Chapter 2

1 0 0
                                    

"Ma,kakain na tayo!"



Sigaw ko. Asan na ba si mama nandito yun kanina ah. Aba may magic si mama biglang nawala.




" Mama,kakain na!!" sigaw ko ulit.



Lumabas ako sa pintuan namin at nakitang kong may ginagawa siya.



Magulat nga.


1,2,3 Boooooo.......!!!



Tawa ako ng tawa ng makita ang reaction ni mama dahil sa gulat.



" Bastos ka talagang bata ka." At piningot ako ni mama sa tenga. Niyakap ko naman siya, namiss ko siya.



" Ma, sayo ako nagmana kaya kung bastos ako bastos ka din." Sagot ko. Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis para dama niya.



" Aba't" papaluin sana niya ako sa braso ng lumayo ako sa kanya habang tumatawa.



" Ma, kain na. Lalamig na ang pag kain." Sabat ko.



" Tara na din sa loob." Aya naman niya.



Sabay kaming umupo sa hapag kainan at nag dasal bago kumain.



" Lord,thank you sa pagkain na nasa harapan namin ngayon. Thank you dahil may kinakain kami at nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw and lastly Lord thank you dahil you give us a chance to live again. Thank you for your blessings and mercy,Amen.



Kumain na kami ni mama at nagkukwentuhan habang kumakain. Nag uusap kami tungkol sa school ko and her works. Secretary kasi si mama ng isang kilalang company dito sa Pilipinas. Thrice a month lang siya umuuwi dito sa probinsiya para makasama ako. 



Kaya kung umuuwi siya nag lalaan ako ng mahabang oras para makasama ko siya minsan nga pinapapunta ko siya sa school at pinapa seat in ko siya tapos tinatabihan ko siya. Ok lang naman sa mga teachers ko dahil alam nila ang sitwasyon ko. Kaya no problem.



" Ma,malapit na ang graduation ko sana naman pumunta kana. Dalawang graduation na ang hindi mo pinuntahan kaya sana naman this time pumunta kna." Paki usap ko.




Napatingin siya sa akin na may awa sa mata kaya yinakap ko siya habang nasa hapag kami.




Palagi na lang kasi ang adviser ko ang kasabay ko na nag martsa kapag pagtatapos namin gaya nung grade 6 ako nung 4th year din, sana naman this time na gagagraduate na ako ng Senior high school ay pumunta na siya. How proud to me na ipakilala at ipakita na siya ang mama ko.




Pero nauunawan ko parin dahil kung tutuusin kung hindi siya magtatrabaho sa aming dalawa hindi ako makaka pag aral at hindi kami makakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero sana naman this time pagbigyan niya na ako.




" Ma, sana lahat ng wish ko eto lang ang matupad ang makapunta ka sa graduation ko." Tulong luha na sinabi ko. How I wish na sasabihin niya na this time oo na at hindi.




" I'm going." napakalas ako sa yakap sa kanya at tinitigan ko siya ng mas matagal.



" Seryoso ma?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ito at ngumiti sa akin.




O my God. Makakasama ko na ang mama ko sa stage, may litrato na kami sa graduation ko at may idi-dikit na ako sa dingding ng kwarto namin. I'm happy. So happy.




" Ma, I love you." Biglang sabi ko. Tears of joy.  Ayokong lumaha pero kusang tumutulo.




" Mahal kita anak. Kahit malayo si mama ikaw lang ang iniisip niya kaya pakatatag tayo,ok?" Napakalas ako sa yakap sa kanya at tumango.




THEIR OPPOSITE ATTITUDEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora