Chapter 3

1 0 0
                                    

AMY Pov

Last subject na itong itetake namin na exam. Konting tiis na lang wala na kaming poproblemahin yung clearance nalang after this.




Ibibigay yun mamaya ng adviser namin after ng exam namin para narin masimulan na namin ang pag papasign ng clearance yun ang sabi niya.




" This will be the last exam your going to take. Congrats graduates." Adviser na namin ang nag proctor sa amin dahil wala na raw kasing bakanteng teacher kundi siya kaya siya na ang nagpresenta.




"Thank you, ma'am." Sabay sabay na sabi namin. Mamimiss namin ang senior high school, the teachers, classmate,friends and enemy 😊




" Goodluck in this last exam." At binigay na sa amin ang tag-isa isang test paper at sinimulan nang sagutan pagkatapos niya mag bigay ng test paper.




After one hour.



" Yes! Tapos na ang exam!!"



"Yes! Tapos na ang paghihirap natin, makakapag rest na tayo!"



"Yes, clearance na lang ang poproblemahin!"



"Whoahhh. Sa wakas!!"



" Mag cocollege narin tayo!!"


"Congrats sa atin STEM ADMIRATION!"



"Yes, gagraduate na rin tayo pagkatapos ng pahirapang emersion at pagpasa ng mga projects." Napatingin kami sa nagsabi nun at nakita naming umiyak ito. Nilapitan namin siya at nagyakapan kaming mag kakaklase.



Sinong mag-aakala na lahat kami ay makakagraduate? Yung ibang boys  inaatupag noon ang mga girlfriend nila, meron naman yung nagiging adik na, meron naman yung absentis, tapos palaging nagaguidance tapos ngayon sinong maniniwala?
GAGRADUATE KAMING LAHAT!




Siguro napapatanong kayo kung bakit masyado akong sure na gagraduate kami, syempre inadvance na sa amin ng adviser namin na lahat kami makaka graduate, hinihintay lang talaga ang exam result pero kahit may bagsak don,makapapasa parin sila kasi isusuffer namin ang ibang grades namin na bigyan sila ng points para mahabol nila ang average grades ang 80.





Ok na raw yun at least makakapasa sila. At dahil sampu kami na nakapasok sa higher grades. Isasasuffer namin ang 4 points para ibigay sa mga bagsak kaya wala nang higher honor, high honor na lang. Ok lang naman sa amin basta ang importante makamartsa kaming lahat.😉




Thankful parin ako kahit papaano.




" Listen class. This clearance will given to you today. Wag niyong iwawala ito. Siguro alam niyo naman na ang gagawin sa clearance right?
Wag kayong mag a-absent this week kasi nandito lahat ng teachers and next week kunti na lang ang teacher na maiiwan dito kaya kahit may ipagawa sila sa inyo gawin  niyo na para pagkatapos ng signing of clearance niyo isusunod na natin ang preparation of graduation." mahabang litanya nito.




" And also don't get absent on friday may practice kayo ng graduation song sa may gym, dapat lahat kayo ang aattend. Nagkakaintindihan ba tayo? "




"Yes, ma'am" sabay-sabay  naming sagot. Eh worse week pala ngayon ehh. Haysst




Nag-umpisa na itong mag bigay ng clearance sa amin. Nakita ko yung iba na nilagay sa bag, meron naman yung tinupi tapos nilagay sa likod ng cellphone. Yung iba binulsa pero yung akin syempre inipit ko sa libro ko para hindi crumpled ang itsura.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THEIR OPPOSITE ATTITUDEWhere stories live. Discover now