LastSection 4 (EDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hmm. Sige. Lets talk about sa mga sugat ng kaklase niyong si Lloyd. Bakit may nakaukit na 'Uno' sa kanya? May pahiwatig ba ito? At iyong bang 'Its payback time' ay sinasabing maghihiganti siya sa inyo?" Tanong ni Mr.Cabagan.

"Opo, at yung nakaukit po meron po." Sagot ni Ann na agad namang binalingan ng investigator.

"Ano?"

"It will serve as kung pang ilan ka mamatay." Sagot ni Anne.

"Ha? That insanity. Paanong pang ilan? Kaya ba gawin iyon ng isang murderer?"

Natahimik ang paligid. Walang sumagot kaya tumikhim si Mr.Cabagan at may sinulat.

"Okay. Lets go to your Teacher. So, anong oras nagcla-class sa inyo ang Teacher ninyo?" Tanong nito.

"7:00 to 8:00 po."

"So, buhay pa ang Teacher n'yo ng mga oras nayon. Nakita n'yo paba ang Teacher n'yo nung lunch?"

"Ahh, ako po nakita ko po siya. Binati ko pa nga po eh." Sabi ni Gwel.

"Okay na, sige Ma'am. Okay na po, salamat sa inyo." Sabi ni Mr.Cabagan kay Ms.Loraine tsaka sa amin.

"Sige mauna kana Mr.Cabagan, may sasabihin lang ako sa kanila." Sagot ni Ms.Loraine.

"Sige po." Tugon ni Mr.Cabagan at lumakad palabas at binuksan ang pinto saka lumabas.

Lumakad si Ms.Loraine sa gitna, ang pagtayo nito sa harap namin ay nagpapakita na nasa isang mataas siyang pwesto at may awtoridad.

"Section Z ano ang sinasabi niyo na ang nakaukit sa noo ay kung pang ilan ka mamatay? Is that true?"

"Hindi po namin alam pero yun lang po yung nasa isip namin." Sagot ni Ann.

Tiningnan kami ni Ms.Loraine na parang sinusuri. Iniisip ang mga bagay bagay na nangyayari.

"Section Z, dapat walang makaalam na iba sa mga pangyayari ngayon. Hindi pa alam ng mga Magulang ni Lloyd na patay na ang kanilang anak pero pina-inform ko na ito sa secretarya ko. Uulitin ko dapat walang makaalam, Okay? Gusto kong manatiling sikreto at walang ingay ang pangyayari ngayon. Nagkakataindihan ba tayo?"

"Opo." Tugon namin ng sabay sabay kay Ms.Loraine, natatakot na magkamali at magalit ito sa amin.

Tumango ito sa amin. Kaya siguro ito sinasabi ni Ms.Loraine sa amin dahil ayaw n'ya na madumihan ang pangalan ng eskwelahan. Dahil ayaw n'ya masira ang reputasyon nito at bumagsak.

Lumakad na palabas si Ms.Loraine at lumabas.

Ang tahimik na atmospira kanina ay napuno ng bulungan nang biglang tumayo si Ann at tumikhim.

"Nasa Section natin ang pumatay kila Teacher Tara at Lloyd, alam kong nandito lang siya. Hindi man natin siya kilala pero nasa paligid lang natin siya." Sabi ni Ann at huminto saglit. "Pwedeng nasa likod o nasa harap. Pwedeng nasa gilid at kasama natin."

"Paano mo naman nasabi na nandito lang siya?" Tanong ni Louie.

"Hindi ko pa alam pero may koneksyon ang lucky numbers dito na binunutan natin kahapon. Ang number na binunutan natin ay ang magsisilbi kung pang ilan tayo mamatay. Hindi ko alam kung kelan at paano pero sinasabi ko na sa inyo na nandito lang siya, kaklase natin at kasama natin ngayon. Mag-ingat kayo."

Nagbulungan ang mga kaklase ko. Oo nga, siguro nandito nga lang ang pumatay kila Teacher Tara at Lloyd. Yung letter sa bag ko, may sinabi siya about sa section namin kaya nandito lang ang killer. Nasa room, nasa paligid at kaklase namin.

"Tama! nandito nga lang pero sino kaya sa atin?" Sabi ni Stella at inikot ang paningin sa paligid.

Nagtitinginan kaming mga magkakaklase, sinusuri ang isa't isa. Parang isang bagay na iniinspeksyon kung tunay o peke.

Sa dami namin na 31? Mahirap malaman kung sino sa amin, lalo na kung magaling ang killer magtago ng kaniyang sarili.

"Renze, ingatan mo si Kristine... Mag-ingat kayo." Sabi ni Ann at tumayo saka lumabas ng classroom.

Kumalat ang katahimikan sa paligid, pangangamba at pagalala ay nangunguna sa aming sistema.

Ganito ba talaga ang dapat mangyari sa amin? Ang magkaroon ng killer sa aming classroom? Magkaroon ng patayan na hindi namin alam kung bakit nangyayari? Hindi ko mapigilan mag-alala sa sarili ko at mga kaklase ko. Gaya nga ng sabi ni Ann na pwedeng nasa harapan o likod namin, pwedeng nasa gilid at kasama namin. Nasa paligid lang siya. Pwedeng nag-mamasid at pinagmamasdan kami habang iniisip ang sunod na gagawin. Hindi ko alam, walang nakakaalam kung anong sunod na mangyayari sa amin. 

Last Section (Exclusive under Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon