GiD 38 - D-Day

3.1K 117 66
                                    

Matapos ang dibdibang paghahanda namin ni Darryl ng buong isang araw nagawa rin namin ng maayos. Kalahating araw para aralin ang Korean language and the other half day naman ay para sa pagpa-practice.

Mas madali lang sanang gawin at aralin ang lahat ng kailangan naming matotohan ni Darryl kung English lang sana yung kantang ipi-perform namin on stage kaso hindi ko alam kung bakit ito pang Korean ang ipinilit naming gawin ni Caitlyn. 

Ginabi na kaming pare-parehas dahil hindi kami tinigilan ni Caitlyn na nagmukhang guardia civil sa kababantay saming dalawa ni Darryl. Hindi kami tinigilan hanggang sa hindi namin na-perfect. 

I lay on the bed but staring blankly at the ceiling. Sobrang napagod ako para sa araw na ito. I don't have the energy to raise my head. Nakaugalian ko ng maglinis muna ng katawan bago humiga sa kama pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na nagawa pa sa sobrang pagkapagod na nararamdaman ko. 

I'm physically tired, but not being able to shut my mind off. Hindi mawala sa isip ko yung nakita kaninang pauwi na kami nila Caitlyn at Darryl. Hanggang ngayon iniisip ko pa ring kung sino iyong babaeng kasama ni Clyde. At kung magkaanu-ano ba silang dalawa. 

I heaved a deep sigh before finally letting the darkness consume me. Nagmulat ako ng aking mga mata dahil sa liwanag na tumatagos sa sliding door mula sa labas ng aking kwarto. I want to sleep more but realization hits me. It's Friday and the D-Day! 

Shit! Dali-dali akong tumakbong banyo at madaliang naligo at nag-ayos. Pagbaba ko kumuha lang ako ng isang tinapay at uminom ng konting hot chocolate bago nagmadaling pumunta sa school. 

Hindi pa man maayos na nakakaparada ang sasakyang kinalulunaran ko ay agad na akong bumaba at lakad-takbong tinungo ang club namin. Sana lang hindi ako mapagalitan ni Caitlyn. Well, hindi pa naman ako late kaya lang kabilin-bilinan niya sa amin ni Darryl kahapon na maaga kaming pupunta sa club dahil aayusan niya pa kami.

"You're late!" Hindi pa man ako nakakapasok ay agad na bungad ni Caitlyn. 

"Uhm, traffic?" Sa patanong na sabi ko. Umaasang kagatin niya ang alibi ko.

"Traffic?! Really, Alexis?" Nakatas kilay nitong sabi sa akin. Napangiwi na lang ako. 

"O siya.. tama na yan. Kailangan na nating kumilos. Nakaayos na si Darryl ikaw na lang kailangang ayusan fafa Alex." Agad akong hinili nila Andy paupo at agad na sinimulang ayusan. 

Gusto kong mag-complain at magtanong kung bakit kailangan pa nila akong make-upan pero nawalan na ako ng pagkakataon dahil busy na sila sa akin. Nang matapos akong ayusan agad nila akong pinatayo at ng akma na nilang aalisin ang polo kong suot napaatras ako. 

"Ehem! I can manage." Dinampot ko ang paper bag at saka pumunta sa dressing room para magpalit ng damit. Muntik na ako dun kanina. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes ko kanina nalagot na talaga ako. 

Inayos kung mabuti suot kong damit bago ako lumabas ng dressing room saka ako humarap sa kanila. "So, how do I look?" Tanong ko sa kanila.

"Alam naming gwapo ka na fafa Alex pero mas na triple ang kagwapohan mo ngayon!" Okay, medyo exaggerated yung sinabi ni Andy pero idinaan ko na lang sa tawa. 

Lumapit ako kay Darryl na pangiti-ngiti lang. Alam kong kahit nakangiti siya ay nakakramdam siya ng kaba. I patted his shoulder gently. "Relax! We can do it." I told him with a reassuring smile.

Actually, kinakabahan rin ako. Hindi ko lang pinahahalata sa kanila lalo na kay Darryl. Hindi dahil sa magpi-perform kaming magkasama ni Darryl, kundi dahil ito yung first time na kakanta ako ng Korean song. Paano kung magkamali ako? Makalimutan ko yung lyrics ng kanta? Masasayang lang yung pagod ng buong club sa pagtuturo samin ng Korean.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon