"Hindi eh pero may iilan na akong narinig sa kanya, like siya ang pinakamasama at nakakatakot na tao. Ganon." Kamot ulong sabi ko. Napa-iling naman ito at hinila ako papasok sa RHO.


*******
Nandito kami sa kwarto niya kasi alam niyang nandoon daw si Lake sa office niya at hinahanap siya.

"Sasabihin ko sa'yo kung sino si Gregory Bradley, para aware ka." Aniya at naglapag ng inumin. In-on niya ang soundproof at naglock ng pinto.

Para namang pag babanggitin ang pangalan na yan ay katapusan na nang buhay mo.

"Akala ko kilala mo si Gregory pero wala ka pa lang masyadong alam sa kanya." Aniya at sumimsim sa inumin na dala niya.

"I'm not interested of him." Maikli kong sabi.

"Now I'm gonna tell you this. Gregory Timothy Bradley is full name. Tama ang narinig mo na masama at nakakatakot siya. May case na napagusapan nila sila si Gregory and they didn't know na nasa tabi lang nila siya and the next day they kill him. No one knows see of her appearance and characteristics. Papalit palit ng pangalan at hindi nagpapakita nang mukha at delikado siya." Mahaba niya lintana.

Naalala ko ang napag-usapan namin ni Vectoria or I say Denise. Hindi man niya sabihin na kilala niya si Gregory pero alam ko na nakita na niya si Gregory.

"And what?" Tanong ko.

"Matinik siya sa mata nang mga police pati na din sa mga nakakataas dito sa RHO." Napakunot ako nang mabanggit niya ang RHO.

"Why?"

"Hindi mo ba alam? Siya ang pinakamayamang illegal drug seller, at hindi pa yun may iba't ibang Illegal transaction pa siya katulad ng gambling, prostitution." Sabi niya na parang isa siyang pinakadelikadong tao. Hindi ko alam na may nag-eexist palang katulad niya, ang sama nang gawain.

"Thank you sa information Cupid." Ani ko sabay tayo at yuko.

"Mabuti naman at aware ka na." Relief na sabi niya. Lumakad ako palabas ng kwarto niya at nagsalita.

"Kaya nga. Kaya mas lalo ako naging interesado sa kanya." Nakangisi kong sabi at sinarado ang pinto.

"Troublemaker ka talaga, Music." Parang nauubusang pasensya na sabi niya.

******
Full black outfit ako, nakamask at nakabun ang buhok ko. Nandito ako sa labas ng bahay nila Ashton, nalaman ko kasing hindi pa pala nakukuha ang box na mayroong code/hidden message.

Nandito rin ako para makakuha nang ibang impormasyon sa kanila lalo na madalas wala si Ashton sa kanila.

"Agent Music, where are you?" Tanong ni Brain sa'kin, siya ulit eyes ko?

"Urggh sabi ko kay Jose hindi ko na kailangan ng eyes." Iritang sabi ko.

"Nag-aalala pa rin si Neptune sa'yo kaya ako ang eyes mo." Natatawang sabi sa kabila.

"Urgh."

"By the way, nas'an ka?"

"Nandito ako sa ibabaw ng puno inaantay na umalis si Ashton." Pabulong na sabi ko, kitang kita ko siya mula dito sa itaas. Naka-spy vision kasi ako, kaya nito palapitin ang image na kailangan ko at i-picture, pero yung picture deretso sa RHO.

"Nandyan siya?" Taka niyang tanong.

"Yeah. Kahit ako hindi ko alam buti nalang nandito si War kasama ko kaya siya na ang susunod kay Ashton." Nakarinig ako nang paghinga sa kabila.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now