Taming Wind Chapter 8

Start from the beginning
                                    

NAramdaman niya ang mainit na likido na umaagos sa gilid ng kanyang mukha at itinaas niya ang kamay doon. Her forehead was bleeding. Hindi na niya gustong isipin kung gaano kalaki ang sugat na naroon ngunit hindi mahina ang paglabas ng dugo. Maging ang sahig na binagsakan niya ay mayroon na ring maliit na puddle ng dugo. Itinaas niya ang laylayan ng puting nurse's uniform na suot niya para idiiin sa lugar na iyon para maampat kahit paano ang dugo.

Masakit na ang kanyang buong katawan, pagod na pagod sa lahat ng pahirap na naransan nito nang nakaraang beinte cuatro oras, hindi pa siya kumakain at ngayon ay wala siyang tubig. Alam niyang hindi siya tatagal kahit hindi pa magkaroon ng infection ang ilang malalalim na sugat na kanyang tinamo. Kailangan niyang makahanap ng daan palabas o mamamatay siya sa silid na ito.

Maliban na lang kung mahanap siya nia Adam.

Hindi niya pinatay ang tracking device ng kanyang cellphone na ngayon ay nakatago sa isang sekretong lugar sa loob ng kanyang silid. Knowing Adam, alam niyang hindi nito iyon agad gagamitin dahilan sa personal na rasong ginamit niya sa pagpapaalam pero nakaksiguro siyang kung mawawala siya ng matagal ay mawawalan ito ng choice kung hindi hanapin siya.

Sana lang ay matagal na para kay Adam ang pagkawala niya ng mahigit isang Linggo...

She closed her eyes. "Adam, please find me," usal niya na para bang nananalangin.

Sinubukan niyang tumayo upang magsimulang maghanap ng paraan para makalabas ng silid. Wala siyang anumang gamit at kung mayroon mang lagusan sa ceiling ng silid, walang anumang aakyatan para marating niya iyon. Images were beginning to play in her head.

Marco, be quiet.

Ate, I am afraid...

"I am afraid, too, Marco," bulong niya sa mga salitang hindi niya noon nasabi dahil kailangan niyang maging matapang para sa kapatid. Umupo siya at hinila ang sarili patungo sa sulok. Isang bahagi ng kanyang utak ang may bahagya panglinaw at iyon ang lumalaban sa pagdedeliryo niya. Kailangan niyang mag-isip ngunit nahihilo siya. Isinandal niya ang ulo sa pader ngunit imbes na makatulong ay tila lalo pang umikot ang paligid. Sumubsob siya sa pagitan ng kanyang tuhod.

Please be quiet Marco, ha. Don't cry. Ate will run for help and then babalikan kita.

Sa diwa niya ay nakita niya. The pattern on the ceiling. May break doon... something was not continuous. Ibig sabihin... kung may kaunting lakas lamang siya, kaya niyang gumawa ng paraan para maabot iyon. She tried to stand up. Kumapit siya sa pader sa kanyang likuran para ibalanse ang sarili niya. She was too weak and she was hating it. Isang hakbang...

Noon bumukas ang silid at nakatayo sa pintuan noon ang kanina pa niya hinihintay.

"Adam," mahinang mahinang sabi niya. Pinilit niyang ngumiti. "I know you'll find me."

Humakbang ito papalapit sa kanya pero sadyang nanlalabo na ang kanyang mga mata. Para na lamang itong panaginip, pati ang silid na kanyang kinaroroonan. Natatakot siyang ilang sandali na lamang ay maglalaho na ito. Humakbang siya papalapit dito. Nakita niyang halos patakbo itong lumapit sa kanya... and she saw his face, at nakita niya ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Itinaas niya ang kamay sa mukha nito. "Don't be afraid, Adam," pagkasabi noon ay ibinulong niya rito ang mga data sa email at kung nasaan ang memory card na huli niyang pinaglagyan ng data. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nawalan ng malay sa balikat nito.

"There's a memory card under the computer in the third room sa second floor ng bahay. Make sure you get that," habilin ni Adam sa team leader ng joint forces ng government army at ng sariling hukbo ng rehiyong iyon. "I got my agent already and we are going out. It's all yours."

Ilang segundo matapos niyang sabihin iyon, isang malakas na pagsabog ang kanyang narinig. Tulad ng plano nila.

Hinigpitan niya ang hawak kay Camille. Umungol ito.

"Hang on, sweetheart. I'll get you out of here. Just hold on to me tight." Isa lang ang daanan kung saan sila walang makakasalubong. At kailangan niyang mag-rapel pababa noon with the semi-conscious woman in his arms. Naramdaman niya ang mahinang attempt nito para kumapit sa kanya. He tightened her arms around his neck and held her tightly around her waist waist, her other arm secured her thighs around his waist.

Nang lumapat ang paa niya sa lupa ay pinutol niya ang tali. Wala ng tigil ang tunog ng putukan at hindi sila puwedeng maipit doon. A motorcycle parked in front of him, iyon ang niradyuhan niya kanina. Mabilis na sumakay sila sa likod noon at mabilis ding nakalabas sa compound. Halos nagliliwanag ang mausok nilang likuran sa barilang nagaganap.

Agad silang sumakay ng isang helicopter.

"She has sustained multiple fractures, is severely dehydrated at maraming dugo ang nawala sa kanya, mukha ring meron siyang internal hemorrhage" sabi ng sundalong sumalubong matapos nitong mabilis inspeksyunin si Camille. "In less than 30 minutes, if she doesn't get medical attention, we will lose her."

He knew that. Hindi kailangang sabihin sa kanya ng sundalo ang information na iyon. Mula pa nang makita niya ito kanina ay alam niya ang tindi ng bugbog ng katawan nito. There was blood on her face and on her dress and she looked way too pale. Nang malapitan niya ito ay saka lang niya nakita ang bakat ng sampal sa mukha nito at ang dugo sa labi.

He wanted to scream and run and kill all the people who had dared touch her and hurt her. But she fell on his shoulder and all he could think about was that she could die. He can tell that her body sustained internal damage pero ayaw payagan ng utak niya ang posibilidad.

Parang nawala ang boses sa kanyang lalamunan sa narinig na confirmation mula sa isang sundalo. He had been in situations where a life was at stake at parating malinaw ang isip niya sa gagawin. He never lose command. Pero ngayon...

"Malayo pa ang hospital, sir. We might not make it," anang sundalo.

"We will make it," matigas na sabi niya. "Ako na ang bahala rito. Sit with the pilot and direct him to the nearest hospital," sabi niya. His voice came out in a rasp. "Let's go."

Agad sumunod sa kanya ang sundalo. He tried to rummage around him for anything that can help. Napamura siya dahil wala man lang sa first aid kit na naroon ang makakatulong dito.

"Camille, you're stronger than this. Lalabanan mo ito and you will live, okay."

Nakita niya ang paggalaw ng mata nito. Kahit hirap na hirap ay nagmulat ito. "Is that a command, boss?"

Niyakap niya ito. Bakit kaya pa nitong magbiro sa ganitong sandali?

"You look afraid, Adam," mahinang sabi nito.

"Because I am afraid."

"Di ba sabi ko sa iyo dati, I think, ikaw iyong tipo ng tao na puwede akong mamatay sa harapan mo at magkikibit balikat ka lang at magmo-move on. If I die, Adam, be that person. Move on..."

"I can't be that person anymore, Camille." Hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mukha. HInalikan niya ng mariin ang noo nito. "I love you too much."

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Where stories live. Discover now