14 The task

186 11 3
                                    

Maagang nagising si Yuka at nakita niya na tulog pa ang mga kasamahan niya pero nagulat siya sa nakita na wala ang leader nila sa higaan nito. Nagdesisyon itong lumabas para hanapin si Aki.

Tinatahak niya ngayon ang madilim na daan sa hallway. Sobrang tahimik ng paligid ng may marinig siyang kuloskus. Medyo nagulat ito sa narinig subalit dahil nacucurious ito ay pumunta siya sa kung saan man nanggagaling ang mga kaluskos. Dahil sa palapit na palapit na ito ay may naririnig itong boses. Boses ng isang lalaki at babae. Tila pamilyar ang boses ng lalaki.

Nagtago ito sa hindi siya makikita ng dalawang nag-uusap. Mga anino lang ang nakikita ni Yuka sa nag-uusap dahil sa gawa ng ilaw doon.

"Kailangan mo nang gawin ang plano kung gusto mo makuha ang gusto mo." Sabi ng babae

"Makakaasa ka. Utos mo lang naman ang hinihintay ko para gawin na ang plano e." Sahot ng lalaki

"Mabuti kung ganon. Kung magagawa mo ng maganda at mabilis Tiyak kung magugustuhan mo ang makukuha mo." Mapang akit na sabi ng babae.

Si Yuka naman ay hindi maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa pero isa lang ang alam niya hindi maganda ang balak ng dalawa. Malakas ang kutob niya doon dahil alam niyang mga halang ang mga bituka ng mga kasali sa laro. Aalis na sana siya ng mapagtanto nito ang ginagawa ng dalawa.

Naghahalikan sila o mas malala pa doon. Nalaman niya yun dahil nagkadikit ang mga anino ng dalawa at dahil sa pag ungol ng lalaki na tila nasasarapan sa ginagawa ng babaeng kausap niya kanina.

"F*ck! Let's do it!" Sabi ng lalaki na masuka suka naman si Yuka dahil alam niya ang tinutukoy ng lalaki.

'Not now Babe." Mapang-akit nanamang sabi ng babae.

"Tapusin mo muna ang pinapagawa kong pagpatay kay Yuka at ibibigay ko ang gusto mo." Sabi ng babae at nanigas si Yuka nang marinig ang pangalan niya.

"Aist! Ba't mo mo binitawan. Hawakan mo muna! Para naman mas lalo akong ganahan na gawin ang pinapagawa mo." Sabi ng lalaki na parang bitin na bitin.

Napatawa ang babae sa sinabi ng lalaki at tinulak niya ang lalaki subalit di pa rin nakita ni Yuka ang mga mukha ng sinisilip niya.

Nakikita ni Yuka ang binti pababa sa paa ng lalaki. Hindi naman siya pwedeng lumabas sa tinataguan niya para malaman kung sino ang mga yun dahil baka mapahamak pa ang buhay niya lalo.

Nagulat ang dalaga ng makita niyang binababa ng babae ang pants ng lalaki at bigla itong lumuhod sa harap ng lalaki. Alam na niya kung saan hahantong iyon kaya umalis na ito sa nakakakilabot na lugar.

Mabilis itong naglakad hanggang sa may mabangga siya. Gulat na gulat si Yuka pero nawala ang gulat niya ng makita niya kung sino ang nabangga. Bigla niya itong niyakap dahil na rin sa takot.

"Aki!" Sambit ng dalaga

"Ano ang problema? Saan ka ba nagpunta?" Tila nag-aalala na sabi ng leader nila.

"Wa-wag tayo dito. Baka may makarinig. Bumalik na tayo sa kwarto." Sabi ni Yuka at agad niyang hinila si Aki.

Ng makarating sila sa kwarto nila ay agad na sinabi n Yuka na may gustong pumatay sa kanya.

"Nakita mo ba ang mga mukha nila?"

"Hindi. Hindi ko nakita."

"Bakit gusto kang ipapatay ng babaeng iyon?"

"Hindi ko alam Aki."

Napatahimik ang dalawa dahil nag-iisip ang mga ito kung sino ang pwedeng maging salarin na pwedeng mag-utos na patayin si Yuka.

Napabalikwas ang dalawa ng makitang magbukas ang pintuan ng room nila.

"Ano ang ginagawa niyo dyan?" Sabi ng kakapasok lang sa kwarto nila.

"Don't tell me gagawa kayo ng kababalaghan." Ngising tanong nito sa dalawa dahil sa nasa iisang kama lang sila subalit ang tilang mag-iisip lang ng ganon ay ang maruming isip lalo na kaaya aya naman ang pwesto nilang dalawa na may space na namamagitan sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa at bigla nagsalita si Aki.

"Saan ka galing Vinn? Bat tila masaya ka ata?"

"Dyan lang. Naglibot libot" Sagot nito at sabay higa sa kama nito.

Doon naman napagtanto ni Yuka na ang lalaking narinig niya kanina at si Vinn ay iisa. Siya ang papatay kay Yuka.

Nagkatinginan ulit si Yuka at Aki na parang nag-uusap ang mga mata nila at napatango nalang si Yuka parag sinasabi na "OO SIYA YON. HINDI AKO PWEDENG MAGKAMALI."

Nalaman ni Yuka na si Vinn iyon dahil sa sapatos at pants na suot nito at ang nakaopen na zipper nito.

Ang kailangan nalang nilang malaman ay kung sino ang master mind.

----------------------------------------------^^---------------------------------------

The Gangster FightWhere stories live. Discover now