Ilaw ng Tahanan

3K 3 1
                                    

Sa bawat pamilya ay may kinikilalang ina. Ina na kailanman ay nagbibigay ng liwanag sa buong sulok ng tahanan. Isang ina na laging nasa piling ng kanyang mga anak at asawa na kailan man ay hinding hindi lalayo at mawawala.

Ang ina ay isa sa pinakaimportanteng tao sa buong mundo. Sya ang isang bahagi ng buhay ng kanyang anak at asawa. Sya ang nagbibigay buhay at lakas sa kanilang pamilya. Sa paglipas man ng segundo,minuto at oras ,ay andyan siya palagi sa tabi handang alalayan at tulungan sa oras ng problema na kinahaharap ng kanyang pamilya . Pagdating sa nya trabaho , kahit pagod ito ay hindi natitinag na asikasuhin ang mga anak

Hindi maiaalis ang tunay na pagmamahal ng ina sa anak at asawa. Ang pag-ibig nya ay tunay at dalisay na kailanman ay hindi kukupas at hindi magbabago dahil ang isang ina ay tunay na ilaw ng tahanan na hindi nang-iiwan at gigginawa ang lahat ng makakaya para sa ikakabuti ng kanyang pamilya. At higit sa lahat nagsasakripisyo ito sa pamilya para lang mabigyan ang kanyang pamilya ng masaganang buhay

My Activity In LiteratureWhere stories live. Discover now