GiD 5 - Popular Guys was Gathered

4.8K 280 52
                                    

Ryfer Keenan Ansleigh

FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100009186072050&fref=ts

Twitter: https://twitter.com/ryfer_keenan


****


GiD

Copyright © 2016
MidnightScarletSkye


****


Chapter 5 - The Popular Guy was Gathered


CLYDE'S POV


My friends and I are having lunch inside the cafeteria when I spotted a guy wearing an eye glasses. Napatingin rin ako sa katabi nitong mukhang foreigner na talaga namang makatawag pansin ang presensya. Mataman ko itong pinagmasdan ng ukupahin ng dalawa ang lamesang malapit sa amin.


Ang kulay amethyst na mga mata nito ang mas higit na nakaagaw ng pansin ko dito. Bukod sa kapansin pansin naman talaga nitong itsura ay namumukod tangi ang kulay ng mga mata nito. I was wondering if those eyes was real. Tanging sa mga anime ko lang kasi madalas makita ang ganoon. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng kulay violet na mga mata. O di kaya naman ay mga contact lenses. Baka contacts nga lang iyon. Iyon na nga ang ipinagpalagay ko. Talaga namang gwapo rin ito. At kung kagaya lang ako ng ibang mga lalake na madaling mainsecure kagaya ng mga babae, malamang pinag-iinitan ko na ito. But, Clyde Keir Allen won't do such thing. And that's me. Tumayo ang kasama nitong nakasalamin para bumili ng pagkain.


Is he the new student? Siya na ba yung tinutukoy nung tatlong bubuyog kahapon?


I asked myself. Ngayon ko lang kasi ito napansin. Sabagay, wala nga pala akong pakialam sa paligid ko kaya hindi na iyon nakakapagtaka pa. Hindi kagaya ng karaniwang mga new student sa school namin na natural lang na sinusuyod ng mapang-usisang tingin o kursyusidad ang buong paligid dahil sa baho nga lang sila pero ito ay prenteng nakaupo lang at nakatitig sa dala nitong MacBook IPad na nakabukas at tila walang pakialam sa paligid nito. Itinabi lang nito ang MacBook ng dumating ang kasama nitong may dalang tray at ilapag iyon sa mesa nila.


"Sino siya?"


Narinig kong mahinang tanong ni Ryker. Napatingin din ako sa mga kaibigan ko. Ang akala ko pa naman ako lang ang nakapansin dito at lihim na pinag-aaralan ang foreigner na mukhang new student. Mukhang pati ang mga kaibigan ko napukaw na rin nito ang interes.


So, hindi lang ako ang nakapansin.


"Aba malay ko." Sabing sagot naman ni Sage


"Mukhang bago ah." Sabi naman ni Flynn.


"Mas lalong hindi ko rin siya kilala. Ngayon ko lang din siya nakita." Sabi naman ni Ryfer.


Binato tuloy si Ryfer ng nilakumos na papel nila Sage at ng kakambal nitong si Ryker. Si Flynn naman tatawa-tawa lang din habang si Zayden naman ay napapiling na lang sa mga kaibigan namin. At ako, as usual deadma na naman lang sa mga naririnig ko mula sa kanila. Napatingin kaming lima ng magsalita si Zayden.

Girl in DisguiseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt