• Chapter 27 •

Start from the beginning
                                    

"So, any problem Savannah Torres?" Tanong ulit ni Xana para mapabuntong hininga ako.

"Wala, walang problema" Sagot ko at binigyan ng masamang tingin si Edward na hindi umiimik pagtapos ko siyang sigawan.

"Kung walang problema, bakit kailangan mong sumigaw at idamay ang inosente naming pangalan?" Tanong pa ni Xana at humalukipkip.

"B-Basta, akin na lang yun. Sige na, kakain lang ako" Sabi ko at umalis na doon.

Tsk! Kabwiset si Edward, paepal sa buhay. Nakakayamot.

**

"Nandito na tayoooo!" Naeexcite na saad ni Adrian habang inaalalayan bumaba si Yisa.

"Dahan-dahan lang" Sabi ni Ate Lian habang pababa kami ng yate.

"Dyan lang yung yate?" Tanong ko kay Jevin.

"Nope, sabi ni Adrian babalik daw sa resort yang yate tapos kapag pauwi na, susunduin na tayo" Sabi niya sabay ngiti. Sa totoo lang, kailangan pa naming maglakad papunta sa talon. Tsk! Sayang sa oras.

"Susunduin lang, walang tayo" Sabi ko ag nauna nang maglakad para abutan si Zia kasama si Elisa at Eloisa.

"Excited na 'ko" Sabi ni Zia na para bang naiihi na ewan.

"Boi! Rinig ko na yung waterfalls" Sabi ni Leslie.

"Tara bilis!" Sabi ni Yisa at hinigit ang unang kamay na nahawakan niya.

Kanino?

Syempre sakin.

Saklap no?

"Aray ko, Yisabella! Hindi ako lumpo, pucha!" Reklamo ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa pulso ko pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya dahil sa excitement.

"Bilisan niyo kasi" Sabi niya kaya napa-irap na lang ako.

"Eh bakit kailangan ako pa ang hilahin mo? Pwede naman yung Clyde mo ah" Reklamo ko kaya napatigil siya. Akala ko dahil naalala niyang ako ang hinihila niya at hindi ang kanyang walang hiyang boyfriend, yun pala...

"Waaaaaaaaahhhhhhh! Snake!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatingin sa tinuturo niya.

"Punyeta, ahas gagi!" Bayolente kong bulyaw kaya nagsigawan ang mga nakakita na.

"Putek na yan!" Hiyaw ni Kuya Klode at naghanap ng malaking sanga.

Nagkakagulo kaming lahat dito sa may maliit na isla dahil lang sa iisang ahas. Eh cobra ba naman kasi yung pinagkakaguluhan namin.

Habang nagsisigawan, nagtatakbuhan,  nagtutulakan silang lahat at pilit na pinapatay ang ahas. May biglang pumasok sa isip ko at napalingon sa gawi ni Xana.

Bakit?

Simple lang.

Meron siyang ophidiophobia.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now