niya.

"Uhh.." umiwas
agad si Bronze at
napatingin sa langit.
"Next time nalang
tayo magdate. Nilalamig
ka na eh."

Pero hinawakan ni
Dairy ang braso ni
Bronze na paalis
na sana. Dahil sa ginawa
ni Dairy, lumingon si
Bronze.

"Dairy.. bakit?"

"Nanood ako ng
vlogs mo kaya ako
nagabihan," pag-amin
ni Dairy kaya namula
si Bronze. Namula rin si
Dairy dahil naalala
nanaman niya ang
mga napanood niya
kanina.

"Taken na ako eh.
Kay Baby Oil na ako."

"Si Baby Oil? Siya
'yung babaeng trip ko.
Trip to forever ganun."

"Ahh! Si Baby Oil!
Nagseen sa message ko!"

"Abangan niyo lang
ang magiging vlog namin!"

"Uuwi na ako sa Pilipinas,
babies. See you!"

Halos lahat ng vlogs
ni Bronze ay binabanggit
niya si Dairy. Kada
isang vlog tungkol
kahit saan ay hindi
mawawala ang baby oil
na lumalabas sa bibig
ni Bronze. Pero hindi
naman kada segundo.
Isang pagbanggit
kay Dairy, sapat na
'yun para malaman na
palaging iniisip ni
Baby Tanso si Baby Oil.

Ganun ba niya ako kagusto?

Napaubo si Dairy at
napaiwas ng tingin.

"Hawak mo bicep ko.
Matigas ba?" tanong
ni Bronze para pagaanin
ang aura nila kaya
napalo siya ni Dairy.
Pinagmasdan niya ang
suot ni Bronze at bagay
parin sa kanya ang suot
niya kahit pantalon at
white tshirt lang.
Plus converse.

Nawala na ang
sasabihin ni Dairy kaya
hinarap siya ulit ni Bronze
matapos puriin nang palihim
ang lalaking kaharap
niya.

Napangiti si Bronze
dahil ang dami niyang
gustong sabihin
kay Dairy. Ang dami
niyang dapat sabihin.
Pero sa loob ng bulsa
ni Bronze ay ang
nanginginig niyang
mga kamay. At sa ilalim
ng ngiti niya ay ang
pagnginig ng labi niya.
Iniisip niya kung
umamin siya ngayon,
ay baka ireject siya
ni Dairy.

"Naalala mo ba
noong nagtransfer
ako sa DNA? 'Yung
palagi mo akong
binubully?" tanong ni
Bronze pero hindi
maipinta ang mukha
ni Dairy.

Hindi na naituloy ang
sasabihin ni Bronze.

"Bulag, Pipi, Bingi,"
tawag ni Dairy kaya
ginulo ang buhok niya.
Bago pa siya mainis ay
hinawakan ni Bronze ang
magkabilang pisngi
niya.

"Namiss ko 'yun,"
bulong ni Bronze sa
mukha ni Dairy. Ang
kaninang nilalamig
na si Dairy ay pwede
nang pagprituhan ng
itlog sa mukha niya
dahil umangat ang
lahat ng kumukulong
dugo niya sa mukha
niya.

Ang init! Ugh!

"Uwi na tayo."
Hinawakan ni Bronze
ang kamay ni Dairy at
balak hilain pero hinila
siya ulit ni Dairy paharap
ulit sakanya.

"Bakit?"

Hindi ko masabi.

Napabuntong hininga
si Dairy. Hinawakan
niya ang tshirt ni Bronze,
hinila ito sabay ang
pag-ikid niya.

Hinalikan niya si
Bronze sa pisngi.

Nakakatunaw ang
tingin ni Broze kay
Dairy nang bumalik
siya sa dati niyang
posisyon at mas lalong
nagtago sa hoodie.
Nahihiya siyang makita
ang namumula niyang
mukha. Nauna na siyang
naglakad at sumunod
agad si Bronze

"Dairy, ano 'yun?"

"Siguro sinuntok kita?"
sarcastic na sabi ni Dairy
habang binibilisan niyang
maglakad at kita parin
kung paano siya umirap
kay Bronze.

Pero napatigil siya
dahil hinila siya ni
Bronze palapit
sa kanya. Nakangiti
siya habang tinitingnan
ang mukha ni Dairy na
namumula na parang
kamatis.

"Pumikit ka.."
bulong pa niya
at hinawakan ang
magkabilang pisngi
ni Dairy.

"A-anong g-g-gagawin mo?"
nauutal na tanong ni
Dairy pero napakibit
balikat nalang si Bronze.

"Okay. Mukhang gusto
mong makita kung
anong gagawin ko."

Napapikit si Bronze at
hinalikan ang noo ni Dairy.

Dear Dairy (COMPLETED)Where stories live. Discover now