6 past of Yota

303 19 7
                                    

Yota pov

"Matulog ka na rin Yota" sabi ni Aki sa akin. Alam pala niya na gising pa ako. Di rin kasi ako makatulog tulad nila dahil marami rin akong iniisip.

Iniisip ko ang pwedeng mangyari sa amin dito at syempre sa akin pero kailangan kung tumaya para sa pamilya ko. Pagnanalo ako yayaman kami at di na magugutom ang mga kapatid ko at  higit sa lahat mapapagamot ko na rin si inay.

ang kahirapan ang nag-udyok sa akin kung bakit ako napunta sa ganitong lugar. Hindi rin ako isang gangster dati at naging gangster lang ako nung sumali ako dito sa larong ito.

FLASHBACK

"Maawa na po kayo sa amin." Pagmamakaawa ng inay niya sa mga kalalakihan.

"Anong maawa? Ang tagal na ng palugit niyo. Hindi sa inyo itong lupa na ito kaya umalis na kayo kung ayaw niyong masaktan!"

"Kuya saan kami titira kung papaalisin mo kami dito?Para niyo nang awa, nakikiusap ako. Kung gusto niyo ipagawa niyo na ang lahat sa akin wag niyo lang kaming paalisin dito." nakaluhod na sabi ni Yota dahil pinaaalis na sila sa bahay nila dahil hindi naman sa kanila ang lupa dahil skwater lang sila doon.

Si yota ay laki sa hirap at walang nakilala na ama dahil bata palang sila ay iniwan na sila nito. Susuntukin na sana ng kalalakihan si Yota sa sobrang kulit nito pero napigil ito nung lumapit ang isang lalaki at binulungan ito. Matapos nun ay hinila agad patayo ng lalaki si Yota.

"Sa-saan niyo dadalhin ang anak ko!" nanay ni Yota

"Kuya!" sigaw ng kapatid naman ni Yota

Pinapasok ng lalaki si Yota sa van.

Sa Van

"Ano po ang kailangan mo sa akin?" matatag na sabi nito

"Narinig ko na sabi mo gagawin mo ang lahat para lang maibalik sa inyo yung bahay niyo." Mr D

"totoo po yun!"

"Kung ganon. Sumali ka dito." Binasa nito ang iniabot sa kanya ni mr. D

"pero hi-hindi naman ako gangster."

"Alam ko pero nakita ko ang strength mo sa pag-aaway at taglay mo ang isang gangster."

"Pa-paano ? Pinapasundan niyo ba ako?"

" Ganon na nga. Pag sumali ka dyan bibigyan kita ng bahay niyo at hindi na kayo magiging skwater."

"Ta-talaga po?"

"oo pero dapat handa ka sa dapat na mangyari. Handa kang mamatay."

"Sige! pero paano pagnatalo ako at namatay? Kukunin niyo po ba ang bahay pagganon ang nangyari?"

"Hindi na.Balato na namin yan sa inyo." Dahil sa narinig ay mas lalong nanangis ang pag-aasam nito na sumali na dahil kahit na maghirap siya ay worth it naman dahil di na maghihirap ang kapatid niya at nanay niya."

End of Flashback

Kinabukasan

Wala silang narinig na wake up call. 

"Ang sarap matulog." Vinn

"Oo nga pre." Ralph

"Pero di ba kayo naninibago?" Chito.

"Na ano naman?" Vinn

"Na hindi tayo gumising ng maaga at walang nagtatawag. Diba dapat sa mga oras nato e may ginagawa na tayo?" Chito.

"Wag ka ngang maging paranoid pre. Malay mo di pa nakakaisip si L ng ipapagawa sa atin." Ralph

"Tama si Chito. Dapat mas lalo tayong kilabutan dahil sa mga ganitong pangyayari di natin alam ang pwedeng mangyari." Aki.

"Good morning guys." Yota na kagigising lang at si Yuka naman ay nakikinig lang sa kanila at maya ,maya ay nagbukas ang nasa kisame nila na gawa sa kahoy at nagsilabasan ang mga naka all black. Ang pinto naman na labasan ay nagkaroon ng mga bakal para siguraduhin na hindi makakalabas ang nasa loob.

"Protektahan ang prinsesa." Sigaw ni Aki dahil sinusungod ng kalaban si Yuka. May mga kutdilyong hawak ang mga kalaban nila.

nahiwaan si Chito sa kanang braso niya. Sinipa nito ang kalaban dahilan ng pagkatumba nito at sinaksak ang kalaban.

 busy ang lahat sa pakikipaglaban dahil 15 na tao ang kalaban. 

Suntok dito, sipa, iwas. Ang ginagawa nila. At unti unting nababawasan ang mga kalaban nila dahil napapatay nila ito hanggang sa napatay na nila itong lahat at unti unti naman na tumaas ang bakal sa pintuan dahilan na makalabas na sila.

Pumunta sila sa lobby at nakita nila na puro dugo ang damit ng mga kasamahan nila tulad nila.

"Good morning. Did you all enjoy my morning surprise?' tanong ni L.

"What is good in the morning? Kung patayan na ang ihaharap mo sa amin umagang umaga." Bulong na sabi naman ni Yuka.

"9 nalang na group ang natititra at dahil dyan napagdesisyunan ko na wala na munang mga pagsubok dahil nakikita ko sa mga abilities niyo na kulang pa ang kakayahan niyo kaya sasailalim kayo sa matinding training."

'Dito wala munang papatay" dugtong pa ni L at bigla na itong naglaho sa screen at nagsalita naman si MR. D

"Bukas ang simula ng training niyo ngayon at ngayon wala kayong gagawin kundi maghanda sa dapat mangyayari bukas."

Pagkasabi ni Mr.D ng mga katagang iyun ay umalis na sila ng mga kasamahan nito at naiwan ang mga participants sa lobby.

"Mabuti pa na bumalik nalang tayo sa room natin at ligpitin ang dapat ligpitin." Yuka

'buti pa nga" Yota. 

Bumalik na sila at laking gulat nila ng makita ang kwarto na malinis na ulit at parang walang nangyaring patayin kanina doon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Misx_inn0cent note:

sorry for late update.

The Gangster FightWhere stories live. Discover now